16/12/2025
Edukasyon sa Pagpapakatao Club
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Edukasyon sa Pagpapakatao Club, School, Malaria Road, Camia St, Caloocan.
Layunin ng ESP Club ay maliwanagan ang mga mag-aaral tungkol sa kahalagahan ng mga postibong pagpapahalaga, tulungan silang bumuo ng matibay na moral na karakter, pag-unawa sa mga kahihinatnan ng kanilang aksyon, at isang pangako sa paggawa ng tama.
16/12/2025
13/12/2025
✨✨ Part 3 o huling sandali ng ating makabuluhan at may pusong pagdiriwang ng ESP Values Month, ✨✨ naging lalong makabuluhan ang bawat tibok ng ating puso ♥️ nang ang ating butihing punong-g**o na si
✨ Maam Angelina B. De Chavez ✨
ay mula sa pusong bumunot at tumanggap ng mga ornament na naglalaman ng iba’t ibang hiling ni Manuel (Quezonians) 👏👏👏
Sa simpleng sandaling iyon, nabuhay ang diwa ng pag-asa—na ang bawat pangarap, gaano man kaliit, ay may pagkakataong marinig at matupad kapag may pusong handang umunawa at tumugon. 💯💖✨⭐
🫶 Hindi rin ito naging posible kung hindi dahil sa sama-samang pagkilos ng ating mga g**o sa ESP Values Department, g**o mula sa iba’t ibang departamento, mga Senior High School, at mga organisasyon o club na buong kusang-loob na tumanggap ng hamon 🤝 na maging daan upang isakatuparan ang mga hiling. ⭐
🙏 Sa kanilang pagkilos, malinaw na naipamalas ang tunay na kahulugan ng inklusibong pagpapakatao, determinadong bayanihan, at paghubog ng positibong kinabukasan para sa ating mga mag-aaral. 🤝🌈⭐👏👏
Sa pagtatapos ng araw at buwan na ito, atin ding pinagtitibay ang pangakong ipagpatuloy ang mga halagang ating isinabuhay. 🤝🤝🤝
♥️♥️♥️ Maraming salamat sa lahat ng naging bahagi ng makabuluhang paglalakbay na ito. Nawa’y manatili sa ating puso ang aral na kapag may malasakit at pagkakaisa, ang mga hiling ay nagiging pag-asa, at ang pag-asa ay nagiging katotohanan. Hanggang sa susunod na taon ulit ✨🤞😍 🌟🙏
12/12/2025
✨✨ Part 2 ng pagtatapos ng ating makabuluhang pagdiriwang ng ESP Values Month, ✨✨
Kung saan ipinagkaloob ang bawat sertipikong pagkilala bilang pasasalamat sa pagbahagi ng kanilang talento at patunay ng kanilang buong pusong suporta sa matagumpay na pagdaraos ng mga programa 🫶😍 💯🔥❤️
Kasabay nito, ipinahatid din ang Christmas Food Package 🎁 bilang bahagi ng taunang ✨Happiness Campaign ✨, isang tradisyon na nagsimula sa iisang maliit na handog, hanggang sa paglipas ng panahon ay lumago ng dahil sa tulong na rin ng SSLG, CIC, Cachet, at iba pang g**o mula sa ibang departmento 🫶🫶🫶
📣 Sa munting pagsisimula ay naging patunay na kapag nagkakaisa ang puso at diwa, lumalawak ang biyaya at natutupad ang pangarap ng mas inklusibo at mas mapagmalasakit na bayanihan.” 🎄🤝❤️
🔥 buong pagmamalaki rin nating kinikilala ang TLE Department sa kanilang taunang ✨ feeding program✨ , isang gawaing higit pa sa pagbibigay ng pagkain. 🍽️🍝 Ito ay isang kongkretong pagpapakita ng malasakit—na kapag may sapat na lakas ang katawan, mas handa ang isipan at puso na matuto, mangarap, at magtagumpay. 🍽️💪🌱✨
Naipapakita ng bawat parangal at handog na ito ang aming pagnanais na maghatid ng saya, pag-asa, at pagmamahal—hindi lamang bilang pasasalamat sa paglahok, o regalo, kundi bilang simbolo ng aming kolektibong pangarap para sa isang positibong kinabukasan ng mga batang Quezonians. 🤞🤞🤞
Maraming salamat sa lahat ng nag-alay ng panahon, suporta, at kabutihan. Kayo po ang dahilan kung bakit ang simpleng adhikain ay naging taunang patunay ng tunay na pagkatao at pagmamalasakit. 🌟🙏💖 🎉🙏✨
12/12/2025
✨✨ Part 1 ng pagtatapos ng ating makabuluhang pagdiriwang ng ESP Values Month, 👏👏👏
