22/09/2021
Papalapit na nang papalapit ang pagtatapos ng Voters Registration. 7 DAYS na lang kaya magparehistro na! Narito ang paraan kung papaano:
1. Magbook ng schedule online: https://irehistro.comelec.gov.ph/. Kung ang pinakamalapit na COMELEC office sa inyong lugar ay walang online appointment maaari po kayong magtungo ng diretso at mag walk-in. Siguraduhin lamang na magdala ng sariling ballpen at sumunod sa mga itinalagang safety protocols.
2. Pumunta sa pinakamalapit na COMELEC office sa inyong lugar mula ika-8 ng umaga hanggang ika-5 ng hapon at magdala ng VALID ID.
Listahan ng mga Tinatanggap na ID’s:
• Driver’s license
• IBP ID
• NBI clearance
• Passport
• Postal ID
• PRC ID
• PWD ID
• School ID or library card (for students)
• Senior Citizen ID
• SSS/GSIS ID/UMID
• Certificate of Confirmation from the National Commission on Indigenous Peoples (NCIP)
• Any other valid ID with your photo and signature (except for cedula, police clearance, and barangay clearance/certificate)
NOTE: Mga maaring karagdagang document na kelangan isumete sa pagrerehistro sa COMELEC: original and photocopy of birth certificate (para sa mga aplikante na mag lalabing walong taong gulang bago o mismo sa araw ng eleksyon).
3. Kumuha at magfill up ng application form sa loob ng COMELEC
4. Magpakuha ng inyong BIOMETRICS pagkasumite ng inyong application form.
5. Intayin ang Acknowledgement Receipt bilang katunayan na tagumpay ang inyong pagpaparehistro.
MAGPAREHISTRO AT BUMOTO!
ETO ANG AMBAG MO SA BAYAN MO!
10/09/2021
29/08/2021
21/08/2021
18/08/2021
07/07/2021
22/06/2021
20/06/2021