FILIPINO [FIRST GRADING]
KUWENTO NG TAUHAN
Ang kuwento ng tauhan ay isang uri ng kuwentong ang higit na binibigyang-halaga o diin ay kilos o galaw, ang pagsasalita at pangungusap at kaisipan ng isang tauhan.
--------------------------------------------------
KATANGIAN NG KUWENTO NG TAUHAN
- Naglalarawan ito ng iisang kakintalan sa taong inilalarawan o pinapaksa.
- Kumakatawan siya sa kabuuan ng kuwento sa pamamagitan ng ano mang nangingibabaw na ideya o ng mga kabuluhan sa kuwento.
- Nangingibabaw rito ang isang masusing pag-aaral at paglalarawan sa tunay na pagkatao ng tauhan sa katha.
--------------------------------------------------
PARAAN NG PAGLALARAWAN NG TAUHAN
Maraming paraan ang ginagamit ng may-akda sa paglalarawan ng buong pagkatao ng tauhan:
1. Panloob na Anyo
- Isipan
- Mithiin
- Damdamin
2. Panlabas na Anyo
- Pagkilos
- Pananalita
3. Iba Pang Paraan ng Paglalarawan
- Nakatutulong din sa pagpapalitan ng katauhan ang mga pag-uusap ng ibang tauhan sa kuwento tungkol sa kaniya.
- Sa pamamagitan ng tauhan nagkakaroon ng pinakamabisang paglalarawan ng katauhan.
- Maipakikita ito sa kaniyang reaksiyon o saloobin sa isang tiyak na pangyayari.
Grade 10 Lessons PH
This page is only available for Philippine country.
FILIPINO [FIRST GRADING]
PANG-UGNAY O PANANDANG PANDISKURSO
Ginagamit sa pagsusunod-sunod ng pangyayari ang mga pang-ugnay o panandang pandiskurso.
--------------------------------------------------
a. Pagdaragdag at Pag-iisa-isa ng mga Impormasyon
- Ginagamit ang pang-ugnay sa bahaging ito sa paglalahad ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari o pag-iisa-isa ng mga impormasyon.
- Kabilang dito ang mga salitang:
pagkatapos, saka, unang, sumunod na araw, sa dakong huli, pati, isa pa, at gayon din.
--------------------------------------------------
b. Pagpapahayag ng mga Kaugnayang Lohikal
- Ginagamit ang pang-ugnay sa bahaging ito ng paglalahad ng dahilan at bunga, paraan at layunin, paraan at resulta maging sa pagpapahayag ng kondisyon at kinalabasan.
- Kabilang na pang-ugnay sa bahaging ito ang:
dahil sa, sapagkat, at kasi.
- Samantalang sa paglalahad ng bunga at resulta ginagamit ang pang-ugnay na:
kaya, kung kaya, kaya naman, tuloy, at bunga.
FILIPINO [FIRST GRADING]
MENSAHE NG BUTIL NG KAPE - BUOD
Isang magsasaka ang nakarinig sa kaniyang anak na nagrereklamo tungkol sa hirap ng buhay. Upang turuan siya, nagpakulo ang ama ng tubig at inilagay ang carrot, itlog, at butil ng kape sa magkakahiwalay na palayok.
Matapos pakuluan, ipinakita niya na ang carrot ay lumambot, ang itlog ay tumigas, at ang kape ay nagbago ng tubig at nagbigay ng bango at kulay.
Ipinaliwanag ng ama na ang kumukulong tubig ay sumisimbolo sa mga pagsubok sa buhay. Ang carrot ay kumakatawan sa mga taong nagiging mahina sa problema, ang itlog ay sa mga taong tumitigas ang puso, at ang kape ay sa mga taong nananatiling matatag at nakapagpapabago ng sitwasyon.
Sa huli, pinili ng anak na maging tulad ng butil ng kape—matatag at may kakayahang magdala ng positibong pagbabago sa gitna ng pagsubok.
