24/08/2026
๐ฃ๐๐ก๐๐ง๐๐๐๐ก | ๐๐๐ป๐๐ผ๐ป๐ด ๐ต๐ถ๐ป๐ถ๐ป๐ด๐ฎ
ni Larence Kirby Abadies
Labingsiyam na trilyon
at animnapuโt limang bilyon.
Nakakalula.
Nakahihibang.
Paano maibabaybay
ang lumolobong
trilyones na utang ng bansang
sa atin ay nagsilang?
Nakakabaliw kung iisa-isahin
sa utak ang mga numerong
parang pila sa sakayan tuwing
alas singko ng hapon sa haba.
Ngunit saan nailaan
ang limpak-limpak na halaga
kung ang sa atin humahalina
ay sangsang ng panlilinlang?
Pati ang umaapaw na tubig,
at ang natutuyong lupa
dulot nitong bulok na sistemang
bayan natin ay walang puwang.
Isama mo na ang
mga proyekto at pondong
tila multo kung mawala
at maglaho na parang bula.
At mga bagong propagandang
nangangakong bukas
na wariโy buhay na marangya,
iyon palaโy kalikasang sira.
Ngunit maririnig ba sa
kalansing ng trilyones na barya
ang mga tahimik na palahaw
ng mga apiโt dukha?
O iguguhit ba sa hangin
ng mga naglilipanang batas
ang mga pangakong
nanatili na lamang salita?
Nakakaawa itong demokrasya
na paulit-ulit isinasanla
sa kamay ng mga ganid
ang pag-asa ng ating bansa.
Sa mga piniling maglustay,
kumurap, at ikibit sa balikat
ang tawag ng tungkuling
sa kanilaโy iniasa.
Kung pipiliin ng isang Pinoy
na maging bulgar ay tiyak na
trilyong mura din ang aabutin
ng sa atin ay namamahala.
Dahil sa ngayon, nakaupo
ang mga pinunong mabilis pa
sa alas kwatro ang galamay kung
magsilid ng kaban sa kani-kanilang bulsa.
Nakakadiri.
Nakakasuya.
Nakakagalit.
Nakakasawa.
Ngunit heto tayo.
May ngiting โdi abot ang mata.
Natutulala, malalim ang hininga,
nawawalan ng pag-asa.
Pero sanaโy makuha pa rin nating
bumoses at pumrotesta.
Dahil โdi aalis ang mga ganid sa itaas
sa isang simpleng buntong-hininga.
=====
Illustration by Justine Azuela
Layout by Vivienne Kyla Caber