07/11/2025
𝐁𝐀𝐋𝐈𝐓𝐀| 𝐌𝐢𝐠𝐚𝐫𝐚 𝐍𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐇𝐢𝐠𝐡 𝐒𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥, 𝐓𝐮𝐦𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐩 𝐧𝐠 𝐒𝐞𝐫𝐯𝐢𝐜𝐞 𝐕𝐞𝐡𝐢𝐜𝐥𝐞 𝐦𝐮𝐥𝐚 𝐬𝐚 “𝐒𝐚𝐤𝐚𝐲 𝐍𝐚” 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦 𝐧𝐠 𝐋𝐆𝐔 𝐂𝐚𝐥𝐛𝐚𝐲𝐨𝐠
Sobrang saya ng mga studyante ng Migara National High School dahil nakatanggap sila ng service vehicle Mula sa "Sakay na Program" ng LGU Calbayog ngayong ika- 7 ng Nobyembre 2025.
Ang naturang programa ay pinangunahan ni ℳ𝒶𝓎ℴ𝓇 ℛ𝒶𝓎𝓂𝓊𝓃𝒹 "ℳℴ𝓃𝓂ℴ𝓃" 𝒞. 𝒰𝓎 kasama sina City Councilor, ℒ𝓎𝒹𝒾𝒶 𝒟ℯ𝓁ℴ𝓈 ℛℯ𝓎ℯ𝓈 Chairperson ng Committee on Education; City Councilor, ℳ𝒶𝓇𝒸 𝒞ℯ𝓁𝒾𝓃ℴ 𝒯𝒶𝓃; 𝒞𝒶𝓇𝓇ℯ𝓃 ℳℯ𝓇𝓎𝓁 𝒜. 𝒞𝒶𝒷𝒶𝒹𝓈𝒶𝓃 Senior EPS – Social Mobilization and Networking Unit, Partnership Focal Person at Punong Barangay, 𝒥ℯ𝓇𝓇𝓎 ℳ. 𝒟ℴ𝒾𝓃ℴℊ.
Sa mensahe ni Mayor Monmon, hinikayat ni niya ang mga estudyante na makiisa sa adhikain ng pamahalaan para sa mas mataas na bilang ng mga kabataang nag-aaral: “Gin-aaghat ko kamo nga mga studyante nga buligi kami niyo. Pag-aghat pa kamo san mga kabataan nga diri na-eskwela nga umeskwela na. Ngan target namon 100% enrollees, karuyag namon 100% an makatapos pag-eskwela.” Ani niya.
Samantala, ipinaabot ni 𝒮𝒟𝒮 𝒟𝓇. ℳ𝒶𝓇ℊ𝒶𝓇𝒾𝓉ℴ 𝒜. 𝒞𝒶𝒹𝒶𝓎ℴ𝓃𝒶 𝒥𝓇 . CESO VI ng SDO Calbayog ang kanyang taos-pusong pasasalamat, at inihalintulad ang pamumuno ni Mayor Monmon sa walang kapalit na pagmamahal ng isang ama:
“An usa nga amay magsisiguro nga an iya anak may maupay nga kabubuwason. Miskan makuri, mamimiling gihapon hin paagi. Mao ini an unconditional love san aton amay san Calbayog nga si Mayor Mon.” Sabi niya.
Ibinida sa nasabing aktibidad ang mga pagpapahalagang Walang Kondisyong Pagmamahal, Oportunidad, at Pag-unlad; mga haliging patuloy na gumagabay sa mga programang pang-edukasyon ng Calbayog.
Nagpahayag din ng pasasalamat si Gng. Nelca L. Cababat, Punong G**o, sa LGU Calbayog, lalo na kay Mayor Monmon, sa suportang makatutulong upang maibsan ang araw-araw na hirap sa pagpasok ng mga mag-aaral at kanilang mga pamilya.
"Ang sasakyang ibinigay ay magsisilbing malaking tulong sa aming mga mag-aaral mula sa mga karatig-barangay na nasasakupan ng Migara NHS, na magtitiyak ng ligtas, maayos, at maaasahang biyahe papunta at pauwi ng paaralan." Pagbabahagi ng isang Studyante.
Sa kabuuan, ang pagbibigay ng service vehicle sa Migara National High School ay hindi lamang simpleng donasyon, kundi isang simbolo ng malasakit at pagkakaisa sa paghubog ng kinabukasan ng kabataan sa Calbayog.
Ulat ni Mark Sheron B. Avila