Bagumbong High Youth Crusaders Organization

Bagumbong High Youth Crusaders Organization

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Bagumbong High Youth Crusaders Organization, School, Rainbow Village 5 Rainbow Avenue, Brgy. 171, Caloocan.

09/04/2026

Paggunita at Pagpapahalaga
sa Kagitingan ng mga Pilipino na Ipinaglaban ang Kalayaan ng Pilipinas



Higit 76,000 na mga sundalo ang sumuko noon sa mga Hapon. 64,000 dito ay mga Filipino.

Ginutom at pinalakad hanggang Bataan, sampung libong Pinoy at 650 na Amerikanong sundalo ang namatay. Pagkakataon na hindi na sila binalikan pa ng inaasahan nilang rescue at karagdagang pwersa mula sa kampo nina Douglas MacArthur.

Dahil sa dami at lakas ng Hapon, walang nagawa ang Commander ng 'Luzon Force, Bataan' na si Major General Edward P. King, Jr. kundi ang sumuko. Ang pagsukong ito ay simbolo ng pagsasailalim ng ating bansa sa pamamahala ng mga Hapon. Kagitingang pinaglaban ng ating mga sundalo ang bansa hanggang sa huli.

Taong 2012, ang Japanese Ambassador to the Philippines Toshina Urabe ay humingi ng pormal kapatawaran sa lahat ng nagawa nilang masama at kasawian sa bansa. Kasunod nito ang pagbibigay ng Amerika ng 220 million dollars o 9 billion pesos sa higit 18,000 na Beteranong nabubuhay pa noon.

08/04/2026

Panalangin para sa Kapayapaan ๐Ÿ™

Panalangin para matigil na ang mga digmaan. ๐Ÿ™

08/04/2026

Dambana ng Kagitingan sa Bataan

๐—ฃ๐—”๐—š๐—ฃ๐—”๐—ฃ๐—”๐—ฆ๐—œ๐—ก๐—”๐—ฌ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐——๐—”๐— ๐—•๐—”๐—ก๐—” ๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—š๐—œ๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—”๐—ก

Noong April 8, 1967, pinasinayaan ang Mt. Samat National Shrine sa Bataan. Kilala bilang Dambana ng Kagitingan, itinayo ang dambanang itong bilang pag-alala sa mga sundalong Filipino at Amerikano na nasawi sa pakikipaglaban sa mga Hapones noong World War II.

Ang Mt. Samat National Shrine ay binuo sa lupaing may lawak na 72-hectare. Dito itinindig ang isang colonnade at Memorial Cross na may taas na 95 meters. Ang landscape ng dambana ay idinisenyo ng Filipino landscape architect na si Dolly Quimbo-Perez. Ang colonnade naman nito ay yari sa marmol at dinisenyuhan ng salamin sa likod na likha ni Cenon Rivera. Mayroon din itong esplanade na mga mga parapet o ukit na likha naman ni Napoleon Abueva. Noong April 14, 1966 nang simulan ang konstruksyon sa dambana. Mismong si Pangulong Ferdinand Marcos, Sr., na isa ring World War II veteran, ang naglagak sa cornerstone ng edipisyo nito. Makalipas ang isang taon nang pasinayaan ito, isang araw bago ang anibersaryo ng pagbagsak ng Bataan. Dinaluhan ito ni First Lady Imelda Marcos. Sa seremonyang iyon, muling binasa ni Norman Reyes ang kaniyang โ€˜Bataan Has Fallenโ€™ radio broadcast noong 1942.

Ang Mt. Samat National Shrine ay kasalukuyang hinahawakan ng Philippine Veterans Affairs Office (PVAO).

Project Vinta. (April 8, 2021). Dedication of Dambana ng Kagitingan. Retrieved from https://www.facebook.com/photo/?fbid=2929775243936396&set=a.462604389250067

Photos from 100% KATOLIKONG PINOY!'s post 31/03/2026

Prayer for Aprilโ€ฆ Repentโ€ฆ Worshipโ€ฆ Trust ๐Ÿ™

19/03/2026

Paggunita sa buhay at kabayanihan ng isa sa pinakadakilang babae sa kasaysayan ng Pilipinas, si Henerala GABRIELA SILANG




๐— ๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—š๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—”๐—ฅ๐—”๐—ช๐—”๐—ก, ๐—š๐—”๐—•๐—ฅ๐—œ๐—˜๐—Ÿ๐—” ๐—ฆ๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š

Kasabay ng paggunita ng buong bansa sa National Women's Month, ngayong buwan din inaalala ang anibersaryo ng kapanganakan ng isa sa mga pinakadakilang babae ng kasaysayan, si Henerala Gabriela Silang.

