08/01/2023
Mores, Ralph Dave M.
Grade 10 SAN -SEBASTIAN
Ipinasa kay: G.Norberto Careos Jr
Mitolohiya
May akda: MORES, RALPH DAVE
đź’– PUSOđź’–
Sa kaharian ng Vasopressin ay may mag - asawang sina Haring Cardo at Reyna Diana labis na kilala ang kaharian sa buong bayan ng Los Gatos tanyag si Haring Cardo sa pagiging magaling at dakilang hari sa bayan nila hinahalintulad nila ito kay Zeus sa pinakamapangyarihan Diyos. Matulungin,malakas,matapang,maawain,malakas ilan lang yan sa mga ugaling meron si Haring Cardo. Nahulog at minahal naman siya ni Reyna Diana sa labis na galing at kakayahan nito sa pamumuno sa kanilang sinasakupan.Maraming may gusto kay Reyna Diana sapagkat sa galing nito sa pamumuno sa digmaan at sa manggawa nila sa kaniyang dating tirahan kilala ito sa maganda din ugali laki man sa mayamang pamilya ay hindi nito ginamit ang posisyon nila para mang maliit ng kapwa kaya labis siyang minamahal ng mga tao sa kabaitang meron ito. Tanyag siyang bilang si Hera .
Binayayaan sila ng langit ng dalawang magagandang supling ito ay sina Prinsesa Demotica at Prinsesa Alena .Mala kamatis ang mga kulay nito at ubod ng kagandahan kaya maraming nagkakagusto sa magkakapatid na ito marami nang prinsipe ay nais na mapangasawa ang mga ito.Si Prinsesa Demotica ay tanyag sa pagiging Diyosa ng kagandahan katulad ng kay Aphrodite hindi lang sa kagandahan ang meron itong labis din hinahangaan ang katalinuhan at magandang asal ang mayroon ito.Samantalang si Prinsesa Alena naman ay may kakaibang katangian katulad ng sa kapatid niya kilala ito sa pagkatulad kay Artemis kung saan ito ay matapang na personalidad at ugali handa niyang ipaggtanggol ang nakikita niyang inaapi sa kanilang palasyo labis ang kasipagan at pagiging matulungin nito sa mamayan.Labis na natutuwa si Haring Cardo sa mga naririnig niya na pag- pupuri at pag - kilala sa galing at ugali na mayroon ang kanyang mga anak naisip niya na may mga puso ang mga ito sa nasasakupan nila Lalo na sa kanilang mga mamayan ng Los Gatos mula noon hanggang sa kasalukuyan kilala at hinahangaan parin ang kanilang palasyo.
08/01/2023
Mores, Ralph Dave M.
Grade 10 SAN -SEBASTIAN
Ipinasa kay: G.Norberto Careos Jr
Epiko
May akda: MORES, RALPH DAVE M.
DAKILA KA ISA
Sa kaharian ng Isla Agauada ay may isang dilag at nagtatangi ang kanyang kagandahan "Isa" ang kanyang ngalan sa labis na pagka buryo nito sa palasyo ay ninanais nitong tumakas at tuklasin ang makabagong mundo sa labas ng isla ngunit hindi rin mawari nito na mag- alala sa mga magulang nito kapag ito'y aalis ng walang paalam.Lumipas ang mga araw at ninais niyang kausapin ang kanyang mga magulang sa plano nito labis na nagulat ang mga ito sa sinasabi ni Isa ngunit pinayagan naman siya na umalis papuntang baryo di mawari ang kasiyahan na nararamdaman ni Isa sa mga panahong na iyon.Dumaan ang Sabado at ito na ang oras ng paglisan ni Isa sa kanilang Isla .At nang makarating na si Isa sa baryo Malapitan manghang-mangha siya sa kanyang mga nakikita makalaking gusali at makukulay na sasakyan ngunit sa hindi inaasahan ay may nakita siyang grupo ng mga kabataan na tinatadyakan at pinag susuntok ang kawawang dalawang bulag na nakatambay sa gilid ng kalsada hindi matiis ni Isa ang kanyang nakikita kaya pinuntahan nya ito at pinagtanggol pinagsabihan niya pa ang mga kabataan na maling - mali ang ginawa nito sa mga batang nasa kalye . Pagkatapos bigyan ng aral ni Isa ang mga bata ay di sya nagdalawang isip na tulungan ang dalawang batang may kapansanan inalagaan at tinuring na ito na mga kapatid nagdaan ang mga buwan ng pamamalagi niya sa baryo at naisiipan na itong umuwi sa Isla nila sinama nya ang dalawang bulag pauuwi tinuring niya na pamilya ang mga ito labis ang pasasalamat ng mga bata at mula noon hanggang ngaun " Dakila ka isa" ang tanyag sa kaniya sa kanilang isla
Moral na aral:
“Hanggang ngayon, laging tratuhin ang mga tao sa paraang gusto mong tratuhin ka. Maging ito ay pamilya o kaibigan o katrabaho, sa tingin ko ito ang pinakamahalagang bagay.
