Kasarinlan Elementary School - Caloocan City

Kasarinlan Elementary School - Caloocan City

Share

This is the OFFICIAL FB PAGE of DEPED KASARINLAN ELEMENTARY SCHOOL, Caloocan City, National Capital Region.

07/08/2026

๐‡๐š๐ฉ๐ฉ๐ฒ ๐Ÿ‘๐ซ๐ ๐€๐ง๐ง๐ข๐ฏ๐ž๐ซ๐ฌ๐š๐ซ๐ฒ, ๐ƒ๐ซ. ๐ƒ๐จ๐ฅ๐จ๐ซ๐ž๐ฌ ๐. ๐Ž๐ฅ๐ข๐ฏ๐ž๐ซ๐จ๐ฌ!

๐—ง๐—ฎ๐˜๐—น๐—ผ๐—ป๐—ด ๐˜๐—ฎ๐—ผ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐˜๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—น๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ธ๐—ผ๐—ฑ, ๐—บ๐—ฎ๐—ต๐˜‚๐˜€๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—บ๐˜‚๐—บ๐˜‚๐—ป๐—ผ, ๐—ฎ๐˜ ๐˜„๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฑ๐—ฒ๐—ฑ๐—ถ๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐˜ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐—ด-๐—ฎ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—น.

Maraming salamat sa inyong inspirasyon, malasakit, at patuloy na paggabay sa bawat g**o, mag-aaral, at buong komunidad ng Kasarinlan Elementary School. Ang inyong liderato ay tunay na nagbibigay liwanag at motibasyon upang patuloy kaming maglingkod nang may kahusayan.

Nawa'y patuloy kayong pagpalain ng mabuting kalusugan, karunungan, at tagumpay sa marami pang taon ng makabuluhang paglilingkod.

๐‘ฏ๐’‚๐’‘๐’‘๐’š 3๐’“๐’… ๐‘จ๐’๐’๐’Š๐’—๐’†๐’“๐’”๐’‚๐’“๐’š, ๐‘ซ๐’“. ๐‘ซ๐’๐’๐’๐’“๐’†๐’” ๐‘ท. ๐‘ถ๐’๐’Š๐’—๐’†๐’“๐’๐’”!
๐’€๐’๐’–๐’“ ๐’๐’†๐’‚๐’…๐’†๐’“๐’”๐’‰๐’Š๐’‘ ๐’Š๐’๐’”๐’‘๐’Š๐’“๐’†๐’”. ๐’€๐’๐’–๐’“ ๐’…๐’†๐’…๐’Š๐’„๐’‚๐’•๐’Š๐’๐’ ๐’Ž๐’‚๐’Œ๐’†๐’” ๐’‚ ๐’…๐’Š๐’‡๐’‡๐’†๐’“๐’†๐’๐’„๐’†.

Photos from Kasarinlan Elementary School - Caloocan City's post 23/07/2026

๐Ÿ’–School Governance Council of Kasarinlan Elementary School๐Ÿ’–

KSES family sincerely extends it's heartfelt gratitude to our valued community partners, parents and stakeholders for their continuous and unwavering support and commitment to our school๐Ÿฅฐ.

Congratulations to the newly designated and elected SGC Officersโœจ๏ธ๐ŸŽ‰โœจ๏ธ๐ŸŽ‰. May your leadership inspire meaningful collaboration and contribute to the success of our school.

Your continued partnership, generosity and shared vision and mission inspire us to strive for excellence.

Together, we are building a stronger KSES and shaping a brighter future for our Kasarinlanian๐Ÿฅฐ๐Ÿ’–.