Isinilang na Ma. Josefa Gabriela Cariรฑo noong March 19, 1731 sa Ilocos Sur, nakilala ng biyudang si Gabriela ang kanyang ikalawang asawa na si Diego Silang. Ikinasal ang dalawa noong 1757. Dahil sa pang-aabuso at pagpapataw ng hindi makatarungang buwis, pinangunahan ni Diego Silang ang pag-aaklas laban sa mga Espanyol. Sinamantala ni Diego ang pagkakatalo ng mga Espanyol sa Maynila kontra British sa Seven Year's War upang makipagsabwatan sa mga Briton sa Ilocos at kalabanin ang mga Espanyol. Nagwakas ang pakikibaka ni Diego hindi sa kamay ng mga kaaway kundi sa kamay mismo ng kanyang mga kaibigang sina Pedro Becbec at Miguel Vicos noong May 28, 1763.

Nabiyudang muli si Gabriela Silang sa ikalawang pagkakataon. Sa kabila ng nangyari, hindi pinanghinaan ng loob ang ating bida at siya ang nagpatuloy sa naudlot na laban ng kanyang pinaslang na asawa. Katuwang ang mga kababayan mula sa Ilocos, pinangunahan niya ang isang rebolusyon laban sa mga Espanyol. Sa kasamaang-palad, siya'y nadakip ng mga Espanyol at binitay sa publiko noong September 20, 1763.

18/03/2026

Barangay and Sangguniang Kabataan Election (BSKE) 2026



๐—•๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐—ป๐—ด ๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ผ, ๐—ฏ๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป ๐Ÿ“‹

Sa ilalim ng Republic Act 12232, ang mga elected Barangay Officials at Sangguniang Kabataan ay maglilingkod na ng 4 na taon.

๐Ÿ—ณ๏ธ ๐—˜๐—น๐—ฒ๐—ฐ๐˜๐—ฒ๐—ฑ ๐—•๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐—ข๐—ณ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ถ๐—ฎ๐—น๐˜€: 4-year term, hindi hihigit sa 3 consecutive terms sa parehong posisyon.
๐Ÿ—ณ๏ธ ๐—˜๐—น๐—ฒ๐—ฐ๐˜๐—ฒ๐—ฑ ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐˜‚๐—ป๐—ถ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฎ๐—ป: 4-year term, 1 term lamang sa parehong posisyon.

๐—ก๐—ข ๐—™๐—ข๐—จ๐—ฅ๐—ง๐—› ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—  ๐—œ๐—ก ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ: Ang mga incumbent Barangay officials na kasalukuyang nasa ikatlong consecutive term ay hindi na maaaring tumakbo para sa parehong posisyon sa BSKE 2026.

Reference: Resolution No. 11207 ๐Ÿ”— https://comelec.gov.ph/?r=2025BSKE/Resolutions/res11207



16/03/2026

Ang ekspedisyon ni Magellan at ang pagdating sa Pilipinas, Marso 16, 1521

๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—š๐——๐—”๐—ง๐—œ๐—ก๐—š ๐—ก๐—œ ๐— ๐—”๐—š๐—˜๐—Ÿ๐—Ÿ๐—”๐—ก ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—”๐—ฆ

Matapos ang ilang taong paglalakbay, natanaw ng Portuguese explorer na si Ferdinand Magellan ang mga isla ng Samar noong madaling araw ng March 16, 1521. Ito ang unang tala ng mga Europeong napadpad sa ating bansa. Ito rin ang naging simula ng ilang siglong ugnayan ng mga Espanyol at katutubo.

Noong 15th century, mataas ang halaga ng mga pampalasa gaya ng nutmeg, mace, at cloves. Dahil sa malamig na klima ng Europe, hindi akma ang pagtatanim ng ilang pampalasa sa lugar. Dahil sa halaga ng mga pampalasa, nagtagisan ang mga bansang Portugal at Spain sa pagtuklas ng ruta patungo sa Moluccas (ngayoโ€™y Maluku Islands, Indonesia) o kilala bilang Spice Island. Unang humingi ng suporta ang Portuguese explorer na si Magellan mula kay King Manuel of Portugal. Hindi ito pinagbigyan ng hari kung kayaโ€™t naglakas-loob siyang humingi ng tulong kay ng King Charles I ng Spain. Sinuportahan ng hari ang petisyon ni Magellan kapalit ng pagtuklas ng ruta pa-kanluran patungong Spice Island.

