02/03/2025
TDC STATEMENT ON PEOPLE POWER ANNIVERSARY
As the nation marks the 39th anniversary of the historic 1986 People Power Revolution, the Teachers’ Dignity Coalition (TDC) calls on the administration of President Ferdinand Marcos Jr. to restore February 25 as a special non-working holiday. For nearly four decades, this day has been commemorated as a symbol of the Filipino people’s collective courage in peacefully reclaiming democracy. To disregard it is to erase a defining chapter of our nation’s history.
The events of February 1986 reverberated across the globe, serving as a model for nonviolent resistance against authoritarian rule. The world watched as millions of Filipinos, armed only with faith and unity, stood against tanks and tyranny, proving that democracy and justice can triumph without bloodshed. It is a moment that rightfully belongs to the people and must continue to be honored as a national holiday.
The atrocities of Martial Law—human rights violations, widespread corruption, and extreme poverty—are established and recorded facts that ignited the people's demand for change. These realities cannot be revised nor denied. The People Power Revolution was not merely an uprising; it was a response to decades of suffering under a dictatorship. Any attempt to downplay its significance disrespects the sacrifices of those who fought for democracy.
President Marcos Jr. must acknowledge these historical truths. His administration cannot just ignore the lessons of the past. Ironically, the person who stands to benefit most from commemorating this event is Marcos himself. Recognizing People Power as a special non-working holiday would be a great step toward national healing and reconciliation. In contrast, the continued neglect of this historical milestone only reinforces the perception that the Marcos family is unwilling to accept the past, further entrenching their place as villains in the annals of Philippine history—especially at a time when political rivals accuse the current administration of authoritarianism and corruption.
No matter how the Philippines has evolved since that historic day, and regardless of the successes or failures of the administrations that followed 1986, the People Power Revolution remains a defining moment in our nation’s history—one that must be honored and remembered. To diminish its significance is to disregard the sacrifices of those who stood for freedom. The lessons of People Power are as relevant today as they were then, serving as a constant reminder that true democracy requires vigilance, participation, and the courage to stand against oppression.
As Gregoria de Jesús once said, “Matakot kayo sa ksaysayan, sapagkat walang lihim na hindi nahahayag.” A leader who chooses to ignore history does so at his own peril. The government must not deny the nation the opportunity to reflect on the importance of democracy, lest it repeat the mistakes of the past.
The TDC stands firm in its advocacy for historical truth. We call on the government to restore the People Power holiday, allowing Filipinos, especially the youth, to remember and learn from our collective struggle for freedom. The legacy of People Power is not just a relic of the past—it is a continuing lesson that must be passed on to future generations. #
February 25, 2025
23/01/2025
As of Jan 22, 2025
Spox: SC received 25 petitions against Comelec disqualifications; 12 acted on, 13 pending | ANC
The Supreme Court issued on Tuesday two more temporary restraining orders (TROs) against the Commission on Elections (Comelec), preventing the poll body from...
27/08/2024
PARTYLIST NG MGA G**O, UMALMA SA COMELEC
Umalma ang Ating G**o-Teachers’ Dignity Crusade (Ating G**o-TDC) Partylist sa desisyon ng Comelec na hindi sila payagang lumahok sa partylist election sa 2025. Ito umano ay maling desisyon at pagmamalabis sa kapangyarihan ng komisyon.
Ayon kay JR Dona, Secretary-General ng Ating G**o-TDC Partylist, hindi nila maunawaan kung bakit na-deny ang kanilang petisyon gayong sinunod naman nila ang mga hinihingi ng komisyon. Buhay na saksi rin umano maging ang publiko na sila ay isang partylist na may mga napatunayan na sa adbokasiya ng karaniwang g**o at kawani at mahigit isang dekada nang umiiral.
“Alam ng lahat ng tao, lalo na ng mga g**o at manggagawa sa sektor ng edukasyon, na ang Ating G**o-TDC ay isang lehitimong partido na kumakatawan sa mga hinaing ng maliliit na kawani at ordinaryong mamamayan. Mula pa sa simula, nakikita at nararamdaman ang aming adbokasiya,” ayon pa rin kay JR Dona, na g**o din sa St. Scholastica’s College sa Maynila.
Kinondena ng partido ang diumano’y pagiging teknikal ng Comelec at pagwawalang-bahala naman sa mga substansiyal na usapin. Ayon kasi sa desisyon ng poll body noong Agosto 2, 2024, hindi pinaboran ng mga komisyoner ang Ating G**o-TDC dahil umano sa mga pagkukulang nito.
“Lahat ng hiningi nilang paglilinaw at karagdagang dokumento ay agad naming naisumite alinsunod sa kanilang utos matapos ang ginawang pagdinig. Kung hindi rin naman pala nila kikilalanin ang mga iyon bakit pa kami pinag-publish sa diyaryo, pinatawag sa pagdinig at binigyan ng order na noong aming na-comply ay balewala rin pala. Para naman nila kaming pinaglaruan,” paliwanag ni Dona.
Gayunman, nagpapasalamat ang partido kay Comelec Chairman George Garcia at Commissioner Ernesto Ferdinand Maceda Jr., ang dalawang kasapi ng Komisyon na pumabor sa kanilang petisyon.
“Yung bumoto pabor sa aming petisyon ang Chairman ng Comelec at isang komisyoner na kilalang istrikto laban sa mga bogus na partylist ay maituturing na naming moral victory. Dalawa sa tatlong kasapi na present sa aming hearing ang pumabor sa aming petisyon dahil naniniwala sila na kami ay lehitimo at dapat bigyan ng pagkakataong lumahok,” ani Dona.