May tagumpay ka man o wala, mabuting tao ka man ang mahalaga.” -Brenda Song
08/01/2023
Karen joy Mores
10-SAN SEBASTIAN
Ipinasa kay ginoong : Norberto Careos Jr. "MITOLOHIYA"
Kalayaan
Isang araw sa maliit at tahimik na ngayon ng San Isidro may mag asawang masaya kumain sa hapag kainan Ito ay sina Aphrodite at Demeter masayang ibinalita ng kanyang asawa na sya ay nagdadalang tao at sa tinagal tagal ng kanilang pag sasama ay bibiyayaan rinsila ng isang supling. Ipinanganak ang isang maladyosa at angel na si Athena. lumaking masayahin at simpleng babae Ito. Isa rin sa kinakahangaan. Madaming naingit na kapit bahay Sila sa kanilang nayon tanyag ang kanilang mga pangalan sa kanya-kanyang nilang taglay na galing sa iba't ibang larungan nagdaan ang ilang taglay na galing sa taon at naisip-isip no Athena na lumuwas ng kanilang nayon para mag karoon ng kalayaan at tumayo sa sariling mga paa. laging pumapasok sa kanyang isipan na kung ano nga ba ang ganda ng isang lungsod. ngunit hindi siya pinayagan ng kanyang magulang na lumuwas ng Manila natalo ang mag-asawa sa pag-desisyon kung papayagan ba nila o hindi si Athena. Walang kaalam-alam ang mag-asawa na lumayas pala Ito papuntang lungsod.
Sa labis ng kagustuhan maka alis ni Athena ay tumakas Ito sa kanyang magulang. Habang nasa bus si Athena ay may isang lalaki na nagsabi sa kanyang na masaya ka ba Sa kalayaan na nininais mo Ito ay si Appolo isang lalaking biniyayaan ng pagbabasa ng propesiya. Labis na dinamdam ni Athena ang tanong ni Appolo. isang nagdalawang isip siya kung tama ba ang desisyon na umalis ng walang paalam. Nang dahil sa hindi siya mapalagay na umalis sa kanyang nararamdaman ay bumalik Ito sa kanyang magulang. Sa pag-uwi na labis syang na lungkot sa hagdan niya. Nag aantay sa labas ng pintuan na umiiyak ang kanyang ina at ama niyakap niya Ito humingi ng tawad. Mula noon sa bawat pag-alis no Athena ay humihingi muna siya ng pahintulot sa kanyang mga magulang.
Ang kalayaan ay magbibigay sa iyong pagkakataon na mag pasya para sa iyong sarili at upang matukoy ang direksyon ng iyong buhay. Bibigyan-daan ka nitong lumikha ng iyong sariling buhay at kayalingan.
05/01/2023
Shamira Ellysah H. Salazar
10 - SAN SEBASTIAN
Ipinasa kay ginoong : Norberto Careos Jr.
EPIKO
( "Ang Magaaral na may mabuting puso")
Isang kabutihan ang dapat ipakita at ipadama sa karamihan upang ikaw din ay pagpalain ng nasa itaas.
Isang araw ang isang babae ay papasok sa kanilang paaralan, na kung saan kailangan nya pang dumaan sa isang bayan na napakaraming tao sa bayan na ito, at habang sya ay naglalakad sa bayan na ito may nasa unahan nyang isang matandang babae. Ang babae na ito ay sobrang bagal ng maglakad at para bang kung titignan mo sya ay para na syang naliligaw at hindi nya alam kung saan na sya pupunta, At estudyanteng/babaeng ito ay agad naman na nagmabuting loob upang tanungin ang matandang babae kung ano ba ang nangyayari na sakanya, at tinanong nya ito ng "May hinahanap po ba kayo? may kasama po ba kayo?" ang sagot naman ng matandang babae sakanya ay "Wala akong kasama iha,magisa lamang ako at hindi ko na alam kung saan ang sakayan ng papunta saamin".
At di nagdalawang isip ang estudyanteng babae na tulungan ang matanda agad naman nyang sinagot na "bakit po wala kayong kasama, at saan po ba kayo papunta", Ang sagot naman ng matandang babae ay papunta akong bagong baryo, at hindi ko na matandaan kung saan na ba ang sakayan sa kadahilanan nalang din ng pag babago na ng bayan na ito ibang iba na ito sa dati, Kaya naman ang estudyante ay agad na dinala ang matandang babae sa sakayan tinulungan nya itong tumawid at sinamahan na mag lakad hanggang sa sakayan papunta sa lugar kung saan nakatira ang matandang babae, labis ang tuwa at pasasalamat ng matanda sakanya dahil may mabuti syang puso at kalooban na hindi tulad ng iba.
