Pahayagang Kampilan

Pahayagang Kampilan

Share

Pahayagang Filipino ng paaralang M.B. Asistio Sr. High School - Unit I

03/08/2026

๐—ง๐—ฟ๐—ถ๐˜ƒ๐—ถ๐—ฎ ๐Ÿญ:
Ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino (2024), ilan ang Katutubong Wika mayroon ang Pilipinas?


03/08/2026

๐๐€๐†๐ƒ๐ˆ๐‘๐ˆ๐–๐€๐๐† ๐๐† ๐๐”๐–๐€๐ ๐๐† ๐–๐ˆ๐Š๐€ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

โ€‹๐Ÿ‡ผโ€‹โ€‹๐Ÿ‡ฎโ€‹โ€‹๐Ÿ‡ฐโ€‹โ€‹๐Ÿ‡ฆโ€‹โ€‹๐Ÿ‡ณโ€‹โ€‹๐Ÿ‡ฌโ€‹ โ€‹๐Ÿ‡ซโ€‹โ€‹๐Ÿ‡ฎโ€‹โ€‹๐Ÿ‡ฑโ€‹โ€‹๐Ÿ‡ฎโ€‹โ€‹๐Ÿ‡ตโ€‹โ€‹๐Ÿ‡ฎโ€‹โ€‹๐Ÿ‡ณโ€‹โ€‹๐Ÿ‡ดโ€‹ โ€‹๐Ÿ‡ฆโ€‹โ€‹๐Ÿ‡นโ€‹ โ€‹๐Ÿ‡ฆโ€‹โ€‹๐Ÿ‡ฎโ€‹โฆ‚ โ€‹๐Ÿ‡ฐโ€‹โ€‹๐Ÿ‡ฆโ€‹โ€‹๐Ÿ‡ธโ€‹โ€‹๐Ÿ‡ฆโ€‹โ€‹๐Ÿ‡ณโ€‹โ€‹๐Ÿ‡ฌโ€‹โ€‹๐Ÿ‡ฐโ€‹โ€‹๐Ÿ‡ฆโ€‹โ€‹๐Ÿ‡ตโ€‹โ€‹๐Ÿ‡ฆโ€‹โ€‹๐Ÿ‡ณโ€‹ โ€‹๐Ÿ‡ธโ€‹โ€‹๐Ÿ‡ฆโ€‹ โ€‹๐Ÿ‡ตโ€‹โ€‹๐Ÿ‡ฆโ€‹โ€‹๐Ÿ‡ณโ€‹โ€‹๐Ÿ‡ฆโ€‹โ€‹๐Ÿ‡ณโ€‹โ€‹๐Ÿ‡ฆโ€‹โ€‹๐Ÿ‡ฑโ€‹โ€‹๐Ÿ‡ฎโ€‹โ€‹๐Ÿ‡ฐโ€‹โ€‹๐Ÿ‡ธโ€‹โ€‹๐Ÿ‡ฎโ€‹โ€‹๐Ÿ‡ฐโ€‹ โ€‹๐Ÿ‡ฆโ€‹โ€‹๐Ÿ‡นโ€‹ โ€‹๐Ÿ‡นโ€‹โ€‹๐Ÿ‡บโ€‹โ€‹๐Ÿ‡ฑโ€‹โ€‹๐Ÿ‡ฆโ€‹โ€‹๐Ÿ‡พโ€‹ โ€‹๐Ÿ‡ธโ€‹โ€‹๐Ÿ‡ฆโ€‹ โ€‹๐Ÿ‡พโ€‹โ€‹๐Ÿ‡ฆโ€‹โ€‹๐Ÿ‡ฒโ€‹โ€‹๐Ÿ‡ฆโ€‹โ€‹๐Ÿ‡ณโ€‹ โ€‹๐Ÿ‡ณโ€‹โ€‹๐Ÿ‡ฌโ€‹ โ€‹๐Ÿ‡ฎโ€‹โ€‹๐Ÿ‡ฒโ€‹โ€‹๐Ÿ‡ตโ€‹โ€‹๐Ÿ‡ดโ€‹โ€‹๐Ÿ‡ทโ€‹โ€‹๐Ÿ‡ฒโ€‹โ€‹๐Ÿ‡ฆโ€‹โ€‹๐Ÿ‡ธโ€‹โ€‹๐Ÿ‡พโ€‹โ€‹๐Ÿ‡ดโ€‹โ€‹๐Ÿ‡ณ