kung saan tunay nating naranasan ang lakas ng isang matatag na puso at diwa. 🫰🫶😍
Ang bawat gawain ay nagbigay-buhay sa ating tema—mula sa inklusibong pagpapakatao, kung saan dama ang pagtanggap at pag-unawa; sa determinadong bayanihan, na nagpakita ng tunay na pagtutulungan; hanggang sa paghubog ng positibong kinabukasan para sa ating mga mag-aaral. 💖✨
Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa ating Panginoon sa paggabay at pagpapala; sa mga g**o na walang sawang nagtuturo at naglilingkod; at sa mga Quezonians na masisipag at masisiglang mag-aaral na siyang puso at dahilan ng selebrasyong ito. 🙏👩🏫👦👧
Salamat din sa lahat ng nagbigay-oras, suporta, at malasakit upang maging makulay, masaya, at makahulugan ang aming mga aktibidad. 🌈🤝
Nawa’y ang mga halagang ating ipinagdiwang ay manatili sa ating isip, sa ating puso, at sa ating araw-araw na pamumuhay. Sama-sama tayong maglalakad patungo sa isang mas mabuti, mas makatao, at mas maliwanag na bukas. 🌟💫
Maraming salamat! ❤️
11/12/2025
⭐🎁🎄 𝔄𝔫𝔤 𝔥𝔦𝔩𝔦𝔫𝔤 𝔫𝔦 𝔐𝔞𝔫𝔲𝔢𝔩 𝟚𝟘𝟚𝟝🎄🎁⭐
Pagmasdan ang bawat 𝓞𝓻𝓷𝓪𝓶𝓮𝓷𝓽𝓼 na isinabit ng ating 𝒬𝓊𝑒𝓏𝑜𝓃𝒾𝒶𝓃𝓈 🎄🎁
🙏🙏Ngayong araw ay ating masasaksihan ang ilan sa mga ito na matupad 🙏🙏
✨Hindi lamang dekorasyon ang ating makikita—kundi mga pangarap, hangarin, at taos-pusong panalangin na mula sa kanilang murang isipan at dalisay na puso. ♥️ Ang bawat palamuting kanilang isinabit ay nagiging sagisag ng pag-asa: pag-asang nakaugat sa inklusibong pagpapakatao, kung saan ang bawat isa ay tinatanggap, minamahal, at pinahahalagahan; pag-asang pinalalakas ng determinadong bayanihan, na nag-uugnay sa atin bilang isang komunidad na handang magtulungan; at pag-asang nagbubukas ng positibong kinabukasan, na sabay-sabay nating hinaharap.✨✨
👏👏👏👏 Lubos po kaming nagpapasalamat sa ating mga mag-aaral na buong tapang at taos-pusong ibinahagi ang kanilang mga hiling at pangarap. 🎁🎁🎁
Sa kanilang mga kamay, ang simpleng pagsabit ay naging isang makapangyarihang pahayag—na may pag-asa pa rin, may kabutihan pa rin, at may pagkakaisa pa rin sa puso ng bawat kabataan. 🫶😍
Salamat din sa mga g**o at magulang na patuloy na gumagabay at nagbibigay-inspirasyon upang magningning ang bawat bata, hindi lamang sa entablado kundi sa tunay na buhay. 🫶😍
📣Nawa’y ang mga hanging pag-asa na nakapaloob sa mga ornamentong ito ay hindi lamang manatili sa puno, kundi patuloy na tumubo sa kanilang paglalakbay bilang mabubuti, makatao, at may malasakit na mamamayan. At sana, sa tulong ng ating sama-samang pagkilos, unti-unti nating makita na ang mga hiling na ito—na punô ng kabutihan, kababaang-loob, at pag-ibig—ay maging mga katuparan na magbibigay-liwanag sa ating paaralan at komunidad.✨✨✨
Muli, maraming salamat sa inyong presensya, partisipasyon, at inspirasyon. 💕 Hangad natin na ang bawat pangarap na isinabit dito ay patuloy na umalunignig sa ating mga puso—ngayon, bukas, at sa mga darating pang panahon. 🙏🙏Pagpalain nawa tayo at nawa’y maging gabay natin ang kabutihan sa pagbuo ng mas payapa, mas makatao, at mas positibong kinabukasan para sa lahat. 🙏🌟
11/12/2025
Part 3 ✨ Pagtatapos ng 𝓦𝓪𝓵𝓴 𝓽𝓱𝓮 𝓦𝓸𝓻𝓽𝓱𝔂 𝓟𝓪𝓻𝓪𝓭𝓮 2025-2026 ✨
Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng Quezonians, mga g**o, mga magulang, at tagasuporta na nagbigay-buhay sa makabuluhang pagdiriwang na ito. 💕
Ang kanilang pagganap bilang mga anghel, banal na personalidad, mga santo, at mga tauhang biblikal ay hindi lamang pagpapakita ng talento, kundi patunay ng pananampalataya, inspirasyon, at pagtulad sa kabutihang dapat isabuhay araw-araw.