Isang kabayanihan ang ipinamalas ng batang babae na ito para sa matanda dapat natin gawin at tularin din ang isang mag aaral na ito na may mabuting puso at kalooban para sa kapwa nya tao.
05/01/2023
Karen joy Mores
10-SAN SEBASTIAN
Ipinasa kay ginoong : Norberto Careos Jr.
"Maikling Kwento"
"MATUTO KANG MAGHINTAY"
Sa lahat ng bagay na dumarating sa tao. may mga nagbabago... at sa mga pagbabagong iyon, may mga natutunan... natutunan kong magpasensya at maghntay dahil umaasa ako na balang araw magiging maayos ang laht hndi man maibalik pero maaring mkapagsimula ng bago at mas maganda pa sa kung ano ang meron dati.
Sa kabila ng lahat ng mga pinagdadaanan ng tao may mga bagay na sadyang mahirap alisin sa puso at sa isipan, sapagkat mahirap talagang tanggalin ang mga nararamdaman.. masakit man o msya... mula sa kagilagilalas na pangyayari hanggang sa karumaldumal na trahedya. hndi naman lahat ng bagay ay pwede na pumabor sayo.. hndi rin lahat ng bagay ay pwede mong makamit dahil gusto mo kasi sa dinami dami ng tao sa mundo alam ng Diyos kung sino at ano ang mga dapat unahin, kung iyong nasa kaliwa o nasa kanan, lahat ay dinirinig nya... karapat dapat ba syang bgyan o balewalain na lamang o maari naman gusto niya sabhin sa iyo na isa lamang itong pagsubok na dapat mong lampasan.. na ang gusto nyang matutunan ng tao ay
"matuto kang maghntay at habaan ang iyong pasensya dahil hndi lahat ng hinihingi at hinihiling mo ay maibibigay ko sayo ng agaran... na hndi lahat ng bagay na ninanais mo ay makukuha mo agad dahil sa gusto mo na at dahil sa nahihirapan ka na... Matuto kang manalig at manampalataya lumapit ka sa akin, kumatok ka, at ikaw ay aking papasukin aalagaan kita at hnding hndi kita papabayaan. lagi mong tatandaan na ang lahat ng bagay ay may dahilan.. lahat ng bagay ay may paraan.. may batayan sa kung ano ang dpat bgyan natin ng prayoridad at pahalagahan... sa paniniwala at pananalig mo sa isang bagay, sa pagtanaw ng utang na loob, at sa positibong pagtingin sa buhay... balang araw ay makukuha mo rin ang gusto mo at ang mga ninanais mong mga bagay na makamit... dahil sa tao mismo nagsisimula ang maga bagay na gusto nilang gawin upang makamit ang knilang mga pangarap at hangarin dahil walang ibang magdudusa sa mga mga bagay na hinahangad
mo, kundi ikaw mismo.. ang tao."
19/12/2022
Shamira Ellysah H. Salazar
10 - SAN SEBASTIAN
Ipinasa kay ginoong : Norberto Careos Jr.
"Maikling Kwento"
Kaya ko nga bang tiisin at hintayin ka?
Noong unang panahon may isang babaeng nakatira sa di kalayuang lugar, at ang kanyang ngalan ay Carla, isang napaka gandang ngalan mula sa mga kababaihan. Si carla ay isang ordinaryong tao lamang mula sa kanilang bayan na kilala sya bilang isang mabait at masiyahing babae sakanila, Si carla ay isang anak ng magasawang may ari ng isang tindahan sa kanilang baryo at ang mag asawang ito ay sino Shaine at Cristo ang mag asawang ito ay mahal na mahal ang kanilang anak na si carla dahil iisa lamang nilang anak ito. Si carla ay pinag aaral nila ng mabuti at inaalagan din ito ng mabuti.
Si carla ay isang estudyante sa isang malaking paaralan sa kanila, At doon nya natagpuan ang lalaking bibihag sakanyang puso at mga mata. Ang pangalan ng lalaking ito ay si "Dave". Si dave ay may mabait na kalooban at sobrang marespeto sa mga kababaihan kaya naman hindi nag tagal si carla ay naakit sakanya at nagustuhan ni carla ang lalaking ito, kaya naman sya ay hindi nag dalawang isip na kausapin na ng una si Dave, lakas loob nyang tinapangan ang kanyang sarili na sabihin ang kanyang nararamdaman para sa binatang ito.