๐“˜๐“ผ๐“ช๐“ท๐“ฐ ๐“ถ๐“ช๐“ต๐“พ๐“ฐ๐“ธ๐“ญ ๐“ช๐“ฝ ๐“ถ๐“ช๐“ช๐“ต๐“ช๐“ซ ๐“ท๐“ช ๐“น๐“ช๐“ฐ๐“ซ๐“ช๐“ฝ๐“ฒ!

๐—›๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฑ๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜†๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐˜„๐—ถ๐—ธ๐—ฎ ๐—ฎ๐˜ ๐—ธ๐˜‚๐—น๐˜๐˜‚๐—ฟ๐—ฎ?

Inaanyayahan ang lahat na nakiisa at makilahok sa ating taunang Pagdiriwang ng Buwan ng Wika ngayong buong buwan ng Agosto. Inihanda natin ang iba't ibang kapana-panabik na mga aktibidad sa loob ng klase at mga palatuntunan pagkatapos ng klase na magpapamalas ng inyong angking galing at talino!

๐ŸŽจ Mga Patimpalak at Gawain
Ipakita ang inyong talento sa ating mga nakahandang paligsahan:

๐ŸŽค Pag-awit: Para sa mga nagnanais maghandog ng himig at musika.

๐Ÿ–Œ๏ธ Pagguhit: Para sa mga gustong magpamalas ng sining at visual art.

โœ๏ธ Pagsulat ng Sanaysay: Para sa mga mahuhusay magpahayag ng saloobin sa panulat.

๐ŸŽ™๏ธ Pagbigkas ng Tula (Spoken Poetry): Para sa may maalab na damdamin sa pagbigkas at pagtula.

๐Ÿค– Pagbuo ng Prompt sa AI (AI Prompting Contest): Para sa mga malikhain sa pagsasama ng makabagong teknolohiya at wikang Filipino!

๐Ÿ’ก Trivia Kada Linggo!
Hindi lang 'yan! May Lingguhang Trivia rin tayong inihanda kung saan hindi niyo lang mapapalawak ang inyong kaalamanโ€”puno rin ito ng saya at mga papremyo!

Makiisa, matuto, at maging masaya!

Lumapit sa inyong g**o sa Filipino para sa karagdagang detalye at mekaniks ng bawat patimpalak.

Magkita-kita tayo sa ating mga gawain!



03/08/2026

๐ƒ๐ž๐ฉ๐„๐, ๐ง๐š๐ฆ๐š๐ก๐š๐ ๐ข ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐ฅ๐š๐ฉ๐ž๐ฅ ๐ฌ๐š ๐ค๐š๐ ๐ฎ๐ซ๐ฎ๐š๐ง ๐ง๐  ๐Œ๐๐€๐’๐‡๐’-๐”๐ง๐ข๐ญ ๐Ÿ

๐™‡๐™ช๐™ฃ๐™œ๐™จ๐™ค๐™™ ๐™ฃ๐™œ ๐™†๐™–๐™ก๐™ค๐™ค๐™ ๐™–๐™ฃ โ€“ Matagumpay na isinakatuparan ang seremonya ng pamamahagi ng mga lapel sa mga g**o sa MBASHS UNIT-1 mula sa Kagawaran ng Edukasyon, nitong Lunes, Agosto 3, 2026.