FILIPINO [FIRST GRADING]
ANG TUSONG KATIWALA (LUKAS 16:1-15) - BUOD
Ang parabula ay tungkol sa isang katiwala na nalaman ng kanyang amo na nilulustay ang ari-arian kaya siya ay tatanggalin sa tungkulin. Upang matiyak ang kanyang kinabukasan, pinababa niya ang utang ng mga may utang sa kanyang amo upang magkaroon siya ng matutuluyan kapag siya ay nawalan ng trabaho. Pinuri ng amo ang kanyang katalinuhan, hindi ang kanyang pandaraya.
Ipinakita ni Hesus na dapat gamitin ng tao ang kayamanan sa paggawa ng mabuti at maging mapagkakatiwalaan sa maliit man o malaking bagay. Itinuro rin na hindi maaaring maglingkod ang tao sa parehong Diyos at kayamanan, at binalaan ang mga mapagkunwari na inuuna ang salapi kaysa sa tunay na kabanalan.
FILIPINO [FIRST GRADING]
PARABULA
Ang parabula ay maikling salaysay na nagtuturo ng kinikilalang pamantayang moral na karaniwang batayan ng mga kuwento ay nasa Banal na Kasulatan.
--------------------------------------------------
KATANGIAN NG PARABULA
- Realistiko ang banghay.
- Ang mga tauhan ay tao.
- May tonong mapagmungkahi.
- Maaaring may sangkap ng misteryo.
FILIPINO [FIRST GRADING]
PUASA: PAG-AAYUNONG ISLAM - BUOD
Ang mga Muslim ay nagsasagawa ng pag-aayuno na tinatawag na Puasa o Saum bilang pagsunod sa utos ng Qur’an upang matutunan ang disiplina sa sarili.
Isinasagawa ito sa loob ng 29 hanggang 30 araw sa buwan ng Ramadan, kung saan ipinagbabawal ang pagkain, pag-inom, at masasamang gawain mula pagsikat hanggang paglubog ng araw.
Bago magsimula ang pag-aayuno, naghahanda ang mga Muslim sa pamamagitan ng paglilinis ng katawan at paghahanda ng pagkain. Araw-araw, sila ay kumakain ng almusal na tinatawag na saul bago sumikat ang araw, at ipinagpapatuloy ang kanilang mga gawain habang iniiwasan ang masasamang asal.
Sa paglubog ng araw, tinatapos ang pag-aayuno sa pamamagitan ng pagkain na tinatawag na pembuka, kadalasang ginagawa nang sama-sama bilang bahagi ng kanilang pananampalataya at pagkakaisa.
FILIPINO [FIRST GRADING]
MGA EXPRESIYONG GINAGAMIT SA PAGPAPAHAYAG NG PANANAW
1. Mga Ekspresiyong Nagpapahayag ng Pananaw
- Kabilang dito ang: ayon, batay, para, sang-ayon sa/kay, ganoon din sa paniniwala/pananaw/akala ko, ni/ng, at iba pa.
- Inihuhudyat ng mga ekspresiyong ito ang iniisip, sinasabi o paniniwalaan ng isang tao.
--------------------------------------------------
a. Ayon, Batay, Sang-ayon sa
- Sang-ayon sa Memorandum Order No. 20 : Series of 2013 ng Commision On Higher Education na pinagtitibay ang pagkawala ng Filipino bilang isa sa mga asignatura sa ilalim ng General Education Curriculum o GEC sa taong 2016.
- Batay sa Konstitusyon 1987: Artikulo XIV, Seksyon 6, ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
- Alinsunod sa tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang- edukasyon.
- Ayon sa tauhang si Simoun sa El Filibusterismo, “Habang may sariling wika ang isang bayan, taglay niya ang kalayaan.”
--------------------------------------------------
b. Sa paniniwala, akala, pananaw, paningin, tingin, palagay, ni/ng
- Sa paniniwala ko ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan upang mabago ang takbo ng isang lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang ekonomiya.
- Sa aking pananaw ang edukasyon ay kailangan ng ating kabataan sapagkat ito ang kanilang magiging sandata sa buhay sa kanilang kinabukasan.
- Sa tingin ng maraming g**o na ang pagkatuto ng mga mag-aaral ay hindi lamang nakasalalay sa kanila kundi maging sa mga magulang sa pagbibigay patnubay at suporta sa kanilang mga anak.
