13/10/2025
May your Mam Gia Giana MaRiez serves as your motivation and inspiration to study harderโค๏ธ
G**o naging inspirasyon ng mga batang 4Ps
CALUYA, Antique (Pagbabago) โ I am Gia Marie Zafra Lagrada, 27, panganay na anak nina Regelito at Marissa Lagrada na naninirahan sa malayong isla ng Caluya. Dati akong minomonitor ng 4Ps bago pa man ako naging lubos na g**o sa isang pampublikong paaralan.
Hayaan niyo akong e kwento ang aking naging buhay noon bago ko narating ang aking mga pangarap sa buhay. Noong elementarya pa lamang ako, hindi ko alam kung anong bukas ang nakaabang sa akin. Ang aking mga magulang ay hindi nakatapos ng kanilang elementarya, at walang permanenteng trabaho para itaguyod kaming limang magkakapatid.
Kahit pa sa sobrang hirap ng aming pamumuhay patuloy kaming lumalaban at nagkakaisa, at kahit na gaano kahirap laking tuwa ng aking magulang dahil hindi ko napapabayaan ang aking pag-aaral at ako ay naging consistent na honor student. Ngunit sa aking 2nd year high school ay nagkaroon ako ng line 7 na grado. Ang bigat sa dibdib pero mas lalo akong nasaktan para sa mga magulang kong lahat ginagawa upang makapag-aral ako pero pinapaintindi nila sakin na isa lamang ito sa mga pagsubok na aking mararasanan sa buhay estudyante, at isa sa sinabi sa akin ng aking ina, โhuwag sumuko, huwag panghinaan ng loobโ.
Nakapagtapos ako ng high school noong 2014 at nang tumuntong ako sa kolehiyo, isang panibagong yugto na naman ng buhay ko. Ako ay naging iskolar ng Expanded Students Grant-in Aid Program for Poverty Alleviation (ESGP-PA), isang scholarship ng DSWD at CHED para sa mga 4Ps beneficiaries na nag-aaral sa kolehiyo. Pumasok ako sa University of Antique Main campus sa Sibalom โ pinakamalapit na accredited school, sa kursong Bachelor of Secondary Education Major in Biological Sciences.
Masasabi kong ito ay pinakamahirap na aking naranasan bilang estudyante, kailangan kong magbyahe ng 12-14 oras mula sa Semirara Island hanggang Sibalom at ang pamasahe ay umaabot ng isang libong piso. Masasabi kong hindi biro ang pinagdadaanan naming mga taga isla na gustong makatapos ng pag aaral, maliban sa distansya.
Sa aking pag aaral isa rin sa problema ko ay ang usapang allowance, walang saktong oras, araw ang pag dating ng allowance ko, minsan matagal nila ako papadalhan at nauunawaan ko yon dahil sa estado ng aming pamumuhay, dahil nga walang maayos na trabaho ang aking mga magulang nag kukulang kami sa pinansyal.
Dumating sa punto na dalawa na kami ng kapatid kong si Mia ang college student ng aking mga magulang, kaya sila ay doble kayod na para mapunan ang aming mga pangangailangan. Iyak, pahid ng luha, at laban ulit sa buhay โ ito ang aking naging sitwasyon sa loob ng apat na taon hanggang dumating ang araw na aking pinaka-inaasam โ April 18, 2018, Graduate na ako!
Ngunit hindi dito magtatapos ang aking kwento, kundi ang simula. Pagkatapos ng Graduation, nag review ako sa loob ng tatlong buwan bago kumuha ng board exam sa Agosto. Noong Disyembre sa parehong taon (2018) ito ang pinakamalaking regalo na aking ibinigay sa aking mga magulang ang sukli sa lahat ng kanilang sakripisyo at pag hihirap,, โTay, Nay, may LPT na tayoโ alam kong proud sakin ang aking pamilya pero mas proud ako sa aking mga magulang sa hindi nila pagsuko para ako ay makatapos sa aking pag aaral.
Maraming salamat sa lahat ng mga tumulong at tulong na aking natanggap na umagapay sa aking pag aaral dahil kayo rin ang isa sa dahilan ang aking Lisensya, at masasabi kong malaking ambag doon ang 4Ps sa tulong sa aming pamilya, na isa sa naging tulay namin.
Pagkatapos kong makapasa ako ay nag volunteer teacher sa Tinogboc National High School noong January 2019 upang ako ay makapagsimula, at kakailanganin ito sa ranking. Pagkalipas ng walong buwan, ako ay nakapasa sa ranking at naging isang ganap na g**o sa nasabing paaralan (September 2019) hanggang sa kasalukuyan.
Sa loob ng anim na taon bilang isang g**o, hindi lamang kaalaman sa tinuturong asignatura kundi pati ang pagbabahagi sa aking mga estudyante ng aking mga karanasan sa buhay lalong lalo na sa pagsisimula bilang isang anak mahirap at benepisyaryo ng 4Ps. Kaya naintindihan ko ang kalagayan ng mga batang 4Ps kung sakali minsan hindi sila makakapasok sa paaralan dahil sa problemang pinansyal. Ngunit, lagi kong ipinaalala sa kanila ang kahalagahan ng edukasyon at malusog na pangangatawan.
Gusto ko na ang aking tagumpay ay magsilbing inspirasyon sa aking mga estudyante โ huwag sukuan ang pangarap, buong pusong magtiwala sa sariling kakayahan at laging isipin na hanggaโt may determinasyon at pagsisikap, mayroong magandang bukas na naghihintay sa atin.
Proud akong ibahagi ang aking kwento sa lahat lalo na sa aking sariling pamilya ngayon. (Ipinasa ng Caluya MOO, Antique POO/mle/mgc