Agad na isinunod ng paaralan ang pamamahagi ng lapel matapos ang pambansang seremonya ng pagtataas ng watawat.

Nanguna si Ginang Filipinas S. Pantanilla, Pangulo ng Asosasyon ng Kaguruan, sa pambungad na pananalita. Malugod niyang pinasalamatan sina Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. at Kalihim ng Edukasyon Juan Edgardo "Sonny" Angara sa pagbibigay ng mga lapel. Ayon sa kaniya, mas magiging epektibo ang talakayan sa klase kapag naririnig nang malinaw ng mga mag-aaral ang boses ng g**o. Bago matapos, umaasa rin siyang isusunod ng pamahalaan ang pamamahagi ng mga laptop para sa mga g**o.

Nagpaabot din ng kaniyang pasasalamat si Ginang Annaliza A. Ngo, kinatawan ng School-Based Management. Aniya isinusulong ng adhikaing ito ang suporta ng pamahalaan sa mga g**o at kinikilala ang kanilang mahalagang papel sa pagpapaunlad ng kalidad ng edukasyon sa bansa.

Sa harap ng mga mag-aaral, ipinamigay ng mga puno ng bawat kagawarn ng nasabing paaralan ang mga lapel sa bawat g**o nila.

Masigla namang nag-rekord ng bidyong pasasalamat ang kaguruan para sa Pangulo at sa Kalihim ng Edukasyon.

Sa pagtatapos ng palatuntunan, inihayag ni Ginang Mirafe M. Toriaga, Tagapayo ng Filipino Club, ang opisyal na pagbubukas ng Buwan ng Wika ngayong Agosto.
Inilahad niya ang mga inaasahang gawain at patimpalak sa loob ng klase, at inanyayahan ang lahat ng mag-aaral na makilahok sa pambansang pagdiriwang na ito.

โœ๏ธ Isinulat ni : Alyssa Aguaviva
๐Ÿ“ธ Kuhang larawan ni: Mark Vincent Mabajen


2026

14/07/2026

Sumali sa Pahayagang Kampilan! โš”๏ธ

Naghahanap ka ba ng espasyo kung saan ang bawat titik ay may kapangyarihan at ang bawat boses ay may kabuluhan?

Ang Kampilan, ang opisyal na pahayagang pangkampus, ay nag-aanyaya para sa mga gustong maging mamamahayag, manunulat, at tagalikha ng sining para sa Taong Panuruan na ito!

Tulad ng matalas na kampilanโ€”ang katutubong tabak na sumasagisag sa tapang at talasโ€”ipinagtatanggol natin ang katotohanan gamit ang talim ng ating panulat, kamera, at disenyo.

๐Ÿ–‹๏ธ MGA SEKSYON NA MAAARI MONG SULUTAN AT SULIIN:

* Pagsulat ng Balita (News Writing): Maging unang mag-ulat ng katotohanan sa loob at labas ng kampus.
* Pagsulat ng Editoryal (Editorial Writing): Ipahayag ang matatapang at matatalinong opinyon sa mga napapanahong isyu.
* Lathalain (Feature Writing): Hanapin ang mga kwentong may puso at kulay na pumupukaw sa damdamin ng mambabasa.
* Pampalakasan (Sports Writing): Ihatid ang aksyon, pawis, at tagumpay mula sa loob ng court at arena.
* Agham at Teknolohiya (Sci-Tech): Ipaunawa ang mga kumplikadong diskubre at makabagong inobasyon sa simpleng paraan.
* Photojournalism: Kumuha ng mga larawang may kuwento, emosyon, at nagsasabi ng libu-libong salita.
* Pagguhit ng Kartung Editoryal (Editorial Cartooning): Isalarawan ang realidad sa pamamagitan ng matatalas na guhit at karikatura.
* Layouting at Graphic Design: Bigyang-buhay ang pahayagan gamit ang makabagong sining at malikhaing pag-aayos ng pahina.

