05/10/2025
"Sa bawat titik na itinanim, dunong ang umusbong; sa bawat aral na ibinahagi, karununga'y inihabi."
Maligayang Pambansang Araw ng mga G**o 2025! 🎉
Ngayon, ating ipagbunyi ang mga tagapaghubog ng isipan at tagapag-alab ng pangarap. Ang mga g**o na nagsisilbing ilaw sa madilim na landas, at haligi ng lipunang patuloy na umaasa sa karunungan.
Kung ang buhay ay isang aklat, sila ang mga pahinang hindi natin malilimutan; kung ang bukas ay isang awit, sila ang himig na nagbibigay saysay sa bawat nota.
Salamat, mga g**o, sa walang sawang pagtuturo, paggabay, at pagyakap sa bawat mag-aaral. Mabay po kayo!
29/08/2025
𝙿𝙰𝙼𝙸𝙽𝙸𝙳 𝙽𝙰 𝙿𝙰𝙻𝙰𝚃𝚄𝙽𝚃𝚄𝙽𝙰𝙽 2025
Global Reciprocal Colleges
Sa huling yugto ng ating paglalakbay ngayong Buwan ng Wika, ating isinasara ang telon ng selebrasyon na wari’y isang makulay na habi ng kasaysayan, hinulma sa sinulid ng Filipino at mga katutubong wika.
Ang bawat tugtugin at sayaw ay tila pintig ng puso ng bayan; ang bawat salita’y ilaw na gumagabay tungo sa pagkakaisa. Sa temang “Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa,” ating ipinagdiwang ang wika bilang haligi ng ating pagkakakilanlan at bukal ng pambansang diwa. 🇵🇭✨
Halina’t saksihan ang mga larawan bilang huling kislap ng ating selebrasyon isang apoy na hindi magmamaliw, kundi patuloy na magliliyab sa ating kamalayan bilang iisang sambayanang Pilipino.
Kaugnay nito, isang pagpupugay kay Prop. De Guzman sa makasining na pagkuha ng mga larawan. 🫡🙌
Mabuhay! Mabuhay ang wikang Filipino.
28/08/2025
📸 GANAP SA TAGISAN NG TALINO AT BALAGTASAN 🎤✍️
Agosto 28, 2025, matagumpay na isinagawa ang Tagisan ng Talino at Balagtasan sa Room 3I.
Naging makabuluhan at masigla ang bawat paligsahan kung saan ipinamalas ng mga kalahok ang kanilang talino at husay sa paggamit ng wikang Filipino.
Mula sa masinsinang palitan ng ideya sa Tagisan ng Talino hanggang sa malikhaing palitan ng argumento sa Balagtasan, tunay na naipakita ng mga kalahok ang galing at pagmamahal sa ating wika.
Isang pasasalamat sa lahat ng lumahok, dumalo, at sumuporta upang maging posible ang kaganapang ito. 🙌
At higit sa lahat, malaking pagbati sa mga nagwagi ng patimpalak—kayo ang patunay ng kahusayan at pag-ibig sa ating sariling wika! 🏆🎉
28/08/2025
🔊ANUNSYO!
Narito ang mga pangalan ng mga kalahok at/o pangkat na nararapat pumunta sa Pampinid na Palatuntunan.
Inaasahan ang pagsuot ng Barong Tagalog at Filipiniana (o ang Alternatibong Kasuotan) para sa mga kalahok ng mga sumusunod na patimpalak:
- Poster-Slogan
- Harana-Wit
- Tagisan ng Talino
- Spoken Word Poetry
- Balagtasan
- Katutubo Makabagong Sayaw
- Pista sa Nayon
Mabuhay at magpugay sa Wikang Filipino!
28/08/2025
🔊 ANUNSYO!
Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Hinihimok ang bawat isa na dadalo na magsuot ng Barong Tagalog para sa kalalakihan at Filipiniana naman para sa kababaihan. Habang sa mga wala o hindi makahiram ng nasabing kasuotan, maaring magsuot ng itim na pantalalon at patungan ng pulang balabal ang puting damit na ialalagay sa leeg bilang alternatibong kasuotan para sa ating napagkasunduang kasuotan o "DRESS CODE".
Kami'y katagpuin nang 29 Agosto 2025 (1:00 NU) sa Christ's Commission Fellowship (CCF), katabi ng Entrance at Canteen.
Sama-sama nating ipagdiwang ang ating inklusibo't makasaysayang pagdiriwang ng PAMINID NA PALATUNTUNAN ngayong Buwan ng Wika 2025!
27/08/2025
Isang Paanyaya!
Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika, samahan kami sa isang makabuluhang Paminid na Palatuntunan ng Global Reciprocal Colleges na may temang:
“Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa.”
📍 Saan: Christ's Commission Fellowship (CCF) Grace Park
📅 Kailan: Agosto 29, 2025 (Biyernes)
🕐 Oras: 1:00 NU
Isang hapon ng pagtatanghal, talakayan, at pagninilay sa kahalagahan ng ating wika’t kultura bilang pagkakakilanlan at pagkakaisa ng sambayanang Pilipino.
