BSEDucation - Filipino 1E

BSEDucation - Filipino 1E

Share

Kagalingan. Karunungan. Kalayaan.

Ang opisyal na page ng Bachelor of Secondary Education - Major in Filipino 1E ng Lady of Lourdes College para sa Panuruang Taon na 2025-2026.

Photos from BSEDucation - Filipino 1E 's post 29/06/2025

TUNAY NA INYONG HINUSAYAN BSED FILIPINO -1E !!!

ATIN NG NARATING ANG BYAHE PATUNGO SA KATAPUSAN NG UNANG TAON SA KOLEHIYO, TAYO NAMAN NGAYON AY PATUNGO NA SA BAGONG BYAHE, BYAHENG 2ND YEAR ANG ATING LALAKBAYIN.

Nagsimula ang bawat buhay natin sa kolehiyo ng may ibat ibang kaba o iniisip sa kung ano ang magiging kahihinatnan sa atin bilang isang 1st year. May ilan sa'tin ang handa na sa bagay na ito at may ilan naman na nangangapa pa sa mga mangyayari. Ikaw oo ikaw alin ka rito?, naranasan n'yo rin bang isipin kung ano ang TBA nung inyong makita ang magiging schedule n'yo? o nahirapan din ba kayo na hanapin ang inyong silid aralan dahil sa hindi pa gaanong pamilyar sa pasikot sikot sa loob ng inyong paaralan?. Maraming bago sa unang buhay bilang kolehiyo na sa katagalan ay hindi n'yo mapapansin ang pagbabagong ito, nasubok na tayo ng hirap, pagod, pagtitiis, kalungkutan, kasabay ang kasiyahan, pagdiriwang, at marami pang naramdaman sa loob at labas ng ating pagsasama bilang isang kamag- aral. Parang kahapon lang ang lahat , hindi ba? may takot din tayo na baka hindi natin makayanan ang 1st year pero heto tayo lumaban, nagsumikap, binigay ang lahat ng makakaya, hindi sumuko at higit sa lahat naniwala sa sarili na malalagpasan ang lahat ng pagsubok na meron sa 1st year. Sa mga naging sakripisyo natin sa lumipas na araw o buwan ngayon ay nasuklian na, naitaguyod natin ang 1st year na mas maitataguyod pa natin ang ating bagong byahe patungo sa 2nd year, 3rd year at hanggang sa 4th year. HINDI SUSUKO HANGGAT KAYANG LUMABAN, HINDI BABABA SA BYAHE AT GAGAWIN ANG LAHAT MAKASAMA LANG DITO.

Ating kilalanin ang mga naka Dean's Lister kasama na rin ang ilan sa mga completers para sa huling semester sa 1st year

ISANG MALAKING PAGBATI SA ATIN BSED FILIPINO IE ๐ŸŽ‰๐ŸŽ‰

Marami sa'tin ang hindi na nakasabay pa sa byaheng 2nd year pero hindi rito natatapos ang kanilang byahe sapagkat maaari pa silang sumabay dahil hindi sila mapag- iiwanan, may dahilan ang lahat, may dahilan sila kung bakit kailangan nilang magpahinga sa byaheng ito pero patuloy na uusad para sa byahe ng buhay.

credits:
Shaira Nicole Escal - Edit
Joy Fulla - Caption

Photos from BSEDucation - Filipino 1E 's post 08/06/2025

Nahuli man sa pag post ang karangalang ito ay karapat dapat pa ring bigyang pansin dahil ito ay isang bagay na nagpapatunay kung paano nalagpasan ang unang semestre ng ating unang taon bilang isang kolehiyo.

Pagbati para sa Bachelor of Secondary, Major in Filipino โ€“ 1E!

Patunay lamang ito ng inyong dedikasyon at pagsusumikap, ang lahat ng ito ay nagbunga ng maganda at karapat-dapat palakpakan!

Nawaโ€™y hindi rito matapos ang inyong kasipagan, maging simbolo sana ito ng umpisa, hindi ng katapusanโ€“Magsilbi sana itong dedikasyon sa inyo na mas pagsipagan at pagbutihin pa lalo.

Para sa kinabukasan, mula sa susunod na g**o ng bayan! โœŠ๐Ÿผ

02/05/2025

Pagbati, BSED-1E!

Para sa isang matagumpay na presentasyon sa Ati-Atihan Festival โ€“ Ang inyong bawat sakripisyo upang makamtan ang lebel na ito ay kahanga-hanga at tunay na nakakabilib!

Sinubok na ng panahon ang inyong samahan, ngunit nanatili pa rin kayong matatag at patuloy na pinipili na unawain ang isaโ€™t-isa sa lahat ng panahon.

Ang pagkakataong ito ay higit pa sa presentasyon, ito rin ay simbolo ng pagpapalawak ng unawa, pagpapalalim ng pagsasama, at pagpapahalaga sa bawat sandali.

Pagbating muli, sa bawat isa, sa lahat ng pagod, ngalay, at pawis โ€“ Sa wakas, nagbunga na.