๐ŸŒŸ BAKIT DAPAT KANG SUMALI?
1. Linangin ang Talento: Makakukuha ka ng libreng pagsasanay mula sa mga eksperto at mga nakatatandang miyembro.
2. Maging Boses ng mga Mag-aaral: Iparating ang mga isyu at kwentong mahalaga para sa komunidad ng paaralan.
3. Makabuo ng Samahan: Makatagpo ng mga kaibigang kapareho mo ang hilig sa sining, pagsulat, at paghahanap ng katotohanan.
4. Ikarangalan ang Paaralan: Pagkakataong lumahok at manalo sa mga patimpalak sa pamamahayag (Press Conferences).

๐Ÿ“… PAANO SUMALI?
1. Sino ang Pwedeng Sasalit? Bukas sa lahat ng mag-aaral na may hilig, determinasyon, at disiplina sa pagsulat o sining (mula sa Junior High School at Senior High School).
2. Magpatala: Pumunta lamang sa Kagawaran ng FILIPINO, sa opisina ng Pahayagang Kampilan.
3. Kailan: Tuwing uwian o oras ng inyong break.

"Ang panulat ay ating kampilan; sa bawat kumpas, katotohanan ang itatanghal."

Huwag nang mag-atubili! Hawakan ang iyong panulat, ihanda ang iyong kamera, at simulan ang iyong paglalakbay bilang isang mapagpalayang mamamahayag.

Sali na sa Pahayagang Kampilan!

Photos from Pahayagang Kampilan's post 02/06/2026

๐—•๐—ฟ๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐—ฑ๐—ฎ ๐—˜๐˜€๐—ธ๐˜„๐—ฒ๐—น๐—ฎ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ, ๐—ฃ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐— ๐—•๐—”๐—ฆ๐—›๐—ฆ ๐—จ๐—ป๐—ถ๐˜-๐Ÿญ

LUNGSOD KALOOKAN โ€” Kasabay ng pagpasok ng buwan ng Hunyo, opisyal nang sinimulan ng ๐‘€.๐ต. ๐’œ๐“ˆ๐’พ๐“ˆ๐“‰๐’พ๐‘œ ๐’ฎ๐“‡. ๐ป๐’พ๐‘”๐’ฝ ๐’ฎ๐’ธ๐’ฝ๐‘œ๐‘œ๐“ (๐‘€๐ต๐’œ๐’ฎ๐ป๐’ฎ) ๐’ฐ๐“ƒ๐’พ๐“‰-๐Ÿฃ ang taunang Brigada Eskwela nitong Lunes bilang paghahanda sa pagbubukas ng Taong Panuruan 2026-2027.

Isang makulay na parada ang nagbukas sa aktibidad na nilahukan ng mga mag-aaral, magulang, g**o, mga puno ng kagawaran, at pamunuan ng Brigada Eskwela 2026. Namagi ang mga estudyante, opisyales ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG), Senior Scouts, Binagtas ng mga boluntaryo ang ruta mula sa paaralan patungong Kalye Langaray, at tumawid hanggang Barangay 12 habang nag-aanunsyo at namamahagi ng mga flyers upang hikayatin ang komunidad na makibahagi sa pakikipagtulungan ng mga kawani ng Barangay 14.

Pagbalik sa paaralan, isang masiglang palatuntunan ang idinaos sa court ng MBASHS Unit-1 sa pamumuno nina Ginang Stephanie R. Cruzat at Ginang Eleanor Monique Q. Sevilla bilang mga tagapagdaloy ng programa.

Nagpaabot naman ng kanyang makabuluhang mensahe si Ginoong Benjamin M. Molina II, punongg**o ng MBASHS-Unit 1, sa mga magulang, mag-aaral, at mga g**o, at sponsors. Sa kanyang pahayag, binigyang-diin ng punongg**o ang mga mahahalagang pagbabago sa sistema ng edukasyon, partikular na ang pagpapatupad ng 3-termino sistema sa kurikulum.