Si dave ay nagulat sa kanyang narinig na mula kay Carla, At sinabe ni dave sakanya kagad na "Salamat sa pag hanga saakin ngunit hindi pa ako handa sa mga ganyang bagay dahil may mas mga bagay akong inuuna muna para sa aking sarili at pamilya", nasaktan ang dalagita mula sa kanyang narinig galing sa binatang ito ngunit naglakad loob ulit si carla na sabihin sa binatang ito na, " Hindi naman ako nag mamadali kaya kong maghintay para sayo at tiisin lahat ng mga pwedeng mangyari para sa ating dalawa, handa akong maghintay ma pa saakin ka lang". At habang tumatagal ang binata at dalaga ay naging mas malapit na sa isa't isa. At ito din naman ay ang kinatuwa ni carla na Kung sumuko na sya nung una pa lamang ay walang mangyayaring pagkakalapit ng loob nilang dalawa, kaya masasabi ni carla na laging kunin o gawin ang nga gusto nating mga bagay upang sa huli tayo ay walang pag sisihan.
19/12/2022
Shamira Ellysah H. Salazar
10 - SAN SEBASTIAN
Ipinasa kay ginoong : Norberto Careos Jr.
"MITOLOHIYA"
Dahilan nga ba talaga ang kagandahan upang ikaw ay mapansin o upang ikaw ay hangaan ng karamihan?
Mula sa di kalayuan na lugar na kung saan may dalawang magkaibigan na sina Shaniah at Veronica. Sila ang dalawang kilalang matalik na magkaibigan sakanilang bayan sa laswarte. Sila ang dalawang magagandang mga dilag o kakabaihan sa bayan nila, sila din ay matagal ng magkaibigan simula pa lamang nung mga bata pa sila, Parehong pareho sila ng mga gustong gawin o kahit pati narin sa mga gamit.
Si Shaniah ay isang kilalang bilang isang mabuti at masunurin na anak at ito din ay may angkin lakas at katapangan, at sa kabilang banda naman ay si Veronica na may angking kagandahan na sa sobrang ganda nya ay kinahahangaan sya ng mga kalalakihan o kahit mapa babae pa man ito. Maraming gusto kaibiganin si veronica dahil sa angkin niyang ganda. At siya din ay may angkin talino at masipag na babae, kaya naman sabi ng karamihan sakanilang bayan si veronica ay maihahalintulad sa diyosa na si "Aphrodite" dahil na rin sa mga katagian ng binibini o diyosa na parehong pareho sa ugali o sa katangian din ni veronica, At simula noon si veronica ay tinatawag na siyang Bilang "Aphrodite" sa kanilang bayan, na siya namang tinanggap ng buong puso ni veronica na kalugod lugod syang tawagin ng ganyang ngalan na maihahalintulad pa sa isang diyosa, labis ang kanyang kasiyahan at pasasalamat sa kanyang mga kaibigan at sa mga tao narin na tumatawag saknya ng ngalan na "Aphrodite".
Ang pinaka marangal at may katapangan naman na si shaniah, ay inahalintulad din sa diyosa na si "Athena", dahil simula noong may nakuhanan ng gamit sa tapat ng paraalan ni shaniah, ay siya namang kagad ito na naglakas ng loob at walang pag aalinlangan na habulin at kalabanin ang isang lalaking kumuha nung gamit ng isang babae sa harap ng kanilang paaralan. At di nagtatal ay nakuha na ni shaniah ang gamit at dali dali itonh ibinalik sa babaeng nakuhanan, labis ang pasasalamat ng babae kay shaniah at ito rin ay tuwang tuwa dahil naibalik na ang kanyang gamit at lubos nya itong tinatanaw na utang na loob kay shaniah.
Kaya naman sabi ng babae kay shaniah "Maraming Salamat, at tinulungan mo ako masasabi kong katulad ka ng paborito kong diyosa na si "Athena" may lakas ng loob at may mabuting puso. Parehong pareho kayo ng katangian ni athena, bukod na sa maganda pa ay napakabuti at apaka tapang mong babae,, kaya nararapat lang na maihalintulad ka sa diyosang si "Athena". At di nagtagal kumalat ang balita tungkol sa nangyari kaya naman si shaniah ay tinatawag na bilang "Athena" o ito na din ang naging palayaw nya sa kanilanh bayan sa laswarte.
Ang dalawang matalik na magkaibigan na sina shaniah at Veronica at ang kanilang mga katangian ay naihalintulad sa mga diyosa na nag ngangalang "Athena at Aphrodite". kaya naman dahil sa mga kanilang katangian sila ay nabigyang ngalan o palayaw. Masaya ang magkaibigan na sila ay naihalintulad sa mga diyosang kanilang kinahahangaan.