--------------------------------------------------
c. Inaakala, Pinaniniwalaan, Iniisip
- Pinaniniwalaan kong higit na dapat pagtuunan ng pamahalaan ang isyu tungkol sa lumalalang kalagayan ng ating kalikasan.
- Inaakala ng iba na hindi mahigpit sa pagpapataw ng kaparusahan ang DENR kaya patuloy silang lumalabag sa batas pangkalikasan.
--------------------------------------------------
d. Sa ganang akin, Sa tingin, akala, palagay ko
- Sa ganang akin, kailangang dagdagan pa ng mga pamahalaang lokal ang pagbabantay sa kabataang nasa lansangan tuwing hatinggabi dahil sa lumalalang krimen.
- Palagay ko, kailangan ang malawig na programa ng DSWD para sa mga batang lansangan na karaniwang sangkot sa maraming krimen sa kalsada.
--------------------------------------------------
2. Mga Ekspresiyong Nagpapahiwatig ng Pagbabago o Pag-iiba ng Paksa at/o Pananaw
- May mga ekspresiyong nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng paksa at/o pananaw. Mapapansing di tulad ng naunang mga halimbawa na tumitiyak kung sino ang pinagmumulan ng pananaw, nagpapahiwatig lamang ng pangkalahatang pananaw ang sumusunod na halimbawa:
--------------------------------------------------
a. Sa isang banda, Sa kabilang dako
- Sa isang banda, mabuti na ngang nalalaman ng mamamayan ang mga anomalya sa kanilang pamahalaang lokal nang sa gayo’y masuri nila kung sino ang karapat-dapat na ihalal para mamuno sa kanilang lungsod.
- Sa kabilang dako, sa dami ng naglalabasang isyung pampolitika hindi tuloy malaman ng sambayanan kung ano ang kahihinatnan ng bansa sa kamay ng mga politikong pinagkatiwalaang mamuno dito.
--------------------------------------------------
b. Samantala
- Samantala mamamayan mismo ang makapagpapasya kung paano nila nais makita ang kanilang bansa sa susunod na mga taon. Matalinong pagpapasya ang kailangan kung sino ang karapat-dapat pagkatiwalaan ng kanilang boto.
FILIPINO [FIRST GRADING]
ANG NINGNING AT ANG LIWANAG (MULA SA LIWANAG AT DILIM) - BUOD
Ipinapakita ng teksto ang pagkakaiba ng ningning at liwanag. Ang ningning ay nakasisilaw at mapanlinlang, habang ang liwanag ay nagpapakita ng tunay na katotohanan. Madalas, nahuhumaling ang tao sa panlabas na anyo tulad ng kayamanan at kapangyarihan, kaya napagkakamalang mabuti ang masama at hinuhusgahan ang mabuti bilang masama. Dahil dito, napapahalagahan ang ningning kaysa liwanag, lalo na sa lipunan at pamumuno.
Ipinapahayag ng akda na ang kasamaan ay gumagamit ng ningning upang itago ang tunay nitong anyo, samantalang ang kabutihan at katapatan ay simple ngunit totoo. Hinihikayat ang mga tao na piliin ang liwanag—ang katotohanan, kabutihan, at katuwiran—upang maiwasan ang panlilinlang at mapabuti ang lipunan.
ENGLISH [FIRST GRADING]
PERSUASIVE ESSAY: PRACTICE AND UPHOLD POSITIVE ATTITUDE BY LEE EMM
I strongly believe that we must come together to practice and uphold positive attitudes toward work, life, and challenges. This should be done from initial impulse to completion like what we observe in a myth. From the presentation of the target, problem, test, and stakes up to conclusion, the character in a myth displays and exemplifies these positive attitudes. Remember the saying, “The best measure of a man is not what he says he can do but what he does.” This is absolutely true.
Let us recall what happened between the Master and the thief in “Zen Parables.” The thief who was then a man who followed a crooked path in life turned otherwise because he learned from the Master what it takes to be a man. He was treated with respect and trust by the Master so he opted to follow the Master’s path. Again this exemplifies the maxim, “Respect begets respect.”