Upang maisakatuparan ang tema ngayong taon na โ€œส™แด€สแด€ษดษชสœแด€ษด ๊œฑแด€ แด˜แด€แด€ส€แด€สŸแด€ษด: ษดแด€ษขแด‹แด€แด‹แด€ษช๊œฑแด€ แด˜แด€ส€แด€ ๊œฑแด€ แด‹แด€แด€สแดœ๊œฑแด€ษด แด€แด› แด‹แด€แด€สŸแด€แดแด€ษด,โ€ agad na nagtungo ang mga boluntaryo sa kani-kanilang mga itinalagang silid-aralan matapos ang programa.

Sa ilalim ng pamumuno ni Dr. Minalin S. Valeda (BE Coordinator), Ginang Erlinda P. Chicay, Tagapangulo ng Baitang 7, at mga tagapayo ng Baitang 7, sinimulan ng mga kalahok ang paglilinis, pagkukumpuni, at iba pang gawaing nakapaloob sa Brigada Eskwela upang matiyak na ligtas at handa ang paaralan para sa pormal na pagbubukas ng klase sa Lunes.

โœ๏ธ Isinulat ni : Alyssa Aguaviva
๐Ÿ“ธ Kuhang larawan ni: ๐Ÿ…ป๐Ÿ…ท๐Ÿ…ฑ

30/04/2026

๐Ÿ“ฃโœจ ENROLLMENT NA! SY 2026โ€“2027 NA!โœจ๐Ÿ“ฃ

Handa ka na bang simulan ang panibagong taon ng pagkatuto, pag-unlad, at tagumpay? ๐ŸŽ“๐Ÿ’ก

Inaanyayahan namin ang lahat ng mag-aaral at magulang na makiisa sa Enrollment para sa School Year 2026โ€“2027! Ito na ang pagkakataon para muling magbalik-eskwela, matuto ng bagong kaalaman, at abutin ang inyong mga pangarap. ๐ŸŒŸ

๐Ÿ“Œ Bakit sa MBASHS-Unit I ka dapat mag-enroll?
โœ”๏ธ De-kalidad na edukasyon
โœ”๏ธ Ligtas at suportadong kapaligiran
โœ”๏ธ Mga g**ong handang gumabay sa iyong paglalakbay
โœ”๏ธ Mga programang huhubog sa iyong kakayahan at pagpapahalaga

Tignan ang larawan para sa mga schedules at requirements.
Oras ng enrollment: 9:00 ng umaga hanggang 2:00 ng hapon

๐ŸŽ‰ Huwag palampasin ang pagkakataong maging bahagi ng isang komunidad na nagtataguyod ng kahusayan at malasakit!

Photos from Pahayagang Kampilan's post 08/02/2026

๐™„๐™‰๐™๐™๐˜ผ๐™ˆ๐™๐™๐˜ผ๐™‡๐™Ž 2026, ๐™‹๐™ค๐™ง๐™ข๐™–๐™ก ๐™ฃ๐™– ๐˜ฝ๐™ž๐™ฃ๐™ช๐™ ๐™จ๐™–๐™ฃ

Idinaos ang pagbubukas ng Intramurals 2026 sa MBASHS UNIT-1 nitong Enero 23, alas-11 ng umaga, na dinaluhan ng mga atleta, mag-aaral, at mga g**o ng paaralan.

Sinimulan ang programa sa makulay na pagpaparada ng mga kalahok sa Mr. & Ms. Intramurals at mga atletang kalahok mula sa ibaโ€™t ibang baitang. Sinundan ito ng pag-awit ng Pambansang Awit sa pangunguna ni Maโ€™am Sullivan, g**o sa MAPEH, at ng panalangin na pinangunahan naman ni Maโ€™am Epino, isa ring g**o sa MAPEH.

