Magandang umaga at pagpapala!
Inaanyayahan po namin kayong samahan kami sa panalangin para kay Teacher Jane, na sasailalim sa kanyang angiogram ngayong alas-8:00 ng umaga. Sa oras na ito at sa mga susunod pang oras, ipanalangin natin na samahan siya ng Panginoon ng kapayapaan, lakas, at kagalingan.
Panginoon naming Diyos, Dakilang Manggagamot at Bukal ng Buhay
Sa oras na ito, buong puso naming ipinagkakatiwala sa Iyo ang Iyong anak na si Louie Jane Nelmida habang ginagawa ang kaniyang angiogram. Mauna nawa ang Iyong liwanag sa bawat hakbang ng procedure, at manaig ang Iyong kapayapaan sa bawat sandali.
Basbasan Mo ang mga doktor, anesthesiologist, nars, at lahat ng mangangalaga sa kanya. Punuin Mo sila ng karunungan, pag-iingat, at habag, upang maging matagumpay at ligtas ang bawat gagawin nilang hakbang.
Hipuin Mo ang kanyang katawan ng Iyong mapagpagaling na kamay, palakasin ang kanyang loob, at punuin ang kanyang puso ng pag-asa. Ngunit higit sa lahat, pagalingin Mo rin ang kanyang espiritu at iparamdam ang Iyong walang hanggang pag-ibig.
Anuman ang aming kaharapin, nananalig kaming ang Iyong awa ay higit sa aming takot, at ang Iyong kapangyarihan ay higit sa anumang karamdaman.
Sa Iyo lamang ang aming pagtitiwala. Sa pangalan ng makapangyarihang Diyos. Dakila naming Manggagamot at Bukal ng Buhay. Amen!
The Guardian of Morals Kiddie School
Isang paaralan na nagtataguyod ng edukasyong multikultural at nakabatay sa karapatan, tungo sa isang makatarungan, makatao, at mapagpalayang lipunan!
13/08/2026
Dahil po sa inyong walang sawang panalangin, pagmamahal, at suporta, nakalikom po tayo ng halos โฑ100,000 para kay Teacher Jane. Malaking tulong po ang halagang ito para sa kanyang mga gamot, pagpapagamot, at iba pang gastusin.
Ngayong Sabado, nakatakda na po ang kanyang angiogram. Patuloy po nating ipanalangin na maging maayos at matagumpay ang procedure. ๐๐
Marami pa ring mga batang sabik na muling makita, makasama, at matuto mula sa kanilang minamahal na g**o. Ang kanilang mga ngiti, pangarap, at paghihintay ay patuloy na nagbibigay sa atin ng pag-asa. โค๏ธ
Kung magiging maayos po ang lahat, umaasa tayo na malapit na siyang makauwi at muling makasama ang kanyang pamilya at mga mag-aaral. Patuloy po tayong manalangin para sa kanyang tuloy-tuloy na paggaling. ๐
Para po sa mga patuloy na nagtatanong at nais magpaabot ng suporta, ito po ang GCash ni Teacher Jane (0962 324 8921).
Maraming-maraming salamat po sa inyong malasakit, panalangin, at kabutihan. Sama-sama nating ipanalangin ang kalakasan at agarang paggaling ni Teacher Jane para sa mga batang naghihintay sa kanilang minamahal na g**o..โค๏ธ๐
19/07/2026
๐ป Diosa mabalos kay Titser Charla Rochella S. Saamong ng Department of Family Life and Child Development, Unibersidad ng Pilipinas Diliman! ๐
Nagtipon-tipon ang mga magulang at guardians ng ating mga mag-aaral sa isang makabuluhang Parent-Teacher Conference noong July 18, 2026. Tampok sa talakayan ang Social-Emotional Learning (SEL), na binigyang-diin ni Michael Thomas Nelmida, g**ong tagapamahala ng paaralan. Tinalakay niya ang kahalagahan ng SEL sa early childhood education, gayondin ang ugnayan nito sa multikulturalismo at peace education sa paghubog ng mga batang may malasakit sa sarili at kapwa. Ibinahagi niya rin ang ugnayan ng bata na hindi hiwalay sa pamilya at komunidad.
Tampok naman sa pagbabahagi ni Titser Charla ang ilan sa kaniyang mga karanasan bilang magulang. Binigyang-diin niya ang paglalaan ng oras sa ating mga anak para sa pakikipagkwentuhan, pakikinig, paglalaro, o pagbabasa ay malaking tulong sa pagpapatibay ng ugnayan ng magulang at anak bilang kaagapay sa kanilang pagkatuto at emotional na pag-unlad. Binigyang pagpapahalaga niya rin ang unang wika bilang tulay sa pagpapalalim ng komunikasyon. Gayondin, ang pagbuo ng reading habit, play-based activities at pagsusulong ng regular na pisikal na aktibidad upang isulong ang healthy, happy at holistic na paglaki ng ating mga anak at mag-aaral.
Nagwakas ang programa sa isang masayang salusalo ng mga pagkaing Filipino na inihanda ng The Guardians sa pangunguna ni Titser Jane. Naging pagkakataon din ito para sa pagbabahagian ng mga karanasan, kuwentuhan, at higit na pagpapatibay ng samahan ng mga magulang at ng paaralan.
Daghang salamat kay Dr. Charla Rochella S. Saamong, Department Chair ng Department of Family Life and Child Development at sa lahat ng nakiisa at nagbahagi ng kanilang panahon upang sama-samang maisulong ang kapakanan at pagkatuto ng ating mga anak at mapalakas ang ating mga komunidad.