Photos from Kasarinlan Elementary School - Caloocan City's post 21/07/2026

Ice cream? ๐Ÿฆโœ”๏ธ Basketballs? ๐Ÿ€โœ”๏ธ Happy kids?๐Ÿ‘ซ โœ”๏ธ ๐Ÿ’œ๐Ÿ’œ๐Ÿ’œ

Maraming salamat, Aice Ice Cream! We appreciate your generosity. Maraming salamat sa mga ngiting iniiwan ninyo sa Kasarinlan Elementary School taon-taon. โ˜บ๏ธ๐Ÿฆ๐Ÿ€โ›น๐Ÿปโ€โ™€๏ธ
Nawa'y pagpalain pa kayo nang higit at magpatuloy ang inyong adhikain na magbahagi ng saya sa mas marami pang komunidad.๐Ÿ’œ

17/07/2026

PUBLIC HEALTH ADVISORY

Dahil sa mga kaso ng flu/trangkaso sa ating lungsod at banta ng COVID-19 sa mga karatig-siyudad, hinihikayat po natin ang lahat ng mga mamamayan na magsuot ng face mask, lalo na ang mga mayroong ubo, sipon, o lagnat.

Kung mayroong mga sintomas, pinapayuhan po munang mag-isolate.

Pinaaalalahanan din natin ang bawat isa na ugaliing maghugas ng kamay at iwasan ang hindi kinakailangang paglabas ng bahay o pakikisalamuha sa maraming tao.

Patuloy pong nakikipag-ugnayan ang ating Caloocan Health Department sa pangunguna ng City Epidemiology and Surveillance Unit at ng Sanitation Team para sa contact tracing at pagsasagawa ng kaukulang public health measures.

Sa oras ng pangangailangan ng tulong, bukas 24/7 ang linya ng ating emergency hotline upang tumugon sa inyo. Tumawag lamang po sa mga sumusunod:

โ€ข (02)888-25664
โ€ข 0908-81-25664
โ€ข 0998-51-25664

Photos from Kasarinlan Elementary School - Caloocan City's post 16/07/2026

๐Ÿ—“๏ธ ๐—›๐˜‚๐—น๐˜†๐—ผ ๐Ÿญ๐Ÿฒ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng ๐—ก๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐——๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐˜€๐˜๐—ฒ๐—ฟ ๐—ฅ๐—ฒ๐˜€๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฒ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ ๐— ๐—ผ๐—ป๐˜๐—ต ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ na may temang "Naghahanda at Kumikilos Tungo sa Panatag na Bagong Pilipinas," matagumpay na isinagawa sa ๐—ž๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐—น๐—ฎ๐—ป ๐—˜๐—น๐—ฒ๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—ฟ๐˜† ๐—ฆ๐—ฐ๐—ต๐—ผ๐—ผ๐—น ang Seminar sa Disaster Preparedness.

Isang malaking karangalan para sa amin na mapili bilang isa sa mga paaralang pinagdausan ng mahalagang gawaing ito. Ang pagkakataong ito ay patunay ng sama-samang hangarin na maisulong ang kultura ng kahandaan at katatagan.

Lubos naming ipinahahayag ang aming taos-pusong pasasalamat sa ๐—ฃ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—Ÿ๐˜‚๐—ป๐—ด๐˜€๐—ผ๐—ฑ ๐—ป๐—ด ๐—–๐—ฎ๐—น๐—ผ๐—ผ๐—ฐ๐—ฎ๐—ป sa pamumuno ng ating Mayor ๐—”๐—น๐—ผ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฝ๐—ถ๐˜๐—ฎ๐—ป, at lalo na sa ๐—–๐—ถ๐˜๐˜† ๐——๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐˜€๐˜๐—ฒ๐—ฟ ๐—ฅ๐—ถ๐˜€๐—ธ ๐—ฅ๐—ฒ๐—ฑ๐˜‚๐—ฐ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐— ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฒ๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐——๐—ฒ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜ (๐—–๐——๐—ฅ๐—ฅ๐— ๐——) sa kanilang patuloy na suporta, pagbabahagi ng mahahalagang kaalaman, at sa pagkakaloob ng mga medical kit na malaking tulong sa pagpapalakas ng kahandaan ng ating paaralan sa oras ng sakuna.

