04/06/2026
Taos-Pusong Pasasalamat sa Ating mga Brigada Heroes ng Longos ES ๐๐ซ
Ang buong pamilya ng Longos Elementary School ay taus-pusong nagpapasalamat sa ating mga katuwang at tunay na **Brigada Heroes** na naglaan ng kanilang oras, pagsisikap, at suporta upang maging matagumpay ang ating Brigada Eskwela. ๐
๐ Producer Savings Bank Corp. โ Calumpit Branch
Maraming salamat sa inyong kabutihang-loob at patuloy na pakikiisa sa mga programang pang-edukasyon ng paaralan. ๐๐ฆ
๐ 19 Alpha Kappa Rho 73 International Humanitarian Service Fraternity and Sorority โ Longos Calumpit Chapter
Taos-pusong pasasalamat sa inyong boluntaryong serbisyo at dedikasyon sa pagtulong para sa kapakanan ng ating mga mag-aaral at paaralan. ๐ค๐
๐ PTA Federation
Salamat sa inyong walang sawang suporta at pakikipagtulungan upang mapanatili ang maayos at ligtas na kapaligiran para sa ating mga mag-aaral. ๐จโ๐ฉโ๐งโ๐ฆ๐
๐ Pambayang Pederasyon ng mga Solo Parents ng Calumpit (PPSPC), Inc.
Lubos naming pinahahalagahan ang inyong malasakit at aktibong pakikilahok sa mga gawaing nagpapalakas sa ating komunidad ng edukasyon. ๐๐ท
๐ McDonald's South Branch
Maraming salamat sa inyong generosity at suporta na nagbigay-inspirasyon at sigla sa ating mga volunteers at stakeholders. ๐โจ
Ang inyong mga kontribusyon ay malaking bahagi ng paghahanda ng isang mas ligtas, mas malinis, at mas maayos na paaralan para sa ating mga mag-aaral.
Muli, maraming maraming salamat sa inyong pagmamalasakit, pakikiisa, at pagiging tunay na Brigada Heroes ng Longos Elementary School!๐
Sama-sama para sa Edukalidad, Para sa Batang Longos! โค๏ธ
=====================================
JONAS S. RUBIALES
School Head
ALEXANDER C. CRUZ, PhD
Public Schools District Supervisor
04/06/2026
June 4, 2026 - Bilang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng klase, nagsagawa ng unang Faculty Meeting ang Longos Elementary School kasama ang ating bagong School Head. Tinalakay ang mahahalagang programa, polisiya, at mga estratehiyang magsisilbing gabay sa pagpapatupad ng mga layunin ng paaralan para sa taong panuruan.๐โจ
Ang pagpupulong na ito ay sumasalamin sa ating pangakong maghatid ng dekalidad na serbisyo at makabuluhang edukasyon sa bawat batang ating pinaglilingkuran. Sa pagkakaisa ng liderato at kaguruan, mas matatag nating haharapin ang mga hamon at oportunidad ng bagong taong panuruan.๐ค๐ก
"Ang bawat matagumpay na taon ng pag-aaral ay nagsisimula sa isang malinaw na layunin, mahusay na paghahanda, at nagkakaisang puso para sa serbisyo."
=======================================
JONAS S. RUBIALES
School Head
ALEXANDER C. CRUZ, PhD
Public Schools District Supervisor
04/06/2026
June 4, 2026 โ๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐โ๐๐ ๐๐ ๐๐๐: ๐๐ฌ๐๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐ฎ๐๐จ๐ง๐ , ๐๐ฌ๐๐ง๐ ๐๐๐ฆ๐ข๐ฅ๐ฒ๐, ๐๐ฌ๐๐ง๐ ๐๐๐ฒ๐ฎ๐ง๐ข๐ง ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐จ๐ง๐ ๐๐๐ง๐ฎ๐ซ๐ฎ๐๐ง ๐๐๐๐โ๐๐๐๐โ
Longos Elementary School proudly attended the virtual program โ๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐โ๐๐ ๐๐ ๐๐๐: ๐๐ฌ๐๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐ฎ๐๐จ๐ง๐ , ๐๐ฌ๐๐ง๐ ๐๐๐ฆ๐ข๐ฅ๐ฒ๐, ๐๐ฌ๐๐ง๐ ๐๐๐ฒ๐ฎ๐ง๐ข๐ง ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐จ๐ง๐ ๐๐๐ง๐ฎ๐ซ๐ฎ๐๐ง ๐๐๐๐โ๐๐๐๐โ organized by the Schools Division of Bulacan.