08/07/2026
๐๐ Mas gawin nating makabata ang bawat aklatan! ๐
Punuin natin ito ng mga aklat na sumasalamin sa ating mga wika, kultura, at pagkakakilanlan. Sa bawat pahina, sama-sama nating tulungang lumaki ang mga batang may pagmamahal sa pagbabasa, pagmamalaki sa sariling kultura, at pangarap para sa kinabukasan. โจ๐ฑ
Alam na nating mahalaga ang pagbabasa sa mga bata...๐ฅ๐๐ง๐ค ๐ข๐๐ฎ ๐ก๐๐๐ง๐ค ๐ฃ๐๐ข๐๐ฃ ๐๐ ๐ฃ๐ ๐๐๐๐๐จ๐๐๐๐ฃ? ๐
60% of Filipino households na may batang 0-4 years old ay walang children's books sa bahay. Pwede kang maging solusyon! Donate now sa Booksan ang Kinabukasan campaign ng Komisyon.
Pumunta lang sa www.edcom2.gov.ph/booksan
04/07/2026
Happy Birthday, Teacher Rose! ๐๐ธ
Thank you for your unwavering dedication, hard work, and the love you pour into teaching every day. Your kindness and patience inspire us to learn and grow.
May your special day be filled with warmth, love, laughter, and countless blessings. Wishing you good health, happiness, and many more wonderful birthdays to come.
03/07/2026
Congratulations sa ating g**ong tagapamahala! Habang patuloy niyang isinusulong ang Comfort Women Studies sa bansa, kinikilala rin niya ang hindi matatawarang ambag ng mga Wha Chi Guerillas sa kasaysayan ng paglaban para sa kalayaan at katarungan. Nawa'y patuloy na magsilbing inspirasyon ang kanyang pamumuno sa pagsusulong ng makabuluhang pag-aaral ng kasaysayan, kolektibong alaala, at karapatang pantao.
Today, we were honored to meet with His Excellency from the Embassy of the People's Republic of China in Thailand to discuss our shared commitment to advancing peacebuilding efforts and promoting greater recognition of the history and lived experiences of comfort women in Southeast Asia, as well as the enduring historical significance of the R**e of Nanjing. Through meaningful dialogue, we reaffirmed the importance of asserting historical memory, fostering mutual understanding, and supporting efforts toward justice, reconciliation, and lasting peace.
29/06/2026
๐ฟ Sama-sama tayong magkumustahan, magbahaginan, at matuto bilang mga magulang! ๐ฟ
Inaanyayahan namin ang lahat ng mga magulang na makiisa sa isang makabuluhang pagtitipon na magbibigay-daan sa pagbabahagi ng mga karanasan, pagninilay, at mga makabagong pananaw sa pagpapalaki at paghubog ng ating mga anak.
Tampok sa ating programa si Dr. Charla Rochella Santiago-Saamong, Chairperson ng Department of Family Life and Child Development ng College of Home Economics, University of the Philippines Diliman.
Si Dr. Santiago-Saamong ay isang kinikilalang mananaliksik at edukador sa larangan ng early childhood education, child development, at family studies. Nagtapos siya bilang Magna Cum Laude sa kursong Family Life and Child Development at kumuha ng master's degree sa Sikolohiya sa University of the Philippines Diliman. Tinapos niya ang kanyang doktorado sa The Education University of Hong Kong, kung saan siya nagsaliksik hinggil sa karanasan ng mga g**ong Filipino na nagtataguyod ng paggalaw at pisikal na development ng mga bata. Siya rin ay may-akda ng mga akademikong publikasyon at mga aklat pambata na nagtataguyod ng kalidad ng edukasyon at pag-unlad ng kabataan.
Huwag palampasin ang pagkakataong makinig sa isang dalubhasa at makibahagi sa isang makahulugang talakayan tungkol sa pagiging magulang. Magkita-kita tayo ngayong July 18, 2026 (Sabado), alas-10:00 ng umaga sa The Guardians โ Valenzuela. Inaasahan namin ang inyong pagdalo!
24/06/2026
๐ LOOK | Sun Chaser Episode 1
Isang bagong yugto para sa animasyong Filipino! Samahan si Jordan Santos sa isang mahiwagang paglalakbay na puno ng pakikipagsapalaran, kabayanihan, at mga nilalang mula sa mitolohiyang Filipino. Isang kuwentong nagpapakita ng tapang, pamilya, at pag-asa para sa susunod na henerasyon. ๐ต๐ญโจ
Panoorin natin dito:
https://www.youtube.com/watch?v=dz5cYKHLDBk
Sun Chaser | Episode 1 A reluctant teen discovers he's the next "Spirit Guardian" and sets...
23/06/2026
Congratulations to our teacher-administrator, Michael Thomas Nelmida, on his continuing efforts to advance comfort women education in Southeast Asia.
His dedication in historical memory, promoting human rights education, and amplifying the stories of survivors reflects a deep commitment to justice and remembrance. We celebrate his contributions to scholarship, advocacy, and public education across the region.
We are proud of your work and wish you continued success in this important endeavor.
Comfort women must not be erased The removal of the comfort women issue from the finalised Senior High School curriculum of the Department of Education (DepEd) in the Philippines is more than a curricular revision. It signals a negation that diminishes public recognition of wartime sexual survivors and risks narrowing collective hi...
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Website
Address
#19 Road 9 GSIS Hills Subdivision
Caloocan
1400