12/05/2026
Anim na pangalan, anim na pangarap, at anim na tagumpay na ngayon ay nagsisilbing inspirasyon sa buong komunidad ng CKC.
Buong galak at pagmamalaki naming ipinagdiriwang ang tagumpay ng 6 na mag-aaral mula sa Bachelor of Secondary Education major in Filipino na matagumpay na nakapasa sa March 2026 Licensure Examination for Professional Teachers.
Mula sa walang sawang pagbabasa, pagsusuri ng panitikan, pagtalakay sa gramatika, pagbuo ng makabuluhang diskurso, hanggang sa mga gabing puno ng review, pagod, at sakripisyo, ngayon ay bunga na ng inyong pagsisikap ang titulong Licensed Professional Teacher.
Kayo ay hindi lamang mga bagong g**o, kundi mga tagapagtaguyod ng wikang Filipino, kultura, at karunungan. Sa inyong mga kamay nakasalalay ang patuloy na pagpapayabong ng ating wika at ang paghuhubog ng susunod na henerasyon ng mga Pilipinong may pagmamahal sa bayan at edukasyon.
Patunay ang inyong tagumpay na ang dedikasyon, pananampalataya, at tiyaga ay kayang magbukas ng mas malalaking oportunidad at makapaghatid ng tagumpay na tunay na karapat-dapat ipagdiwang.
Sa bawat pagsusulit na inyong hinarap, sa bawat pangambang inyong dinaig, at sa bawat pangarap na inyong pinanghawakan, narito kayo ngayon bilang ganap na mga Licensed Professional Teachers. Tunay na karangalan kayo ng CKC, ITE, at SAMMAF.
Pagbati, bagong LPTs! Nawaโy patuloy ninyong gamitin ang inyong talino, puso, at boses upang magbigay-liwanag, magturo, at magbigay-inspirasyon sa mas marami pang kabataan.