Ang Ating G**o Partylist ay naorganisa noon pang 2010. Matatandaang lumahok na rin sila at halos nanalo noong 2013 at 2016 elections, subalit dahilan sa mga teknikalidad ay hindi sila nakaupo sa Kongreso. Noong 2022 ay nagpasya ang Partido na baguhin ang pangalan at dugtungan ito ng TDC o Teachers’ Dignity Crusade upang bigyang-diin ang pangunahing adbokasiya nito na isulong ang karapatan at dignidad ng mga g**o.
“Ang hinihingi sana namin sa Comelec ay hustisyang elektoral. Noong 2013 at 2016, kami na ang susunod na ipoproklama. Ibig sabihin, kaya naming manalo sa kabila ng kawalan namin ng pera, koneksiyon at padrino. Pagkakataon na sana ito ng Comelec na patunayan na sila ay manindigan sa kawastuhan at sa tunay na intensyon ng partylist law, at yun ay bigyang-boses at representasyon sa Kongreso ang mga ordinaryong mamamayan, kagaya ng mga pobreng g**o at kawani,” ayon pa kay Dona.
Sa dalawang pagkakataong tumakbo ang Ating G**o noong nakaraang mga halalan, pinili ng partido na gawing first nominee si Benjo Basas, tagapangulo ng TDC at isang public school teacher na may posisyong Teacher I, ang pinakamababang posisyon ng isang g**o sa public school.
“Gusto sana naming ibalik sa taumbayan, sa marginalized ang partylist representation na matagal nang sinasamantala ng mga trapo, political dysnasty at bilyonaryo. Marami sa mga ito ay kaduda-duda ang pagkakabuo o ang adbokasiya, pati ang pangaln ng ilan sa mga ito, na isinunod lang sa mga sikat na palabas o karakter sa TV. Nakapagtataka na ang mga ganitong uri ng partylist na hayagang binabastos ang diwa ng partylist law ang pinapayagan ng Comelec na makatakbo,” pagtatapos ni Dona.
Nakatakdang kuwestiyunin ng Ating G**o-TDC Partylist sa Korte Suprema ang desisyong ito ng Comelec. #
August 27, 2024
27/08/2024
Mas gusto ng Comelec ang mga party list na title TV shows o pelikula o kaya yung mga nasa likod ay bilyonaryo at political dynasty. Eh ang party list system of representation ay dapat sana'y venue para sa mga hinaing ng ordinaryong mga mamamayan.
Kaya sakto ang ATING G**O -TDC na dapat maupo sa Kongreso. May adbokasiya, may tunay na organisasyon, kilalang nakikipaglaban, at binubuo ng mga karaniwang mamamayan.
**oTDCpartylist
**oTDCtoSupremeCourt
24/07/2024
BAKIT HINDI PUMALAKPAK ANG TDC SA PAGLABAS NG DEPED ORDER NO. 5, S. 2024?
(from TDC Chair Benjo Basas)
Sections 13 and 14 ng Magna Carta for Public School Teachers (RA 4670) ang basis ng working hours at overtime pay ng mga g**o (at ang CSC Resolution 080096). Kahit na ang DO No. 5, s 2024 ay kinikilala ito. Ang sabi sa Magna Carta, hindi maaaring lumampas sa anim na oras ang turo ng isang g**o sa isang araw. Pero walang sinabing hindi maaring HINDI lumampas, therefore, kahit isa, dalawa, tatlo, apat o limang oras ay puwede dahil walang underload na sinasabi sa Magna Carta. Plus, ang pagiging class adviser ay katumbas ng isang oras, ayon yan sa DM 291, s. 2008 (at DO 5, s. 2024 rin).
Ito ang dahilan kung bakit hindi pupuwede ang sweeping statement na 360 minutes per day or 1800 minutes per week DAPAT ang actual classroom teaching dahil may mga circumstances ito. Detrimental sa karapatan ng mga g**o ang ilang ulit na banggit sa DO No. 5 na "required" ang six hours and teachers "shall" render six hours of actual teaching.
Kaya bago tayo matuwa sa sinasabing overtime pay under DO No. 5, s. 2024 (na nilalaman din naman ng DM 291, S. 2008), dapat nating suriin ang maaaring epekto nito sa atin. Dahil tila binabawi ang mga karapatang dati na nating ipinaglaban at ipinagtagumpay.
Ngayon ay unti-unti na nating nararamdaman ang masasamang epekto ng DO No 5, 2024. Halimbawa ay ang mga sumusunod:
1. Sinasagad ang anim na oras na turo na kung minsan ay dire-diretso at walang pahinga, walang kahit katiting na konsidersyon sa physical, mental at emotional nature ng teacher bilang isang tao.
2. Pagbibigay ng karagdagang load kahit sa ibang grade level para makumpleto ang diumano'y anim na oras na requirement.
3. Posibilidad na ideklarang excess ang ilang g**o sa ating paaralan at ilipat sa ibang paaralan na paglabag naman sa Sec. 6 ng Magna Carta.
Kaya mga kapatid, dapat nating igiit ang mga probisyon ng Magna Carta na maaaring nilalabag sa pagpapatupad ng DO No. 5, s. 2024.
Sumulat na tayo sa DepEd noon pang Mayo 10, 2024 at uulitin natin ito ngayon para matalakay sa bago nating kalihim, lalo ngayong mayroon pang isang bagong polisiya, ang DepEd Order No. 10, s. 2024.
(Kalakip ang isang poster na naglalaman ng proposal na isinumite natin sa DepEd noong October 2022. Pakibasa po ang recent posts sa TDC page hinggil dito)