24/08/2021
Good day, Team Hydro!
Sa mga di pa po nakakapagpabakuna na kabilang sa A1-A5 category, magkakaroon po ng 2nd batch of 1st dose sa Saint Padre Pio Mission Area* (SPPMA) sa Aug 31 (Tuesday). Pakibasa na lamang po ang original post para sa kumpletong detalye at pre-registration procedure. Let us stay safe & healthy po!
* SPPMA is located along Bagumbong Road, near Mother Ignacia Healing Center, in front of Shakey's Bagumbong.
* * * RESBAKUNA sa PIO * * *
MAHALAGANG PAALALA:
PARA MAKAPAG-BOOK SA MASS VACCINATION ONLINE APPOINTMENT SLOTS PARA SA AGOSTO 31, 2021.
ISANG BESES lamang puwedeng pumili ng inyong appointment para hindi masayang ang ibang slots para sa iba pang magpapabakuna.
Maaari kayong hindi makatanggap ng confirmation kung kayo ay nag-book nang higit sa isa.
Ito ay para sa FIRST DOSE lamang.
Kung nakakuha na ng vaccination pass mula sa barangay ay huwag nang magbook ng online appointment upang hindi masayang ang slots.
Piliin ang nais na oras ng pagpapabakuna. Siguraduhing tama ang lahat ng inyong ilalagay na impormasyon kasama ang valid address at contact number.
Hintayin ang TEXT CONFIRMATION mula sa Saint Padre Pio Mission Area para sa katunayan ng inyong schedule o appointment.
Siguraduhin na active ang inyong mobile number.
Kung matagumpay na nakapagbook, siguraduhin na darating po kayo sa oras ng inyong pagpapabakuna. Kung hindi kayo makarating sa oras na naka-schedule para sa inyo ay hindi na kayo papahintulutang makapasok sa vaccination site.
Pumili lang ng isa sa mga oras na ibig mo sa pamamagitan ng pag-click ng link sa baba:
• 8:30am - 9:30am (100 slots) https://bit.ly/3zksSZ6
• 9:30am - 10:30am (100 slots) https://bit.ly/3j8QieG
• 10:30am - 11:30am (100 slots) https://bit.ly/3AZ1Qak
• 11:30am - 12:30pm (100 slots) https://bit.ly/3mnGTlq
• 12:30pm - 1:30pm(100 slots) https://bit.ly/381Xv9I