Isinagawa rin ang pagtaas ng mga banner ng bawat baitang, kasabay ng pagsindi ng ceremonial torch na sumisimbolo sa pagkakaisa, disiplina, at diwa ng palakasan. Nagbigay ng welcome message si G. Benjamin Molina, punongg**o ng paaralan, bago isinagawa ang panunumpa ng mga atleta o oath of sportsmanship.

Nagbigay-aliw naman ang Jaguar Dance Crew sa kanilang intermission number. Ipinakilala rin ang mga muse at es**rt na nagpainit sa entablado sa pangunguna nina Sir Loro, g**o sa MAPEH, at Maโ€™am Magayon, g**o sa Values Education.

Nagpakitang-gilas din ang mga piling mag-aaral ng Senior High School sa kanilang Cheer Dance performance bago opisyal na inanunsyo ang mga nagwagi sa Mr. & Ms. Intramurals 2026 bilang pagtatapos ng programa.

โœ๏ธ Isinulat ni : Alyssa Aguaviva
๐Ÿ“ธ Kuhang larawan nina : Desmond M. Torres & WesMatthew Ido

08/02/2026

๐— ๐—•๐—”๐—ฆ๐—›๐—ฆ ๐—จ๐—ก๐—œ๐—ง-๐Ÿญ, ๐—”๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป, ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐˜„๐—ฎ๐—ด๐—ถ ๐˜€๐—ฎ ๐——๐—ฆ๐—ฃ๐—– ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ

Nag-uwi ng mga medalya ang mga mag-aaral ng MBASHS UNIT-1 mula sa Pahayagang Filipino at English sa idinaos na Awarding Ceremony ng Division School Press Conference (DSPC) 2026 sa Tala High School noong Enero 16, Biyernes ng umaga.

Bilang pagsasara ng patimpalak, ginawaran ng parangal ang mga mamamahayag na nagpakita ng husay sa ibaโ€™t ibang kategorya ng campus journalism.

Kabilang sa mga nagwagi ay ang mga mamamahayag mula sa Pahayagang Kampilan na sina Alyssa Aguaviva, ikaapat na puwesto sa Pagsulat ng Balita, at Vincent Mabajen, ikaanim na puwesto sa Pagkuha ng Larawang Pampahayagan. Mayroon din namang isang mamamahayag mula sa English medium na si (pangalan) na nagtamo ng ika-8.5 puwesto sa (kategorya)

Ang mga parangal na ito ay nagsisilbing patunay ng sipag, dedikasyon, at patuloy na paghahangad ng kahusayan ng mga mamamahayag ng MBASHS UNIT-1.

โœ๏ธ Isinulat ni : Alyssa Aguaviva
๐Ÿ“ Pagwawasto ng Sipi : Cheska Zen Cajes
๐Ÿ“ธ Kuhang larawan ni : Clark Vincent Mabajen
๐Ÿ–ฅ๏ธ Lay-out ng Larawan: Angelique Fhilo Bartolome

Photos from Pahayagang Kampilan's post 08/02/2026

๐— ๐—ฎ๐˜๐—ต ๐— ๐—ผ๐—ป๐˜๐—ต ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ, ๐—ฃ๐—ผ๐—ฟ๐—บ๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ถ๐—ป๐˜‚๐—ธ๐˜€๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐— ๐—•๐—”๐—ฆ๐—›๐—ฆ ๐—จ๐—ก๐—œ๐—ง-๐Ÿญ

Pormal na sinimulan ang pagdiriwang ng Math Month nitong Lunes ng umaga, Enero 12, sa MBASHS UNIT-1 na may temang โ€œMathematics and Hope.โ€

Binuksan ang programa sa pamamagitan ng pambungad na mensahe ni Ginang Nancy B. Curutan, Mathematics Department Head, na sinundan ng isang intermission number mula sa g**o sa Matematika na si Ginoong Nestor Teodosio Jr.