✨ Tara na’t makiisa, makinig, at magpugay sa ating sariling wika!
27/08/2025
🎙️ SPOKEN WORD POETRY
Isinabuhay ng ating mga kalahok ang talino, talas, at tibok ng wikang Filipino sa pamamagitan ng mga salitang tumalab, tumimo, at tumindig! 🔥
Sa ginanap na patimpalak ng Spoken Word Poetry bilang bahagi ng Buwan ng Wika 2025, hindi lamang tula ang ibinigkas, kundi salaysay ng bayan, tinig ng pag-ibig, at sigaw ng kultura.
27/08/2025
🎤 HARANA-WIT 2025 🎶
Sa himig ng pag-ibig at ritmong humalina, inihandog ng ating mga kalahok ang haranang pag-awit.
27/08/2025
🔊 ANUNSYO!
Sa mga lalahok para sa patimpalak na TAGISAN NG TALINO at BALAGTASAN na gaganapin sa petsa na 28 Agosto 2025, Huwebes. Magkakaroon lang ng ilang pagbabago hinggil sa lunsaran o lugar at oras na gaganapin ang patimpalak:
Tagisan ng Talino: Gaganapin ito sa Room 3I nang 2:00PM hanggang 3:00PM
BALAGTASAN: Gaganapin ito sa Room 3I nang 3:30 hanggang 5:00PM
Makadadaupang-palad ang mga komite sa oras na 1:00PM sa mismong lunsaran ng patimpalak (Room 3I).
Maraming salamat!
26/08/2025
🔊 PABATID!
Inaanyayahan ko sa darating na Miyerkules—Agosto 27, 2025 ang mga kalahok para sa patimpalak na Spoken Word Poetry ay magtagpo po tayo sa oras na 10:00AM sa Room 3I upang itanghal ang mga piyesa. Gayundin, ang HARANA-WIT ay gaganapin sa oras na 3:00PM sa Room 3I.
Takits! ✨🙌
25/08/2025
🔊PABATID!
Maligayang araw!
Ang institusyong Global Reciprocal Colleges ay nag-anunsyo na kanselahin ang klase bukas—Agosto 26, 2025 Martes. Bilang pagtugon sa pagpapatupad ng suspensyon sa lahat ng antas ng paaralan sa Lungsod ng Kalookan. Hinggil dito, ang patimpalak na POSTER-SLOGAN ay maapektuhan na hindi ito isagawa sa loob ng institusyon. Samakatuwid, napagdisisyunan ng samahan na ang mga kalahok sa nasabing patimpalak ay magpapasa na lamang ng kanilang entri o obra sa Agosto 27, 2025—Miyerkules nang 1:00PM sa fakulti hanapin lamang si G. Reymond Cuison at G. Aries Sollano upang ipasa ito.
Hangad ng institusyon at samahan ang inyong kaligtasan, kaya't lubusin ang araw ng pagmamani-obra nito at paghusayin ang pagguhit sa bawat pagkakataon.
Nawa'y ang mensaheng ito ay ating lubos nating maunaan. Pagpalain tayo ng Panginoon!
22/08/2025
🔊 ANUNSYO!
Maligayang araw!
Sa hindi inaasahang klima ngayong araw Agosto 22, 2025 ay nagpatupad ang institusyong Global Reciprocal Colleges sa oras na 10:40AM ng suspensyon. Kaya, aming ipinababatid na ang magaganap na BRIEFING, ONSITE sa oras na 1:00PM sa loob ng institusyon ay kakanselahin bilang pagsunod sa anunsyo ng kagawaran. Gayunpaman, bilang aksyon sa ganitong kaganapan, ang nasabing BRIEFING ay gagawing ONLINE o via Google Meet at idadasog ito sa oras nang 3:00PM upang bigyang-daan ang preparasyon sa mga kalahok sa kani-kanilang pag-uwi. Nangsagayon, ating maisakatuparan ang ligtas na kalagayan ng bawat mag-aaral.
Sa pagdasog ng oras, narito ang oras bilang gabay ng mga patimpalak na dinaluhan.
1. Poster-Slogan: 3:00PM - 3:20PM
2. Katutubo-Makabagong Sayaw: 3:20PM - 3:40PM
3. Spoken Word Poetry: 3:40PM - 4:00PM
4. Harana-Wit: 4:00PM - 4:20PM
5. Tagisan ng Talino: 4:20 PM - 4:40PM
6. Balagtasan: 4:40PM - 5:00PM
Narito meeting link na pagdadaluhan: https://meet.google.com/rty-dhkj-rpn
Malugod namin kayong katatagpuin sa oras na ito. Manatiling ligtas at gabayan nawa ng Panginoon!
Mabuhay ang Wikang Filipino!
meet.google.com