28/05/2026
Hindi pa huli ang pangarap mo!
Nais mo bang tapusin ang iyong pag-aaral? Narito ang iyong pagkakataon!
Mag-enroll na sa Alternative Learning System (ALS)!
✅ Flexible na oras
✅ Para sa lahat
✅ Libreng edukasyon
✅ May sertipiko
Kung ikaw ay out-of-school youth, working learner, o nais lamang ipagpatuloy ang iyong edukasyon, bukas ang ALS para sa iyo.
MGA KINAKAILANGAN:
• Photocopy ng PSA Birth Certificate
• Dalawang (2) pirasong 1x1 ID Picture
• Report Card (kung mayroon)
ORAS NG ENROLLMENT:
Lunes hanggang Biyernes
8:00 AM – 3:00 PM
Saan?
Sampaguita Elementary School ALS Learning Center
Sampaguita Subdivision, Paraiso Street, Caloocan City
📩 Makipag-ugnayan kay Teacher Arcy Inson para sa karagdagang impormasyon.
Tara na! Abutin natin ang iyong mga pangarap sa pamamagitan ng ALS.
21/05/2026
BALIK-ARAL, BALIK-PANGARAP SA ALS!
Hindi hadlang ang edad o paghinto sa pag-aaral para maabot ang tagumpay. Sa ALS, may bagong pagkakataon para sa’yo!
📍 Sampaguita Subdivision, Brgy. 175, Caloocan
✅ Libreng pag-aaral
✅ Flexible ang schedule
✅ Bukas para sa lahat
📖 Tara na at mag-enroll!
Ang pangarap ay para sa mga handang magsimulang muli. 🤍
Sampaguita Elementary School Schedule of Brigada Eskwela 2026 & Enrollment - See You All!
01/11/2025
Proud of your courage, effort, and heart! 💚
Congratulations to our ALS representatives, Camille Pugay and Jennifer Azucena, for representing Sampaguita Elementary School with pride and passion at Literacy Fair 2025! 🥳🌟
Hindi man tayo nagwagi, panalo pa rin kayo sa tapang, sipag, at dedikasyon na ipinakita ninyo.
We are truly proud of you both!
01/11/2025
Literacy Fair 2025: GO-ALS (Galing at Oportunidad sa Araw ng Literasiya at Sining)
A day filled with learning, talent, and passion as our learners showcased their skills in various competitions — Spelling Bee, Quiz Bee, Spoken Poetry, Poster Making, Slogan Making, Modern Dance, and Doble Kara! 🎤🎨🩰
Congratulations to all participants and winners for making this year’s Literacy Fair a success! 🥳🌟
13/07/2025
📣 Good news, ka-ALS! ✨
Kung malapit ka sa Brgy. 176 F, may ALS Learning Center na dito! 🎓🙌
Hindi pa tapos sa elementary o high school? No worries! Kayang-kaya mo pang humabol!
✅ Para sa edad 12 pataas (Elementary)
✅ Edad 16 pataas (Secondary)
📌 Enrollment: Lunes–Biyernes, 9:00 AM – 4:00 PM
📍 Pumunta lamang sa: Brgy. 176 F
📞 Message or call: Arcy Inson – 09297720982
Walang edad ang edukasyon! Simulan mo na ngayon para sa mas magandang kinabukasan!
27/06/2025
Isang pagpupugay sa aming mga ALS A&E Test Passers!
Pinatunayan ninyo na sa sipag at tiyaga, kayang abutin ang pangarap. Ang buong Sampaguita Elementary School ay taos-pusong bumabati sa inyo!
Keep reaching for your dreams, and always believe in yourselves! 💛🎓
20/06/2025
📍Mga Madalas Itanong (FAQs) sa Pag-enroll sa ALS:
1. Ano ang ALS?
Ang Alternative Learning System (ALS) ay isang libreng programa ng Department of Education para sa mga out-of-school youth at adults na gustong makapagtapos ng elementarya o high school sa pamamagitan ng ibang paraan ng pag-aaral.
⸻
2. Sino ang puwedeng mag-enroll sa ALS?
Maaaring mag-enroll sa ALS ang:
• 12 taong gulang pataas para sa Elementary School level
• 16 taong gulang pataas para sa hindi nakapagtapos ng Junior High School level
• Mga hindi nakapagtapos ng pormal na edukasyon (elementarya o high school)
• Mga nagtatrabaho, may pamilya, o hindi makapasok sa regular na paaralan
⸻
3. Libre ba ang ALS?
Oo, LIBRE ang ALS. Walang bayad ang enrollment, modules, at pagsusulit.
⸻
4. Anu-ano ang mga kailangang requirements sa pag-enroll?
Narito ang karaniwang hinihinging requirements:
• Birth Certificate o kahit anong valid ID
• School Records (kung meron), tulad ng Form 137 o report card
• 2x2 picture (depende sa learning center)
• Duly filled-up enrollment form mula sa ALS teacher
⸻
5. Saan ako puwedeng mag-enroll?
Maaaring mag-enroll sa:
• Barangay Learning Center
• Public Schools na may ALS program
• Makipag-ugnayan sa pinakamalapit na DepEd District Office o ALS mobile teacher
⸻
6. Kailan ang enrollment sa ALS?
Walang eksaktong petsa — taon-taon ay bukas ang enrollment depende sa learning center. Pinakamainam na magtanong sa barangay o paaralang may ALS.
⸻
7. Paano ang klase sa ALS?
• Puwede itong modular, face-to-face, online, o blended learning
• Ayon ito sa iskedyul na akma sa mga estudyanteng may trabaho o ibang responsibilidad
• May mga ALS teachers o mobile teachers na gagabay sa’yo
⸻
8. May certificate ba pagkatapos ng ALS?
Oo. Kung makapasa ka sa ALS Assessment (A&E Test), makakatanggap ka ng Certificate of Completion na katumbas ng diploma sa elementary o high school. Maaari ka nang mag-college, magtrabaho, o kumuha ng TESDA training.
17/06/2025
📣 Welcome to our ALS Sampaguita Elementary School Page!✨
Education is for everyone, anytime, anywhere.
Start your journey with us today.
📖 Para sa lahat. Para sa pangarap mo.
🫶