19/05/2026
📢 THE MEDICAL CITY DEVELOPMENTAL ASSESSMENT
(Para sa INDIGENT PEDIA patients, 0–17 years old)
📌 DISCOUNTED RATES para sa mga maaaprubahan ng Social Service.
📄 IHANDA ANG MGA SUMUSUNOD:
1. Certificate of Indigency
• Mula sa barangay
• Nakapangalan sa magulang/tagapangalaga
• Nakalagay ang purpose na “Medical Assistance”
2. Certificate of Residency
3. Valid ID ng magulang/tagapangalaga
4. Isa sa mga sumusunod na identification document ng bata:
• PWD ID
• School ID
• Birth Certificate
5. Proof of Income ng magulang/tagapangalaga
(Sakop ang nakaraang 3 buwan)
Para sa Proof of Income, maaaring isumite ang mga sumusunod:
• Payslip
• Certificate of Employment (dapat nakalagay ang monthly salary)
• Contract of Employment with payslip (para sa mga tagapangalaga na nasa ibang bansa halimbawa seaman, OFW, at iba pa)
• Kung walang payslip o proof of income, maaaring magsumite ng billing statement (hal. electricity o water bill) na may parehong home address
📌 Kung kamag-anak ang tumutulong sa gastusin, kailangan din ang kanilang proof of income.
📝 MAG-REGISTER DITO:
https://bit.ly/DevAssessmentTMCDivineMercy
⚠️ MGA MAHALAGANG PAALALA:
• Official documents lang po ang tinatanggap (Ang mga mag-uupload ng peke o maling dokumento ay maaaring matanggal sa listahan).
• Hintayin ang Viber message ng TMC Social Worker para sa interview.
• Mahaba po ang pila para sa interview ng Social Worker.
• Isang registration lamang po bawat pasyente.
📌 Ang registration ay HINDI automatic na schedule para sa Developmental Assessment. Kailangan munang ma-interview at ma-assess ng Social Worker upang malaman kung qualified para sa serbisyong ito.
📩 Para sa inquiries, mangyaring magpadala ng Viber message sa 09239381506.
Maraming salamat.
08/04/2026
23/03/2026
10/03/2026
24/02/2026
29/01/2026
13/01/2026