02/08/2026
Ang buwan ng Agosto ay Buwan ng Wikang Pambansa, alinsunod sa Proklamasyon Blg. 1041, s. 1997.
Ngayong taon, ipinagdiriwang ang Buwan ng Wikang Pambansa 2026 na may temang:
βWikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon.β
Itinatampok ng temang ito ang mahalagang ugnayan ng Wikang Filipino at Artificial Intelligence (AI) bilang kasangkapan sa responsable at makabuluhang pananaliksik na nakatuon sa kapakanan ng sambayanang Pilipino. Sa pamamagitan ng etikal na paggamit ng AI at ng patuloy na intelektuwalisasyon ng Wikang Pambansa, kapwa nagsisilbing tulay ang mga ito tungo sa kaunlaran at sa pagbuo ng isang mas maunlad na kinabukasan para sa ating bansa.
Ang St. Emilie Learning Center, sa pamumuno ng ating Punong-guro, Sr. Theresa L. Ja Nan, SJA, ay buong pusong nakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026. Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa mga gawaing inihanda para sa pagdiriwang na gaganapin mula Agosto 1β31, 2026.
Sama-sama nating mahalin, pagyamanin, at gamitin ang ating Wikang Filipino, gayundin ang iba pang mga katutubong wika sa ating bansa.
Maligayang Pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa!
Mabuhay ang Wikang Filipino! Mabuhay ang sambayanang Pilipino! π΅π