As we welcome another school year, the teaching and non-teaching personnel of Longos ES joined this meaningful gathering to gain inspiration, strengthen unity, and reaffirm our commitment to providing quality, inclusive, and learner-centered education.
Together, we move forward with one purpose, one vision, and one commitment to serve our learners with excellence, dedication, and compassion.
Maraming salamat, SDO Bulacan, sa patuloy na paggabay at pagbibigay-inspirasyon sa ating mga kawani ng edukasyon.
===============================
JONAS S. RUBIALES
School Head
ALEXANDER C. CRUZ, PhD
Public Schools District Supervisor
02/06/2026
June 2, 2026 - Seremonyas ng Pagbati at Pagtanggap๐
Kanina ay matagumpay na isinagawa ang seremonyas ng pagtanggap para sa ating bagong School Head, Sir Jonas S. Rubiales!
Ang buong pamunuan, g**o, sangguniang barangay, magulang, mag-aaral ay nagtipon upang ipahayag ang kanilang suporta at pagbati sa bagong yugto ng pamumuno.
Isang makabuluhang okasyon na puno ng saya, suporta, at inspirasyon mula sa buong komunidad ng Longos Elementary School.
Nawaโy magsilbing simula ito ng mas maraming tagumpay at makabuluhang pagbabago para sa ating mga mag-aaral at g**o. ๐๐
================================
JONAS S. RUBIALES
School Head
ALEXANDER C. CRUZ, PhD
Public Schools District Supervisor
02/06/2026
A New Chapter of Leadership Begins ๐๐ค
With great joy and anticipation, we warmly welcome Sir Jonas S. Rubiales as the new School Head of Longos Elementary School.
Your arrival marks the beginning of a promising chapter for our school community. We are confident that your leadership, dedication, and passion for education will inspire excellence, foster collaboration, and guide Longos Elementary School toward greater achievements.
As we embark on this journey together, we look forward to your vision and guidance in nurturing an environment where both learners and educators can thrive and succeed.
May your tenure be filled with meaningful accomplishments, strong partnerships, and lasting positive impact. We are honored to have you as part of the Longos ES family.
Welcome, Sir Jonas S. Rubiales! Together, we move forward with purpose, excellence, and commitment to quality education. ๐๐
==============================
JONAS S. RUBIALES
School Head
ALEXANDER C. CRUZ, PhD
Public Schools District Supervisor
02/06/2026
๐โจ June 2, 2026 | Day 20 ng ARAL Summer Program โจ๐
Isang makabuluhang araw ng pagkilala at pasasalamat sa pagtatapos ng ika-20 araw ng ARAL Summer Program. Taos-puso naming binabati ang mga batang nagsumikap, nagtiyaga, at naglaan ng panahon upang higit pang mapalawak ang kanilang kaalaman at kakayahan. Ang kanilang mga sertipiko ay patunay ng kanilang dedikasyon, sipag, at pagmamahal sa pagkatuto.
Lubos din kaming nagpapasalamat sa mga magulang na naging katuwang sa paggabay at pagsuporta sa kanilang mga anak sa buong programa.
Taos-puso rin ang aming pasasalamat sa mga ARAL Tutor Volunteers na sina Ma'am Mikee Joy M. De Jesus, Ma'am Janice V. Ramos, at Ma'am Joanna M. Macaraeg sa kanilang walang sawang pagtuturo, pagtitiyaga, at malasakit sa ating mga mag-aaral.
Maraming salamat din kina Konsi Rio Jesca Gutierrez at Konsi Eustacia Jumaquio at sa buong Sangguniang Barangay ng Longos sa kanilang patuloy na pagsuporta sa mga programang pang-edukasyon para sa kabataan. Libreng miryenda para sa mga g**o at mag aaral ng Aral Summer Program. Ang inyong malasakit at dedikasyon ay nagsisilbing inspirasyon upang mas marami pang kabataan ang mabigyan ng oportunidad na matuto at umunlad.
Gayon din ang pasasalamat sa ating butihing Principal III Dr. Maritess M. Dungca, sa kanyang huling paglalaan ng oras para sa mga mag-aaral na kalahok sa Aral Summer Program.
Sama-sama nating itaguyod ang edukasyon para sa mas maliwanag na kinabukasan ng ating mga kabataan at komunidad. ๐๐
==============================
MARITESS M. DUNGCA, PhD
Principal III
ALEXANDER C. CRUZ, PhD
Public Schools District Supervisor
01/06/2026
June 1, 2026 - TAOS-PUSONG PASASALAMAT SA SUPORTA PARA SA MGA G**O! โจ๐
Lubos po kaming nagpapasalamat sa aming butihing AO Ma'am Kylie Centeno at Principal III Dr. Maritess M. Dungca sa kanilang patuloy na suporta at malasakit sa kapakanan ng mga g**o.