12/12/2022
Emerie Shaye L. Aubert
10-San Sebastian
Ipinasa kay: Ginoong Norberto Careos Jr.
-MAIKLING KUWENTO-
Hihintayin mo ba ako?
May akda: Emerie Shaye L. Aubert
Distansya. Isa lamang sa napakaraming balakid sa dalawang taong nagmamahalan.
Ang magkasintahang sina Ellysah at Joon ay isa lamang sa napakaraming magkasintahan na sinubok ng distansya ang pagmamahalan.
Palaging magkasama ang dalawang ito, napakaraming mga ala-ala ang nagawa nila sa loob lamang ng pagsasama ng isang taon, halos wala nang makakasira pa sakanilang dalawa, hanggang dumating ang oportunidad na matagal nang inaasam ni Joon para sakaniyang pangarap.
Masaya ang kasintahan niyang malaman na sa wakas ay may oportunidad na dumating kay Joon. Ang hindi alam ni Ellysah ay kinakailangang mangibang-bansa ni Joon para sa matagal nang inaasam na pangarap. Nang ipaalam ni Joon ito ay Ellysah, ay hindi maipinta ang mukha nito, masaya siya para sa kaniyang kasintahan ngunit napakalungkot na kinakailangang mapalayo sila sa isa't-isa.
Labindalawa. Labindalawang araw nalang ang natitira upang magkasama pa silang dalawa bago mawalay sa isa't-isa. Hindi nagsayang ng oras ang dalawa, kaya't sa loob ng labindalawang araw na iyon ay sinulit nila ang pagkakasama, pinuntahan ang mga lugar na gusto nilang puntahan.
Dumating na ang araw ng pagalis ni Joon, balak ihahatid ni Ellysah si Joon sa paliparan, ngunit nagdadalawang isip ito dahil sa tingin niya ang sobra siyang malulungkot sa pagalis ni Joon.
Ngunit pinilit niya na magkaroon ng ngiti sakaniya mukha at ihatid si Joon.
Dumating na sila sa paliparan at di nagtagal narinig na nila na papaalis na ang eroplano na sasakyan ni Joon papuntang America.
Nagkatinginan ang dalawa, sabay sabi ni Joon na "Hihintayin mo ba ako?" "Oo naman. Kahit gaano pa katagal iyan." Tugon ni Ellysah. Niyakap ng mahigpit ni Joon si Ellysah at binulungan ito ng "Hindi natin hahayaan ang distansya na makapagpalambot sa pagsasama natin. Tandaan mo iyan, Ellysah. Mahal kita ngayon, hanggang pagbalik ko."
"Mahal din kita, Joon. Ngayon at hanggang pagbalik mo." huling salita ni Ellysah kay Joon bago ito palayo ng palayong lumakad.
"Sana ay hindi ka mapagod sa distansya na magkakaroon tayo, Ellysah." bulong ni Joon sa sarili habang naglalakad.
"Hihintayin kita kahit gaano pa katagal iyan, Joon." bulong naman ni Ellysah sa sarili habang tinitignan si Joon na naglalakad.
12/12/2022
Emerie Shaye L. Aubert
10-San Sebastian
Ipinasa kay: Ginoong Norberto Careos Jr.
-MITOLOHIYA-
Ang Kuwintas, Korona at Salapang
May akda: Emerie Shaye L. Aubert
Pangarap ng mag-asawang Bonnie at Clyde ang magkaroon ng sarili nilang pamilya. Sila ay 3 taon nang kasal at matagal nang nagaasam na magkaroon ng unang anak.
Kaya't sila ay biniyayaan ng anak na lalaki sa ika-apat na taon nila bilang mag-asawa. Pinangalanan nila ang anak na panganay ng Poseidon. Sobra ang kasiyahan na dala sakanila ng pangananay nilang anak, kaya't kahit hindi ganoon karangya ang buhay ng mag-asawa sobrang kayod ang kailangan ni Clyde para mapunan ang mga pangangailan ng kanilang maliit na pamilya.
Nang mag-isang taon si Poseidon, ibinigay nila ang pinaka-engrandeng pagdiriwang ng kaarawan rito. Nang makalipas ang ilang taon, nasundan si Poseidon ng kambal na babaeng anak. Pinangalanan nila itong Hera at Aphrodite. Si Hera ang mas nakatatanda kay Aphrodite. Si Aphrodite ang pinakabata nilang anak. Kagaya ng pagdiriwang na ibinigay ng mag-asawa kay Poseidon, nagsikap ang magasawa sa pagtatrabaho para maibigay rin nila ang engrandeng kaarawan para sa kambal nilang anak.
Magkamukhang-magkamukha ang kambal na babae, ang tanging pagkakaiba lamang nila ay ang kulay ng kanilang balat. Si Hera ay mas maputi kay Aphrodite.