Binabati namin ang bawat kalahok dahil hindi lang kayo nagbihis at naglakad—naghatid kayo ng mensahe ng pag-asa, kabutihan, at pagkakaisa. 🥳👏👏👏
Nawa’y patuloy kayong maging liwanag sa inyong paaralan, pamilya, at komunidad. 🫶
Muli, maraming salamat sa inyong dedikasyon at pakikiisa. 🫰
Hangad namin na nakilala ninyo ang mga aral mula sa mga ginampanan ng bawat kalahok ng Walk the Worthy Parade ay magpapatag lalo ng inyong puso at diwa, gayuding manatiling gabay sa ating paglalakbay tungo sa pagiging mabubuti at mapagmahal na mga anak ng Diyos. ✨💕
Mabuhay kayo, at pagpalain tayong lahat! 🙏🙏🙏
11/12/2025
Part 2 ✨ Pagtatapos ng Walk the Worthy Parade 2025-2026,
taos-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng Quezonians, mga g**o, mga magulang, at tagasuporta na nagbigay-buhay sa makabuluhang pagdiriwang na ito. 💕
Ang kanilang pagganap bilang mga anghel, banal na personalidad, mga santo, at mga tauhang biblikal ay hindi lamang pagpapakita ng talento, kundi patunay ng pananampalataya, inspirasyon, at pagtulad sa kabutihang dapat isabuhay araw-araw.
Binabati namin ang bawat kalahok dahil hindi lang kayo nagbihis at naglakad—naghatid kayo ng mensahe ng pag-asa, kabutihan, at pagkakaisa. 🥳👏👏👏
Nawa’y patuloy kayong maging liwanag sa inyong paaralan, pamilya, at komunidad. 🫶
Muli, maraming salamat sa inyong dedikasyon at pakikiisa. 🫰
Hangad namin na nakilala ninyo ang mga aral mula sa mga ginampanan ng bawat kalahok ng Walk the Worthy Parade ay magpapatag lalo ng inyong puso at diwa, gayuding manatiling gabay sa ating paglalakbay tungo sa pagiging mabubuti at mapagmahal na mga anak ng Diyos. ✨💕
Mabuhay kayo, at pagpalain tayong lahat!
11/12/2025
Part 1 ✨ Pagtatapos ng 𝓦𝓪𝓵𝓴 𝓽𝓱𝓮 𝓦𝓸𝓻𝓽𝓱𝔂 𝓟𝓪𝓻𝓪𝓭𝓮 2025-2026 ✨
Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng Quezonians, mga g**o, mga magulang, at tagasuporta na nagbigay-buhay sa makabuluhang pagdiriwang na ito. 💕
Ang kanilang pagganap bilang mga anghel, banal na personalidad, mga santo, at mga tauhang biblikal ay hindi lamang pagpapakita ng talento, kundi patunay ng pananampalataya, inspirasyon, at pagtulad sa kabutihang dapat isabuhay araw-araw.
Binabati namin ang bawat kalahok dahil hindi lang kayo nagbihis at naglakad—naghatid kayo ng mensahe ng pag-asa, kabutihan, at pagkakaisa. 🥳👏👏👏
Nawa’y patuloy kayong maging liwanag sa inyong paaralan, pamilya, at komunidad. 🫶
Muli, maraming salamat sa inyong dedikasyon at pakikiisa. 🫰
Hangad namin na nakilala ninyo ang mga aral mula sa mga ginampanan ng bawat kalahok ng Walk the Worthy Parade ay magpapatag lalo ng inyong puso at diwa, gayuding manatiling gabay sa ating paglalakbay tungo sa pagiging mabubuti at mapagmahal na mga anak ng Diyos. ✨💕
Mabuhay kayo, at pagpalain tayong lahat! 🙏🙏🙏
🥇 Ang 𝓦𝓘𝓝𝓝𝓔𝓡 sa MTV Makatao Music Video 🎉
“Matatag na Puso, Matatag na Bayan! Yan ang sigaw ng kanilang damdamin sa kanilang awit! 🥳💕
Isang pambihirang obra na tunay na tumimo sa puso! Ipinamalas ninyo ang lakas ng pagkatao, ang tibay ng diwa, at ang pagkakaisa na nagbibigay-liwanag sa bukas. Maraming salamat sa kakaibang husay, dedikasyon, at pagkamalikhain—kayo ay tunay na inspirasyon. Mabuhay ang inyong talento!” 🎉
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Website
Address
Malaria Road, Camia St
Caloocan
Opening Hours
| Monday | 9am - 9pm |
| Tuesday | 9am - 9pm |
| Wednesday | 9am - 9pm |
| Thursday | 9am - 9pm |
| Friday | 9am - 9pm |