He decided to be Shichiri’s disciple. He was inspired by Shichiri who lived a life of truth and a life full of positivism. He had practiced it in dealing with other people without discrimination. The Master was able to model what it takes to respect, trust, and show love to other people. This is a positive attitude that we must put into action whoever we are, wherever we are, and whenever necessary.
Doubtlessly, this will make our lives better. There is a strong possibility that this can make this world a better place to live in after all. This is an opportune time for us to practice it. Don’t think otherwise, come on! So what are we waiting for? Let’s give it a try!
FILIPINO [FIRST GRADING]
ANG ALEGORYA NG YUNGIB - BUOD
Ang teksto ay tungkol sa Alegorya ng Yungib kung saan inilalarawan ang mga taong nakakadena sa loob ng isang yungib na tanging mga anino lamang ang nakikita at itinuturing nilang realidad. Nang ang isa sa kanila ay makalaya, nahirapan siyang tanggapin ang liwanag at ang tunay na mundo dahil nasanay siya sa dilim. Unti-unti niyang nauunawaan ang katotohanan at napagtanto na ang dati niyang nakikita ay hindi tunay. Ngunit nang bumalik siya upang ibahagi ito sa iba, hindi siya pinaniwalaan at maaari pa siyang saktan o patayin.
Ipinapakita ng alegorya na ang tao ay maaaring manatili sa kamangmangan kung hindi siya maghahanap ng katotohanan. Ang pagkatuto at pag-unawa ay mahirap at masakit sa simula, ngunit ito ang magdadala sa tunay na kaalaman at kabutihan. Gayundin, hindi lahat ay handang tanggapin ang katotohanan kahit ito ay naipakita na sa kanila.
FILIPINO [FIRST GRADING]
PANANDA SA MABISANG PAGLALAHAD NG PAHAYAG
Ang pagiging malinaw ng mga pahayag ay nakasalalay sa mabisang paglalahad. Sa ating wika, may mga pananda o salitang ginagamit upang maging maayos, malinaw, at interaksyunal ang pagpapahayag.
--------------------------------------------------
MGA URI NG PANANDA
1. Pagkakasunod-sunod ng Pangyayari (Panahon)
Ginagamit upang ipakita ang ayos ng mga pangyayari:
- una
- pangalawa
- pangatlo
- noon
- nang
- pagkatapos
- sumunod
- samantala
2. Sanhi at Bunga
Ginagamit upang ipakita ang dahilan at resulta:
- dahil dito
- bunga nito
- resulta ng
- sa mga pangyayaring ito
- kung gayon
- samakatuwid
- dulot nito
- sa gayon
3. Paghahambing / Kaibahan / Kontradiksyon
Ginagamit upang ipakita ang pagkakaiba o pagkakatulad:
- sa halip na
- sa kabilang dako
- di tulad ng
- sa kabilang banda
- higit pa rito
- sa magkatulad na dahilan
4. Pagdaragdag ng Impormasyon
Ginagamit upang magdagdag ng ideya:
- kabilang dito
- at saka
- bukod dito
- karagdagan dito
5. Pagbibigay-diin
Ginagamit upang bigyang-lakas ang pahayag:
- sa madaling salita
- sa totoo lang
- higit sa lahat
- tunay na
6. Pagbibigay ng Halimbawa at Paliwanag
Ginagamit upang magbigay-linaw:
- halimbawa nito
- dagdag pa rito
- bilang karagdagan
- kabilang dito ang sumusunod
--------------------------------------------------
PANGATNIG (CONJUNCTIONS)
Ang pangatnig ay mahalagang gamit sa malinaw na paglalahad ng pahayag.
--------------------------------------------------
DALAWANG PANGKAT NG PANGATNIG
1. Pangatnig na Nag-uugnay ng Magkatimbang na Salita/Parirala/Sugnay
(Maaaring tumayong mag-isa)
- at
- ngunit
- ni
- datapwat
- saka
- pero
- maging
- o
- pati
- subalit
2. Pangatnig na Nag-uugnay ng Di-Makapag-iisang Sugnay
(Hindi makatatayo nang mag-isa)
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Telephone
Website
Address
Caloocan
Opening Hours
| Saturday | 9am - 5pm |
| Sunday | 9am - 5pm |