Habang lumalaki at nagbibinata't nagdadalaga na ang mga anak nina Bonnie at Clyde, humihina na ang katawan ni Clyde. Kaya't natuto si Poseidon na magsumikap at palitan na ang Ama sa pagkayod para sa Pamilya. Kita ng dalawang babae ang paghihirap ng kanilang mas nakatatandang kapatid sa pagkayod kaya't naisipan nilang tulungan ito. Tinanggihan ni Poseidon ang kaniyang dalawang kapatid na tulungan siya sa pagtatrabaho, ngunit kita rin ng kanilang Ina ang hirap ng pagkayod ng mag-isa para sa 4 na tao sa tahanan kaya't nang kausapin ng ni Bonnie si Poseidon tungkol sa pagtulong ng kaniyang dalawang kapatid, wala itong nagawa kundi sumang-ayon. Habang tumatagal ang panahon ay lalong nagiging mahirap ang kalagayan ng Pamilyang ito, dahilan din ng mahal na gamot na kailangan ni Clyde para sakaniyang katawan. Ang magkakapatid ang tuloy tuloy pa rin sa pagkayod sa kadahilanang gustong maiahon sa hirap ang Pamilya.
Isang araw, hating gabi na umuwi ang tatlong magkakapatid, nagulat ang mga ito nang makita pang gising ang kanilang Ama. Tinanong ni Poseidon si Clyde "Tay, bakit ho gising pa kayo?". Sinundan naman ni Aphrodite nang "Dapat Tay ika'y nagpapahinga na sa oras na ito". At bago pa makasagot ang kanilang Ama sinundan naman ni Hera ng "Panigurado hinintay pa tayo niyan makauwi ni Tatay." Sumagot naman si Clyde sa tatlong anak na, "Mga anak, huwag nang marapi pang tanong natutulog na ang inyong Ina.. Gusto ko lang sana kayo makausap at kumustahin ang pagtatarabaho ninyo." "Ayun Tay, maayos naman, nakakapagod pero kakayanin para sainyo ni Nanay." tugon ni Aphrodite. "Pasensya na kayo mga anak." humihikbi na tugon ni Clyde. Nagtaka ang magkakapatid kaya't tumabi ito sakanilang Ama at niyakap ito. "Itay, sobra sobra naman ang naging paghihirap ninyo ni Inay para mapalaki kaming maayos nina Hera at Aphrodite, kami naman ngayon ang magsusumikap para sainyo." naiiyak na sabi ni Poseidon. Niyakap ni Clyde at tatlong anak ng napakahigpit. At sabay sabing "Mga anak, kung sakaling ako ay pumanaw na, sana'y kayo na ang tumupad ng mga natitirang pangarap namin ng inyong Ina para sa ating pamilya, tiwala ako na kayang kaya ninyo iyan, lalo na kapag kayong tatlo ay magkakasama.. Mahal na mahal ko kayo." Mas lalong humigpit ang yakap ng magkakapatid sa Ama nila.
Kinaumagahan, unang nagising ang magkakapatid na nagtataka dahil gising na dapat ang kanilang Ama ng ganoong oras. Nagkatinginan ang magkakapatid na tila al na nila ang nangyari sa Ama.
Nang marinig nila ang pigil na pigil na hikbi ng kanilang Ina, pinuntahan nila ito sa kuwarto at roon na rin nila nakita ang Ina na yakap ng mahigpit ang kanilang Amang pumanaw na.