Noong September 1519, nagsimula ang ekpedisyon ni Magellan, na tinawag na Armada de Moluccas mula sa Sanlucar de Barrameda, Spain. Dala ni Magellan ang limang barko: San Antonio, Conception, Victoria, Santiago, at Trinidad, kung saan kumandante si Magellan, at daan-daang tripulante. Naglayag ang ekspedisyon pakanluran ng Africa, binagtas ang Atlantic Ocean, at narating ang Brazil, kung saan binagtas nila ang dulong katimugang bahagi ng South America noong October 21, 1520, na kalaunaโ€™y pinangalanang Strait of Magellan. Mula sa limang barko, tatlong barko na lamang ang nagawang makarating sa Pasipiko. Noong March 6, 1521 nang pansamantalang dumaong sina Magellan sa isla ng Guam.

Sa halip na Maluku, napadpad ang grupo ni Magellan sa isla ng Homonhon noong March 16, 1521. Sa loob ng ilang buwang pamamalagi nina Magellan sa bansa, naganap ang ilan sa mga mahahalagang pangyayari na nagpabago sa takbo ng kasaysayan ng Pilipinas: ang sanduguan sa pagitan nina Magellan at Rajah Colambu; ang pagpapakilala ng Kristiyanismo at unang misa sa bansa na idinaos sa isla ng Limasawa; at ang labanan sa Mactan sa pagitan ng grupo ni Magellan at Lapulapu na naganap noong April 27, 1521. Sa naturang labanan nasawi ang kapitan na si Magellan.

Pagkaraan ng pagpanaw ni Magellan, tatlong tauhan ang pumalit bilang pinuno ng ekspedisyon: si Duarte Barbosa, na nasawi sa Cebu; si Juan Carvalho, na iniutos na wasakin ang barkong Concepcion at kalaunaโ€™y naalis sa pagkapinuno; at si Gonzalo Gomez de Espinosa. Dalawang barko na lamang ang nagawang makarating sa Mollucas. Sa Ternate, Mollucas, naghiwalay ng landas sina Espinosa (kapitan ng barkong Trinidad) at Sebastian Elcano (kapitan ng barkong Victoria). Sinubukan maghanap ni Espinosa ng ruta pabalik sa Espanya ngunit silaโ€™y nadakip ng mga Portugues. Sa kabilang banda, tagumpay naman na nakabalik sina Elcano sa katubigan ng Espanya noong September 6, 1522. Makalipas ang dalawang araw, ang barkong Victoria na tanging nakaligtas sa ekspedisyon, ay dumaong sa Seville, Spain. Dahil sa tagumpay ni Elcano, muling itinalaga ni King Charles V si Elcano bilang pinuno ng ekpedisyon papuntang Moluccas.

History.com (October 29, 2009). Ferdinand Magellan. Retrieved from https://www.history.com/topics/exploration/ferdinand-magellan

National Quincentennial Committee. September 20, 2020. Retrieved from https://www.facebook.com/.../a.21691670.../2733582236961589/

๐Ÿ“ธ 'The First Contact' ni Derrick C. Macutay, mula sa National Quincentennial Committee, Republic of the Philippines

16/03/2026

Marso 16, 1521, ang pagdating ni Magellan sa Pilipinas

๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—š๐——๐—”๐—ง๐—œ๐—ก๐—š ๐—ก๐—œ ๐— ๐—”๐—š๐—˜๐—Ÿ๐—Ÿ๐—”๐—ก ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—”๐—ฆ

March 16, 1521. Limandaa't limang taon na ang nakararaan, dumating ang plota ng Portuguese na manlalayag na si Ferdinand Magellan sa Pilipinas. Ito ay bahagi ng isa sa mga pinakamahalagang tagpo sa kasaysayan ng sangkatauhan - ang kauna-unahang sirkumnabigasyon sa mundo. Binansagang 'pagkakadiskubre sa Pilipinas' (bagama't ito'y mali), ang pagdating ni Magellan sa bansa ay ang kauna-unahang naitalang pangyayari ng unang pagdating ng mga Europeo sa Pilipinas.

๐Ÿ“ธ 'The First Contact' ni Derrick C. Macutay, mula sa National Quincentennial Committee, Republic of the Philippines

16/03/2026

Autumn Durald Arkapaw, first woman and first woman of color to win Oscarโ€™s Best Cinematography. She is of Filipino descent


BREAKING BARRIERS ๐Ÿ‘๐Ÿผ๐Ÿ’

Autumn Durald Arkapaw just won the Oscar for Best Cinematography for making her the first woman โ€” and the first woman of color โ€” to do so in the said category. She is of Filipino descent.

Autumn won for her work in the Ryan Coogler film "Sinners," and in her acceptance speech, she thanked her director for believing in her, and asked all the women in the room to stand up โ€œbecause I wonโ€™t be here without you guys."

