THS CAT Unit 1

THS CAT Unit 1 Community Service, Discipline and Military Orientations
(1)

02/08/2026

TURN OVER OF LAPEL MICROPHONES TO TALIPAPA HS TEACHERS

LIGTAS NA PAARALAN, NAGSISIMULA SA ALERTONG MAMAMAYAN!Isang makabuluhang Active Shooting and Safety Preparedness Orienta...
23/07/2026

LIGTAS NA PAARALAN, NAGSISIMULA SA ALERTONG MAMAMAYAN!

Isang makabuluhang Active Shooting and Safety Preparedness Orientation ang matagumpay na isinagawa sa Talipapa High School, sa pakikipagtulungan ng mga kawani ng Philippine National Police (PNP) Caloocan City.

Layunin ng gawaing ito na sanayin at ihanda ang ating komunidad ng paaralan kung sakaling magkaroon ng emergency o banta ng seguridad—tulad ng pagpasok ng mga indibidwal na may masamang pakay o nagdadala ng mga ipinagbabawal na gamit tulad ng patalim.

Binigyang-diin sa oryentasyon ang kahalagahan ng:

👁️ Ibayong Pag-iingat at Pagiging Mapanuri sa paligid.
🗣️ Agad na Pag-uulat sa mga g**o o opisyal ng paaralan kung may napapansing kaduda-dudang kilos o bagay.
📞 Pagtawag sa Emergency Hotlines para sa mabilisang pagresponde.

Maraming salamat sa PNP Caloocan sa pagbabahagi ng kaalaman upang panatilihing ligtas ang ating mga mag-aaral at g**o!

ANNOUNCEMENT ‼️‼️‼️
16/07/2026

ANNOUNCEMENT ‼️‼️‼️

ANNOUNCEMENT!!

LIGTAS NA PAARALAN, HANDA SA ANUMANG SAKUNA: CAT Officers, Nagsagawa ng Student-led Hazard Mapping!​Hindi natin mapipigi...
09/07/2026

LIGTAS NA PAARALAN, HANDA SA ANUMANG SAKUNA: CAT Officers, Nagsagawa ng Student-led Hazard Mapping!

​Hindi natin mapipigilan ang sakuna, ngunit maaari nating paghandaan ang kaligtasan!

Upang masig**o ang kaligtasan ng bawat mag-aaral at kawani ng Talipapa High School, matagumpay na isinagawa ng mga CAT Officers, sa gabay at pangunguna ng kanilang tagapayo na si G. Joshua L. Balanquit, ang isang komprehensibong Hazard Mapping sa loob ng ating paaralan.

💡 Quick Facts: Ano ang Hazard Mapping?

Ang Hazard Mapping ay ang proseso ng pagtukoy, pagsusuri, at pagmamapa ng mga lugar na maaaring magdulot ng panganib o banta sa kaligtasan sa loob ng isang komunidad o institusyon. Sa pamamagitan nito, mas madaling makikita kung aling mga pasilidad ang nangangailangan ng pagkumpuni, aling mga daanan ang ligtas na evacuation route, at paano maiiwasan ang mga sakuna bago pa man ito mangyari.

Sa hakbang na ito, mas pinagtitibay ng THS ang kahandaan at mabilis na pagtugon (emergency preparedness) kung sakali mang magkaroon ng hindi inaasahang sakuna o kalamidad.

Dahil sa Talipapa High School, ang kaligtasan ng bawat isa ang ating pangunahing prayoridad!

WALANG PASOK ‼️‼️‼️Mag ingat po ang lahat 🙏
07/07/2026

WALANG PASOK ‼️‼️‼️

Mag ingat po ang lahat 🙏

Para sa kaligtasan ng ating mga mag-aaral at g**o, suspendido ang face-to-face na klase simula Daycare hanggang Senior High School sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Lungsod ng Caloocan ngayong Miyerkules, July 8 batay sa rekomendasyon ng City Disaster Risk Reduction and Management Department.

Bilang alternatibong paraan upang maipagpatuloy ang pagkatuto ng mga mag-aaral, maaaring magpatupad ang mga paaralan ng asynchronous classes.

Manatili po tayong ligtas at iwasan ang paglabas sa inyong mga tahanan kung hindi kinakailangan, lalo ngayon na masama ang panahon.

Para sa agarang pagresponde sa anumang insidente o kalamidad, bukas po ang ating 24/7 Emergency Hotlines:

☎️ (02) 888-25664
📱 0908-81-25664
📱 0998-51-2566

Hindi lang swerte ... Kundi husay at galing! Pagbati, Dr. Fortuna S. Casiller! 👏Taos-pusong pagbati kay Dr. Fortuna S. C...
06/07/2026

Hindi lang swerte ... Kundi husay at galing!