Taos-puso rin kaming nagpapasalamat sa aming ๐—ฃ๐˜‚๐—ป๐—ผ๐—ป๐—ด-๐—ด๐˜‚๐—ฟ๐—ผ, ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ด๐˜‚๐—ฟ๐—ผ, ๐—ป๐—ผ๐—ป-๐˜๐—ฒ๐—ฎ๐—ฐ๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€๐—ผ๐—ป๐—ป๐—ฒ๐—น, ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐˜‚๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด, ๐—›๐—ฅ๐—ฃ๐—ง๐—”, ๐—ฎ๐˜ ๐—ฆ๐—ฃ๐—ง๐—” officers sa inyong oras, pakikiisa, at walang sawang suporta na naging dahilan ng matagumpay na pagsasagawa ng seminar.

Nawa'y ang mga natutunang kaalaman at kasanayan ay magsilbing gabay upang patuloy nating maisabuhay ang kahandaan, pagtutulungan, at malasakit sa isa't isa. Sa pamamagitan ng pagkakaisa at tamang paghahanda, makakalikha tayo ng isang paaralan at komunidad na ligtas, matatag, at handa sa anumang hamon.

๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐˜ ๐˜€๐—ฎ ๐—น๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ด๐—ถ ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฟ๐—ผ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐˜๐—ผ. Sama-sama nating isulong ang kultura ng kahandaan para sa isang mas ligtas at panatag na kinabukasan. ๐Ÿ’™๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ





Photos from Kasarinlan Elementary School - Caloocan City's post 15/07/2026

๐ˆ๐ฌ๐š๐ง๐  ๐Œ๐š๐›๐š๐ง๐ ๐จ๐ง๐  ๐‡๐š๐ง๐๐จ๐  ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐š ๐ค๐š๐ฒ ๐‹๐ข๐ญ๐ญ๐ฅ๐ž ๐‚๐ก๐ž๐Ÿ ๐€๐›๐ฎ๐ฎ!

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng kaarawan ni Little Chef Abuu, isang Perfume Booth ang inihanda para sa mga g**o at kawani ng Kasarinlan Elementary School.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pagmamahal, kabutihang-loob, at walang sawang suporta sa aming paaralan. Ang simpleng handog na ito ay nagbigay ng saya, pagpapahalaga, at dagdag na inspirasyon sa bawat isa.

๐‘ด๐’‚๐’๐’Š๐’ˆ๐’‚๐’š๐’‚๐’๐’ˆ ๐’Œ๐’‚๐’‚๐’“๐’‚๐’˜๐’‚๐’, ๐‘ณ๐’Š๐’•๐’•๐’๐’† ๐‘ช๐’‰๐’†๐’‡ ๐‘จ๐’ƒ๐’–๐’–! Nawa'y patuloy kayong pagpalain at maging instrumento ng kabutihan sa mas marami pang tao.

Photos from Kasarinlan Elementary School - Caloocan City's post 15/07/2026

๐Œ๐š๐ซ๐š๐ฆ๐ข๐ง๐  ๐’๐š๐ฅ๐š๐ฆ๐š๐ญ, ๐‹๐ข๐ญ๐ญ๐ฅ๐ž ๐‚๐ก๐ž๐Ÿ ๐€๐›๐ฎ๐ฎ!

Taos-pusong pasasalamat kay Little Chef Abuu sa kanilang mapagbigay na puso sa pagbibigay ng mga tumbler para sa lahat ng g**o ng Kasarinlan Elementary School.

Ang inyong kabutihan at suporta ay tunay na nagpapalakas ng aming puso at nagbibigay-inspirasyon sa amin na lalo pang pagbutihin ang aming paglilingkod sa mga mag-aaral.