04/04/2025

WEEK CHECK โ—๏ธ

Kumusta ka naman sis?

Palaging tandaan, hindi kabawasan ang pagbibigay sa iyong sarili ng pahinga, bagkus ito pa ay kadagdagan.

Huwag mo masyadong bigatan โ€“ Wala kang hinahabol na karera; hinay-hinay din minsan, sis! ๐Ÿ™๐Ÿป

-

31/03/2025

Eid Mubarak! ๐ŸŒ™

Hindi madali ang sakripisyong ipinakita ninyo nitong nakaraang buwan kaya naman lubos kaming humahanga sa inyong katatagan ng loob.

Tanggapin nawa ng Allah ang lahat ng ito, at dinggin ang inyong mga panalangin.

Nawa ay punan tayo ng kapayapaan, kalusugan ng katawan, at biyaya ng pag-asa sa pagtatapos ng Ramadan.

-


27/03/2025

TAG-INIT SZN IS HERE โ˜€๏ธ

๐— ๐—ด๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—บ๐—ฎ, ๐˜๐—ต๐—ถ๐˜€ ๐—ถ๐˜€ ๐˜†๐—ผ๐˜‚๐—ฟ ๐˜€๐—ถ๐—ด๐—ป ๐˜๐—ผ ๐˜€๐˜๐—ฎ๐˜† ๐—ต๐˜†๐—ฑ๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ฒ๐—ฑ โ—๏ธ

Isa pang paalala, panatilihin nating nasa komportableng kalagayan ang ating pangangatawan, pisikal, at mental na kalagayan upang manatiliging ligtas sa mga maaaring maging masamang dulot ng tag-init.

Pinapaalalahanan din ang lahat na palaging magdala ng Payong, Tubig, Ekstrang Damit, Panyo, at iba pang mga kagamitan na maaaring magamit upang panatilihing presko ang ating mga sarili.

Manatiling ligtas sa lahat ng panahon, mga susunod ng g**o ng bayan! ๐ŸŒค

20/03/2025

makikita m tlga sa imagine m,, sumakses ka eh ๐Ÿค˜๐Ÿผ๐Ÿฅฑ

-

Kumusta, mga susunod na g**o ng bayan? Kaya pa ba? O kinakaya na lang?

Ano man ang sagot, nawaโ€™y ang lahat ay nasa mabuting kalagayan at handa na sa magiging resultaโ€“Sapagkat ang pagiging g**o, ay pagiging handa.

Idaan na lang natin sa dasal? Keme! ๐Ÿคฃ

17/03/2025

๐— ๐—œ๐——๐—ง๐—˜๐—ฅ๐— ๐—ฆ ๐—ฆ๐—ญ๐—ก? ๐—š!

Ipasa mo ito sa benteng tao dahil kung hindi โ€“ EMS! ๐Ÿคฃ

Sa nalalapit na midterms exam, nawaโ€™y nakapag-pahinga at kalmado na ang lahat, maging handa at preparado sa linggong puno ng mixed emotions!

Manatiling matatag mga susunod na g**o ng bayan, i-ankla na ang karunungan at magpatangay sa alon ng katalinuhan, dahil lalarga na ang mga mag-aaral nang sama-sama tungo sa pangarap na inaasam!

Kaya mo โ€˜yan โ€“ Ikaw pa ba?!

08/03/2025

Ang Bandera bilang Kababaihan, Ating Saluduhan!

Sa pagpasok ng buwan ng Marso ay isinasabuhay ang Womenโ€™s Month at tinatawag namang International Womenโ€™s Day ang ika-walong araw ng Marso.

Ating kilalalin ang naging kontribusyon ng kababaihan sa ating lipunan, ating bigyang karangalan ang kanilang mga sakripisyo at pagpa-panday sa kaalaman at katapangan para sa pangarap na lipunan.

Patuloy sana nating bigyang kulay ang apoy ng kababaihan, manatili tayong naka-tindig at mag-silbing liwanagโ€“Mula sa babae, para sa kababaihan.

Boses ay gamitin, Liwanag ay palakasin, Abante Babae!



05/03/2025

[Kwaresma 2025]

Nagsisimula ang panahon ng Kwaresma tuwing Miyerkules de Senisa o Ash Wednesday, at matatapos sa Linggo ng Pagkabuhay o Easter Sunday.

Ang Kwaresma ay ang panahon ng pagninilay mula sa mga makasalanang gawain, pag-iwas sa tukso, at pag-aalay ng sakripisyo upang damayan ang panginoong si Hesus sa panahon ng kanyang sakripisyo at pagpa-pasakit.

Isa rin itong paalala ng mga hirap na dinanas at ininda ni Hesukristo para sa sangkatauhan, ang kanyang kamatayan ay testamento ng kanyang pagmamahal para sa sanlibutan.

Nawaโ€™y pag-nilayan natin ito, maging kaiisa tayo ni Kristo, at maging kabahagi sa kanyang dinanas na hirap hanggang sa muling pagkabuhay.



Want your school to be the top-listed School/college in Caloocan?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


15 Gen Luis Street Kaybiga
Caloocan