Pagbati, Dr. Fortuna S. Casiller! 👏

Taos-pusong pagbati kay Dr. Fortuna S. Casiller, ating TLE Teacher, sa pagpasa sa National Assessment for School Heads (NASH). Ang inyong dedikasyon na maging mas mahusay na lider at g**o ay isang patunay na ang edukasyon ay isang tuloy-tuloy na paglalakbay.

Maraming salamat po sa pagiging huwaran, inspirasyon at determinasyon para sa mga mag-aaral at g**o ng Talipapa HS!

Kahandaan sa Sakuna: Misyon ng Bawat Isa ​Sa banta ng "The Big One" at iba pang kalamidad, hindi sapat ang swerte—kailan...
18/06/2026

Kahandaan sa Sakuna: Misyon ng Bawat Isa

​Sa banta ng "The Big One" at iba pang kalamidad, hindi sapat ang swerte—kailangan natin ng tamang kaalaman at preparasyon.

Ngayong araw, June 18, 2026 matagumpay na isinagawa ang National Simultaneous Earthquake Drill.

Maging handa. Maging alerto!

12/06/2026

🇵🇭 MALIGAYANG ARAW NG KALAYAAN, PILIPINAS! 🇵🇭

​Disiplina sa bawat kilos. Alab ng lahi sa bawat kumpas. 🇵🇭❤️

​Sinalubong natin ang Araw ng Kalayaan sa pamamagitan ng isang makatindig-balahibong Silent Drill Exhibition at interpretative dance ng "Dakilang Lahi". Isang pagpupugay sa mga bayani ng kahapon at sa pag-asa ng kinabukasan.

Ang bawat snaps, bawat hakbang, at bawat madamdaming galaw ay patunay na ang apoy ng kalayaan at pagkakaisa ay patuloy na nag-aalab sa puso ng bagong henerasyon. Nawa'y ang pagtatanghal na ito ay magsilbing paalala na nasa ating mga kamay ang pagpapatuloy ng kadakilaan ng ating bansa.

​Taas-noo nating ipagmalaki: Tayo ay mula sa isang Dakilang Lahi!

Isang mapagpalang ika-128 Taon ng Kasarinlan sa ating buong bansa! Mabuhay ang malayang Pilipino!

Disclaimer: No copyright infringements intended. We do not own the music in this video. They belong to the rightful owners.

Sariwain ang nakaraan, pagtibayin ang kasalukuyan, at magsumikap para sa mas malayang kinabukasan. 🇵🇭✨​Isang makasaysaya...
12/06/2026

Sariwain ang nakaraan, pagtibayin ang kasalukuyan, at magsumikap para sa mas malayang kinabukasan. 🇵🇭✨

​Isang makasaysayang Araw ng Kasarinlan sa ating lahat! Ang kalayaan ay hindi lamang ang kawalan ng tanikala, kundi ang pagkakaroon ng pagkakataong umunlad, matuto, at maglingkod sa kapwa.

​Saan man tayo dalhin ng ating mga pangarap, baunin natin ang dugong bayani at ang pagmamahal sa lupang sinilangan.

Mabuhay ang mga Pilipino! Mabuhay ang Pilipinas! 🇵🇭

SUMAKSES TAYO!Matagumpay na idinaos ang Closing Program para sa Brigada Eskwela 2026. Maraming Salamat po sa lahat ng at...
05/06/2026

SUMAKSES TAYO!

Matagumpay na idinaos ang Closing Program para sa Brigada Eskwela 2026. Maraming Salamat po sa lahat ng ating mga mag-aaral, mga magulang, SPTA, volunteers, stakeholders na nagbigay ng tulong at oras para maisakatuparan ang Brigada Eswkela na ito.

Maraming Salamat din po sa ating Punong G**o na si Mr. Philip A. Villamor kasama ang ating mga Puno ng Kagawaran, mga G**o sa paggabay sa lahat ng mga nakiisa sa gawain na ito.

Sa mga SSLG Officers at mga CAT Officers kasama ang mga Instructors at Alumni Officers na isa sa mga abala sa Brigada Eskwela, maraming maraming salamat po sa inyong oras at effort na inilaan para sa gawaing ito.

Ang lahat ng ito ay hindi magiging posible at matagumpay kung wala ang inyong presensya, tulong at malasakit ❤️

Sa Lunes, June 8, 2026 ay magkita-kita tayo para sa Pagbabalik-Eskwela!

Address

Caloocan

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when THS CAT Unit 1 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category