Maraming salamat sa inyong pagmamahal at pagpapahalaga sa aming mga g**o. Nawa'y pagpalain pa kayo ng masaganang biyaya at patuloy pang lumago ang inyong negosyo.
"Ang kabutihang ibinabahagi ay inspirasyong nagbubuklod sa komunidad." ๐Ÿ’š

Photos from Kasarinlan Elementary School - Caloocan City's post 15/07/2026

๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—ง๐—Ÿ๐—˜ ๐—–๐—›๐—˜๐—™ ๐—”๐—•๐—จ๐—จ, ๐—ก๐—”๐—š๐—›๐—”๐—ก๐——๐—ข๐—š ๐—ก๐—š ๐—ฅ๐—˜๐—”๐——๐—œ๐—ก๐—š ๐—ก๐—ข๐—ข๐—ž ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ž๐—œ๐—ก๐——๐—˜๐—ฅ๐—š๐—”๐—ฅ๐—ง๐—˜๐—ก ๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—ฆ๐—”๐—ฅ๐—œ๐—ก๐—Ÿ๐—”๐—ก ๐—˜๐—Ÿ๐—˜๐— ๐—˜๐—ก๐—ง๐—”๐—ฅ๐—ฌ ๐—ฆ๐—–๐—›๐—ข๐—ข๐—Ÿ

Bilang suporta sa pagsusulong ng kultura ng pagbabasa sa murang edad, matagumpay na isinagawa ngayong araw, Ika-15 ng Hulyo ang turnover ng isang Reading Nook na donasyon ni ๐™‡๐™ž๐™ฉ๐™ฉ๐™ก๐™š ๐˜พ๐™๐™š๐™› ๐˜ผ๐™—๐™ช๐™ช para sa Kindergarten ng Kasarinlan Elementary School.

Pinangunahan ni Dr. Dolores P. Oliveros, Punong-g**o ng Kasarinlan Elementary School, kasama si Dr. Joy T. Mendieta, Master Teacher In-Charge ng Kindergarten at ng mga g**o sa kindergarten, ang pagtanggap sa nasabing donasyon. Taos-puso nilang ipinaabot ang kanilang pasasalamat kay Little Chef Abuu sa pagbabahagi ng isang makabuluhang learning space na tiyak na magpapalawak sa interes ng mga batang mag-aaral sa pagbabasa at pagkatuto.

Ang Reading Nook ay magsisilbing isang kaaya-aya at ligtas na lugar kung saan mahihikayat ang mga mag-aaral na tuklasin ang mundo ng mga aklat, malinang ang kanilang kasanayan sa pagbasa, at mapaunlad ang kanilang imahinasyon at pagkamalikhain.

Ang donasyong ito ay patunay ng mahalagang papel ng pakikipagtulungan ng mga stakeholder at ng paaralan sa pagsuporta sa mga programang pang-edukasyon. Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, patuloy na maisusulong ng Kasarinlan Elementary School ang mga inisyatibong naglalayong hubugin ang mga batang mahilig magbasa at handang matuto.

Muli, taos-pusong nagpapasalamat ang pamunuan ng Kasarinlan Elementary School, sa pangunguna ni Dr. Dolores P. Oliveros at Dr. Joy T. Mendieta, kay Little Chef Abuu para sa kanilang bukas-palad na donasyon at patuloy na pakikiisa sa pagpapaunlad ng edukasyon ng mga batang Kasarinlan.

14/07/2026

Happy Birthday, Secretary Sonny Angara!

On this special day, we extend our heartfelt greetings and sincere appreciation for your unwavering support and steadfast commitment to the Department of Education.Your visionary leadership and dedication to advancing quality education continue to inspire educators, learners, and stakeholders across the country.

Happy Birthday Sec. Sonny Angara from Kasarinlan Elementary School - Caloocan City

Photos from ๐ƒ๐ž๐ฉ๐„๐ ๐‚๐š๐ฅ๐จ๐จ๐œ๐š๐ง ๐‚๐ข๐ญ๐ฒ's post 11/07/2026

Huge Congratulations SDO Caloocan๐Ÿ’–๐Ÿ’–

Want your school to be the top-listed School/college in Caloocan?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Tuna Street, Kaunlaran Village
Caloocan
1400