27/07/2026
Mass Induction at Acquaintance Party 2026 ng TriNHS, Idinaos
Trinidad NHS โ Sa kabila ng di kaaya-ayang panahon, matagumpay na naidaos ng Mataas na Paaralan ng Trinidad ang Mass Induction at Acquaintance Party ng mga mag-aaral. Isang pagkakataon upang sandaling makalaya sa mga gawain sa paaralan at magsaya. Ito ay pinanguluhan ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG) sa pangunguna ni Ms. Venus Kristine Dumaguit, na ginanap sa Trinidad Multipurpose Covered Court, Hulyo 24, 2026.
Pormal na binuksan ang programa sa pamamagitan ng pag-awit ng Pambansang Awit, na sinundan ng mataimtim na panalangin at pag-awit ng school hymn, na siyang pinangunahan ng mga piling opisyal ng SSLG.
Kasunod nito, nagpahayag ng taos-pusong pasasalamat at mahahalagang paalala sa mga mag-aaral si G. Albino Antivo, SSLG adviser, sa kaniyang pambungad na mensahe.
"Leadership is not measured by titles but by the genuine commitment to inspire and serve others. I encourage each and every one of you to become role models who uphold the values of our school," aniya.
Sinundan ito ng mensahe ni Gng. Cristina Ygrubay, na kumatawan sa Punong-guro ng paaralan na si Gng. Wilma Reyes, na nag-iwan ng mahalagang paalala sa lahat
"This acquaintance party is a chance to break the ice, build friendships, and create memories that will last a lifetime. For you are not just classmates; you are brothers and sisters in one school."
Matapos ang mga mensahe, nagkaroon ng masiglang salu-salo kung saan pinagsaluhan ng mga mag-aaral ang kanilang mga baong pagkain.
Ipinamalas din ng mga piling mag-aaral ang kanilang galing sa pag-awit at pagsasayaw na nagbigay-sigla sa okasyon.
Kasunod nito ang panunumpa sa katungkulan ng mga opisyal ng bawat klase, mga opisyal ng mga akademikong samahan tulad ng English Club, Filipino Club, Math Club, Araling Panlipunan Club, EsP Club, MAPEH Club, STEP/TLE Club, YES-O Club, at PSYSC, gayundin ng mga samahang pang-interes at pangko-kurikular gaya ng Dance Club, Sports Club, Arts Club, TriNHS Chorale, WATCH Club, Barkada Kontra Droga (BKD) Club, DRRM Club, Red Cross Youth (RCY), Boy Scouts of the Philippines (BSP), at Girl Scouts of the Philippines (GSP).
Sumunod naman ang panunumpa sa katungkulan ng mga bagong halal na opisyal ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG), ang pinakamataas na samahan ng mga mag-aaral sa paaralan. Pinangunahan ni Gng. Cristina Ygrubay, OIC (Officer-in-Charge), ang panunumpa bilang sagisag ng kanilang pagtanggap sa pananagutang mamuno at katawanin ang kapakanan ng mga mag-aaral.
Isa sa mga pinakahihintay na bahagi ay ang pagpili sa Star of the Night 2026, kung saan ipinakita ng mga kalahok mula sa ibaโt ibang baitang ang kanilang alindog, ganda, at kumpyansa.
Ang gabi ay nagtapos nang puno ng tuwa at kasiyahan na mananatili habambuhay sa puso't isipan ng bawat isa.
Sulat ni: Jandi Gale Balasi
Kuha ni: Rhanyl Bebiano