Sunod naman ay inilahad ni Ginoong. Junhry M. Balateria, Math Club Adviser, ang mga aktibidad na isasagawa sa loob ng nasabing buwan bilang bahagi ng selebrasyon.

Nagkaroon din ng mga math trivia na pinangunahan ni Ginang Cristy Mirasol bago tuluyang wakasan ang programa sa pamamagitan ng closing remarks ni Adoni Zedek Aquino, Math Club President.

Samantala, gumanap naman bilang tagapagdaloy ng programa ang mga opisyal ng Math Club na sina Trisha Callao at Emard S. Rose.

โœ๏ธ Isinulat ni : Alyssa Aguaviva
๐Ÿ“ Pagwawasto ng Sipi : Cheska Zen Cajes
๐Ÿ–ฅ๏ธ Lay-out ng Larawan : Angelique Fhilo Bartolome

๐Ÿ“ธ Kuhang larawan: Math Club Officers

Photos from Pahayagang Kampilan's post 01/01/2026

๐๐€๐‹๐ˆ๐“๐€๐๐† ๐ˆ๐’๐๐Ž๐‘๐“๐’ | MBASHS Unit I Jaguars, nagpakita ng tapang at disiplina sa Division Meet ng Football Secondary Boys

Pasig City โ€” Ipinamalas ng MBASHS Unit I Jaguars ang tibay ng loob, organisadong laro, at determinasyon sa ginanap na Secondary Boys Football sa Football Field ng Rizal High School, kung saan naging isa sila sa pinakamatatag na koponan sa torneo sa kabila ng matitinding laban laban sa ibaโ€™t ibang paaralan sa dibisyon.

Sa kanilang unang mga laban, agad nagpakita ng bangis ang Jaguars matapos iselyo ang 2โ€“0 panalo kontra Bagong Barrio at sundan ito ng dominanteng 3โ€“0 panalo laban sa SPCC. Pinatunayan ng mga panalong ito ang husay ng koponan sa opensa at ang disiplina nila sa depensa.

Ang First Eleven ng MBASHS Unit I Jaguars ay binubuo nina Ace Villanueva, Lee Carlo Umali (Team Captain), Wise Vien Tayao, Justine Kurt Balisi, Nathan Balisi, Jesh Carl Bognot, Ace Gabriel Paras, Michael Borromeo, Mark Bien Angelo Quiapo, Ian Verano, at Roy Jones De Guzman. Sa pamumuno ni Umali, nanatiling organisado at kalmado ang koponan sa bawat laban, anuman ang sitwasyon sa loob ng field.

Sa kanilang paghaharap laban sa Caloocan High School (CHS), naging dikdikan ang laban at nagtapos sa 1โ€“0 panalo pabor sa CHS. Bagamaโ€™t nasungkit ng CHS ang puntos, kapansin-pansin pa rin ang matatag na depensa at hindi pagsuko ng Jaguars hanggang sa huling minuto ng laro.

Sa kabuuan ng torneo, ipinakita ng MBASHS Unit I Jaguars FC na ang tunay na lakas ng isang koponan ay nasusukat hindi lamang sa panalo, kundi sa kung paano nila hinaharap ang bawat hamon. Sa disiplina at malinaw na sistema ng laro, pinatunayan ng Jaguars na isa silang koponang dapat kilalanin at igalang sa loob ng football field.

โœ๏ธ Isinulat ni : Rhian Joy Rosaceรฑa
๐Ÿ“ธ Kuhang larawan nina : Princess Kyla Pericano | Ma. Fiona Magbata
๐Ÿ–ฅ๏ธ Lay-out ng Larawan: Angelique Fhilo Bartolome

Want your school to be the top-listed School/college in Caloocan?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Pla-Pla Street Kaunlaran Village, Caloocan City
Caloocan
1400