Read more:
https://www.gmanetwork.com/news/showbiz/showbizabroad/980146/oscars-2026-fil-am-autumn-durald-arkapaw-bags-best-in-cinematography-trophy/story/

16/03/2026

Gregoria de Jesus, โ€œLakambini ng Katipunanโ€, kabiyak ni Andres Bonifacio, isa sa lider ng kababaihan sa Katipunan




๐—œ๐—ก ๐— ๐—˜๐— ๐—ข๐—ฅ๐—œ๐—”๐— : ๐—š๐—ฅ๐—˜๐—š๐—ข๐—ฅ๐—œ๐—” ๐——๐—˜ ๐—๐—˜๐—ฆ๐—จ๐—ฆ

Ngayong araw inaalala ang anibersaryo ng kamatayan ng rebolusyunaryong si Gregoria de Jesus. Binansagan si de Jesus bilang โ€˜Lakambini ng Katipunanโ€™. Siya ang kabiyak ni Andres Bonifacio at isa sa mga lider ng mga kababaihan sa Katipunan.

Isinilang si de Jesus sa Caloocan noong May 9, 1875. Kilala rin bilang si Oriang, huminto si de Jesus sa pag-aaral upang tulungan ang pamilya sa pangagasiwa ng kanilang mga ari-arian. Dahil kaanak siya ng mga Katipunerong sina Mariano Alvarez at Teodoro Plata, napalapit siya sa samahang Katipunan dahil madalas isinasagawa sa kanilang tahanan ang mga lihim na pagpupulong ng samahan. Sa mga pagpupulong na ito nakilala ni Oriang ang magiging kabiyak na si Andres Bonifacio. Isa ng biyudo si Bonifacio at nasa 11 taon ang tanda kay Oriang ngunit hindi ito naging hadlang upang silaโ€™y mag-ibigan. Bagamaโ€™t nang unaโ€™y tutol ang pamilya ni Oriang sa pakikipag-ibigan nito kay Bonifacio dajil kasapi ito ng Mason, ikinasal sila noong March 1893. Kalaunaโ€™y naging kasapi ng Katipunan si Oriang. Ang kanilang pagsasamaโ€™y biniyayaan ng isang anak, si Andres, ngunit namatay rin kalaunan dahil sa smallpox.

Bilang kasapi ng Katipunan, naging abala si Oriang sa pagtatago ng mga dokumento ng samahan. Siya rin ang nagsilbing tagapaghatid at tagabantay sa mga pagpupulong ng mga Katipunero. Naging malaki rin ang kaniyang kontribusyon sa pagbuo ng sangay ng kababaihan ng Katipunan, kung saan siya ay nagsilbing bise-presidente. Nang madiskubre ang Katipunan noong August 1896, tumakas si Oriang at nilisan ang kanilang tahanan sa Tondo, Maynila. Pansamantala siyang nagtago sa Caloocan at nagpalipat-lipat ng tirahan sa ngalang โ€˜Manuela Gonzagaโ€™. Muli silang nagkatagpo ni Bonifacio sa Balara (ngayoโ€™y nasa Quezon City) at nagsama patungong Cavite. Sa Cavite nakaranas ng paghihirap ang mag-asawa hanggang sa tuluyang hatulan ng parusang kamatayan dahil sa rebelyon at sedisyon ang magkapatid na Bonifacio noong May 1897.

Nang mabalo, nakilala ni Oriang ang Katipunerong si Julio Nakpil. Sila ay ikinasal noong December 1898 at nanirahan sa Quiapo, Maynila. Biniyayaan sila ng walong anak, kabilang na ang National Artist for Architecture na si Juan Nakpil. Pumanaw si Oriang sa edad na 67 noong March 15, 1943 dahil sa sakit sa puso.

Bahay Nakpil-Bautista. Ang mga Maybahay. Gregoria de Jesus. Retrieved from https://bahaynakpil.org/gregoriadejesus/

National Historical Commission of the Philippines (March 13, 2023). Quincenas Catapusan: Remembering the similar fate of Gregoria de Jesus and Josephine Bracken. Retrieved from https://nhcp.gov.ph/articles/quincenas-catapusan-remembering-the-similar-fate-of-gregoria-de-jesus-and-josephine-bracken/

Project Vinta (March 15, 2021). In Memoriam: Gregoria de Jesus. Retrieved from https://www.facebook.com/photo/?fbid=2912535232327064&set=a.1962088134038450

V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/de-jesus-gregoria/

Photos from Bagumbong High Youth Crusaders Organization's post 08/03/2026

March 8th, International Womenโ€™s Day
โ€œCelebrating the strength, beauty, and achievements of womenโ€



Want your school to be the top-listed School/college in Caloocan?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Rainbow Village 5 Rainbow Avenue, Brgy. 171
Caloocan
1421