12/07/2026
📢 OPISYAL NA ANUNSYO
Ipinababatid sa lahat na magkakaroon ng regular na klase bukas, Lunes, sa Tabawan Integrated School.
Batid ng paaralan ang mga kamakailang insidente ng biglaang pagkabalisa at panic-like symptoms na naranasan ng ilang mag-aaral. Sa kasalukuyan, walang sapat at beripikadong batayan upang iugnay ang mga insidenteng ito sa espiritu o anumang supernatural na sanhi.
Magsasagawa ang paaralan ng masusing pagsusuri upang matukoy at matugunan ang mga posibleng pinagmulan at salik na nakaambag sa mga insidente, at makapagpatupad ng angkop na interbensyon para sa kaligtasan at kapakanan ng ating mga mag-aaral.
Hinihikayat ang lahat na manatiling kalmado at iwasan ang pagpapakalat ng hindi beripikadong impormasyon na maaaring magdulot ng higit na takot at pagkabalisa.
Maraming salamat sa inyong pang-unawa at pakikiisa.
TABAWAN INTEGRATED SCHOOL
Pamunuan ng Paaralan