Nang makita sila ng kanilang Ina, ay dali dali itong pumunta sa kabilang sulok ng kuwarto at may kinuhang dalawang maliit na kahon at isang salapang na noong araw lang nakita ng magkakapatid. Inabot niya iyon sakaniyang mga anak. Inutusan niya na buksan ng dalawang babae ang dalawang kahon, unang binuksan ni Hera ang kaniyang kahon, ito ay naglalaman ng isang kuwintas na napakaganda at napakakintab. Ng haplusin niya ito ay biglang may ipinakita ang mahiwagang kuwintas sakaniya. Ipinakita ng kuwintas kay Hera ang mga pangyayari na mangyayari sakaniya sa darating na panahon. Manghang mangha si Hera sa nakita niya, kaya't nagulat ang dalawa niyang kapatid kung bakit ganoon ang naging reaksiyon niya, yun pala ay siya lamang ang nakakakita ng mahiwagang ipinakita sakaniya ng kuwintas. Sumunod naman ang korona na hawak ni Aphrodite. Isinuot niya ito at biglang nagkaroon ng napakagandang bahaghari, agad agad lumabas ang apat para tignan ang ulap at nagulat sila ng makita si Clyde sa taas ng bahaghari na nakatingin at nakangiti sakanila at sabay sabing "Mga anak, ngayon ang tamang panahon na malaman ninyo ang lahat." At sabay ibinigay ni Bonnie kay Poseidon ang salapang na dating pagmamay-ari si Clyde at sabay sabing "Anak, ikaw na ang bagong tagapagmana ng salapang ng iyong Ama katulong ng iyong mga kapatid, kinakailangan ninyong tugunan ang mga responsibolidad ninyo bilang mga tagapagmana. Katulad ng ginawa namin ng inyong Ama nang kami ay namumuhay pa sa Palasyo.. Mga anak ako ay isang simpleng babae lamang, ang tatay niyo ay isang Prinsipe. Nasaamin ang lahat noon sa Palasyo, ngunit maraming mga mas nakatataas ang hindi sang-ayon sa pagpapakasal namin ng inyong Ama kaya't kami ay itinakwil ng Palasyo. Tinanggalan nila ng kapangyarihan ang inyong Ama kaya't kami ay naghirap... Umalis kami ng Palasyo na mayroon lamang kakaunting kwarta na sapat sa pagpapagawa ng kubong bahay at bitbit namin iyang tatlong mahalagang bagay na nararapat mapasainyo, hindi man tayo makakabalik sa Palasyo, kayo naman ang gagawa ng sarili ninyong Palasyo." Biglang umulan ng napakalakas, at nagsiliwanag ang tatlong munting bagay na hawak ng magkakapatid.
At doon nila napagtanto na sila ay magiging mga Diyos at Diyosa na mayroong kaniya kaniyang responsibilidad.
06/12/2022
Casiano, Marck Justin A.
10 - San Sebastian
Ipinasa kay: G. Norberto Careos Jr.
Ang Misteryo sa Loob ng Pabrika ng Tsokolate
Maikling kwento
Si Juan ay may pagiging usyoso at dahil dyan, tuwing siya ay napapadaan sa pabrika ng tsokolate ay napapaisip siya kung paano ginagawa ang mga iyon, sapagkat walang taong nag tatrabaho sa loob ng pabrika at pawang mga trak lamang ang kaniyang nakikitang labas pasok sa pabrika, kaya pagsapit Ng gabi ay naisip niyang pumasok sa loob upang makita ang loob ng pabrika, naglalakihang mga pintuan ang sumalubong sa kaniya
At doon niya nakita ang mala gubat na lugar kung saan kinukuha ang mga sangkap sa paggawa ng tsokolate at ang mga nagtatrabaho ay mga duwende na masayang gumagawa Ng tsokolate, nagising si Juan at napagtanto na siya ay nananaginip, kung kaya’t palaisipan parin kung ano ang nasa loob ng pabrika.
06/12/2022
Julius Ivan P. Sentillas
10 - San Sebastian
Ipinasa kay: G. Norberto Careos Jr.
( EPIKO )
Ullalim
Ang kwento ay nagsimula sa nakatakdang kasal nina Yasha at Bagsik nangmakapulot ng nganga o ua (na tawag ng taga-Kalinga). Ang magkasintahan aynaanyayahan sa isang pistahan sa Madogyaya. Nang sila ay nasa Madogyaya,naakit ang pansin ni Dulliyaw si Bagsik hanggang si bagsik ay magkagusto sakanya. Sa pagplano na ligawan ni bagsik si Dulliyaw ay naisip nitong painumin ngalak si Ya-u hanggang sa malasing. Habang si Yasha ay natutulog sa ibang bahayay saka niligawan ni Bagsik si Dulliyaw. Pinakain nito ang babae ng nganga atsinabi niya sa babae na sa pamamagitan ng pagtanggap niya ng nganga angibig sabihin ay tinanggap na niya ang pag-ibig na kanyang iniaalay. Bago siyaumalis ay sinabi niya sa babae na siya ay babalik kinabukasan. Naiwan na nag-iisip ang dalaga.