Maraming salamat po sa mga supplies mula sa MOOE na ipinagkaloob para sa bawat g**o. Ang mga kagamitang ito ay malaking tulong sa aming pang-araw-araw na gawain at sa patuloy na paghahatid ng de-kalidad na edukasyon sa aming mga mag-aaral. โ๏ธ๐๐
Ang inyong dedikasyon at pagbibigay-suporta ay tunay na nagpapakita ng malasakit at pagpapahalaga sa mga g**o bilang katuwang sa paghubog ng kinabukasan ng kabataan.
Muli, taos-puso po kaming nagpapasalamat sa inyong kabutihan, pamumuno, at walang sawang suporta. Nawaโy patuloy kayong pagpalain at gabayan sa inyong paglilingkod.
Maraming salamat po!
=======================
MARITESS M. DUNGCA, PhD
Principal III
ALEXANDER C. CRUZ, PhD
Public Schools District Supervisor
01/06/2026
June 1, 2026 - ๐๐ฅ๐๐๐๐๐ ๐๐๐ฅ๐ข: ๐๐ฆ๐๐ก๐ ๐๐๐ก๐๐ข๐ ๐ก๐ ๐ ๐จ๐๐ ๐ฆ๐ ๐ฃ๐จ๐ฆ๐ข
Taos-pusong pasasalamat sa ating Brigada Hero na si Ginang Elena C. Vergara at buong pamilya, sa kanilang bukas-palad na pagbabahagi ng biyaya para sa ating mga g**o. Ang inyong kabutihang-loob at suporta ay patunay ng tunay na diwa ng bayanihan at malasakit para sa edukasyon.
Ang inyong handog ay hindi lamang nagbibigay saya at tulong sa ating mga g**o, kundi nagsisilbi ring inspirasyon sa buong komunidad na makiisa at magbahagi para sa ikabubuti ng ating paaralan.
Maraming salamat po sa inyong walang sawang suporta. Nawaโy suklian kayo ng masaganang biyaya at mabuting kalusugan.
Maraming Salamat, Ginang Elena C. Vergara at Pamilya!๐๐ฅฐ
=================================
MARITESS M. DUNGCA, PhD
Principal III
ALEXANDER C. CRUZ, PhD
Public Schools District Supervisor
01/06/2026
June 1, 2026 -๐ซโจ UNANG ARAW NG BRIGADA ESKWELA 2026 KICK-OFFโจ๐ซ
Sa matagumpay na pagsisimula ng Brigada Eskwela 2026 Kick-Off, taos-puso po kaming nagpapahayag ng aming taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nakiisa at nagbahagi ng kanilang oras, lakas, at suporta para sa paghahanda ng ating paaralan sa nalalapit na pagbubukas ng klase. ๐๐
๐ Maraming salamat sa ating mga g**o na walang sawang nangunguna sa mga gawaing pampaaralan.
๐ Maraming salamat sa ating mga mag-aaral na buong siglang nakibahagi sa paglilinis at pag-aayos ng paaralan.
๐ Maraming salamat sa ating mga magulang na patuloy na sumusuporta sa mga programa ng paaralan.
๐ Maraming salamat sa ating mga boluntaryo na naglaan ng panahon at serbisyo para sa kapakanan ng ating mga mag-aaral.
๐ At isang espesyal na pasasalamat sa mga Opisyal ng Brgy. Longos Calumpit sa kanilang pakikiisa at mahalagang suporta sa adhikain ng Brigada Eskwela.
Ang inyong pakikilahok ay patunay na ang diwa ng bayanihan ay buhay na buhay sa ating komunidad. Sa pamamagitan ng pagkakaisa at pagtutulungan, masisig**o natin ang isang ligtas, maayos, at kaaya-ayang kapaligiran para sa pagkatuto ng bawat mag-aaral. ๐ฑ๐
Bayanihan para sa Matatag na Paaralan, Kaagapay para sa Matagumpay na Kinabukasan!๐๐ซ
Maraming salamat po sa inyong walang sawang suporta at pakikiisa! โค๏ธ
===========================
MARITESS M. DUNGCA, PhD
Principal III
ALEXANDER C. CRUZ, PhD
Public Schools District Supervisor