10/09/2026
๐ช๐๐๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐ฆ๐ข๐ | ๐ฆ๐๐ฃ๐ง๐๐ ๐๐๐ฅ ๐ญ๐ญ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ๐งก Mga anak, ayon parin sa rekomendasyon ng ating Calumpit Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO Calumpit), mananatiling bukas, Setyembre 11, 2026, Biyernes, sa lahat ng public at private schools, lahat ng antas at wala parin munang Alternative Delivery Mode (ADM) bukas.
Bagamaโt may ilang lugar na bumababa ang tubig, kailangan pa rin nating maging maingat. May high tide pa rin tuwing umaga at patuloy ang posibilidad ng backflow o backflooding mula sa mga ilog.
Sa kasalukuyan, may mga paaralan pa ring lubog sa baha, habang ang ilan naman ay patuloy na ginagamit bilang evacuation centers para sa ating mga kababayang hindi pa makauwi.
Kaya naman, para sa kaligtasan ng ating mga mag-aaral, g**o at mga kawani ng paaralan, minabuti nating sundin ang rekomendasyon ng ating MDRRMO.
Patuloy tayong mag-ingat at magtulungan. Unti-unti man ang pag-atras ng tubig, hindi pa tapos ang ating laban.
Unahin natin ang kaligtasan. Sama-sama tayong babangon, Calumpit.