Kinabukasan sa kalagitnaan ng gabi ay dumating si Bagsik sa bahay nina
Dulliyaw. Habang sila’y kumakain ng nganga, sinabi nito sa babae na siya ay
nagpunta roon upang isama nang umuwi ang dalaga sa kanilang bahay. Nagulat si Dulliyaw sa winika ng lalaki. Iyon lamang at nagkagulo na ang mga tao sanayon. Sa pagtakas nila ay nakasalubong sila ng isang lalaki na may dala-dalangpalakol at balak silang patayin. Bago sila maabutan ng lalaki ay nakaakyat na si Bagsik sa isang puno upang tumakas. Samantala wala namang mangahas nasiya ay lusubin kaya naipasiya ni Yasha na tawagin ang mga sundalong Españolng Sakbawan. At noon nga si Guwelas na kumander ng Garison ay umakyat sa kaitaasan ngKalinga na kasama ang mga sundalo. Iniutos niya na dakpin si Bagsik nanakaupo pa rin sa puno. Napag-alaman niya na marami ang tutol sa ginawa niyakaya wala na siyang lakas na lumaban nang siya ay lagyan ng posas. Sa utos parin ni Guwelas siya ay dinakip at nakulong sa Sakbawan. Makalipas ang tatlong taon na pagkakabilanggo, naging payat na siya. Humingisi Dulliyaw ng nganga kay Bagsik. Kinuha ni Bagsik ang huling nganga sa bahay
at ito’y pinagpirapiraso. Bago niya ito maibigay kay Dulliyaw bigla na lamang
itong nawala.Samantala, sa pook na Magobya naliligo si Duranaw. Sa paliligo niya sa ilog aynakapulot siya ng nganga. Kinain niya ito nang walang alinlangan.
Matapos nguyain ang nganga ay bigla na lamang itong nagbuntis hanggang sasiya ay magsilang ng isang malusog na lalaki at pinangalanan niya itong Bannan. Tatlong taon ang lumipas. Si Bannan ay mahilig makipaglaro sa mga Agta, subalit siya’y madalas na tinutukso ng kanyang mga kalaro. Sinasabi na kung siya raw
ang tunay na Banna ang ibig sabihin ay siya ang anak ni Bagsik na nakulong sa sakbawan. Sinumbong niya ito sa kanyang ina ngunit pinabulaanan ito ngkanyang ina. Sa isang iglap, si Banna ay naging malakas at naghangad ng paghihiganti. Isangmahiwagang pangyayari ang nagdala kay Bannan pati ng kanyang mga kasamasa Sakbawan. At doon ay kanyang pinatay si Dulliyaw. Sinabi ng isang kasamani Bannan kay Bagsik na si Bannan ay kanyang anak, iyon lang at sila ay dali-dalingsumakay sa isang bangka at sa isang iglap ay nakarating sila sa pook ng Magobya. Mula noon ay nauso na ang kasalan sa kanilang pook.
06/12/2022
Casiano, Marck Justin A.
10 - San Sebastian
Ipinasa kay: G. Norberto Careos Jr.
Epiko
Sakripisyo Para sa Bayan
(Hango sa totoong buhay)
Noong kasagsagan ng giyera sa Marawi, may natatanging sundalo ang nag lakas loob na harapin ang kamatayan para sa bayan.
Dahil sa lumulubhang sitwasyon sa loob ng Marawi ay nagpasya ang pamahalaan na mag atas ng mga sundalo na magpapahina sa puwersa ng mga kalaban, isa na rito ang grupo ni Private First Class Dhan Ryan Bayot kung saan sila ay inatasan silang mag bantay malapit sa bahay ng opisyal ng pamahalaan laban sa mga militanteng grupo sa barangay Lilod Marawi city, noong unang araw ay dama na ang bagsik at lakas ng mga kalaban, at sa kanilang pagdating sa lugar kung saan sila iniatas ay dito na masusukat ang katapangan at pagmamahal sa bayan, sa ikalawang araw ay dito na nagsimula ang laban kung saan dito na sila inatake ng mga teroristang grupo na Maute, hanggang sa kasamaang palad dito na unti unting humhina ang puwersa nila PFC Bayot, dito na nalagasan ang tropa nila PFC Bayot hanggang sa siya na lamang ang natira sa kanila, nagpadala na ng backup o reinforcement ngunit sa kabila ng lahat ng ito ay nahihirapan makapasok ang reinforcement dahil sa malakas na puwersa ng kalaban.
Dala dala ang mga baril at bala ng kabaro ni PFC Bayot, dito na nag palitan ng putok ang dalawang panig, hanggang sa maubasan na ng bala si PFC Bayot at dito niya naisip ang pinaka mainam na kaniyang magagawa, dahil siya ay napapalibutan na ng mga kalaban dito na siya nag radyo sa kaniyang commanding officer at Ibinigay na niya ang grid coordinates, at kagulat-gulat na hiling ang kaniyang sinabi sa kaniyang commanding officer, “Bombahin na lang niyo ang location ko, Sir!”,
imbis na sumuko sa kalaban ay mas inisip parin ni PFC Bayot ang mas nakabubuti kahit na ang buhay niya ang kapalit, alam na ni PFC bayot na kapag nahuli siya ng kalaban ay pahihirapan muna siya bago siya tuluyang bawian Ng buhay.
“Bombahin na lang niyo ang location ko, Sir!”,
Mga huling salita bago tuluyang ibuwis ni PFC Bayot ang kaniyang buhay para sa Bayan.