28/09/2024
[๐๐๐๐๐๐]
๐๐๐๐๐ข๐๐ง๐ฌ ๐ซ๐ฎ๐ฆ๐๐ฆ๐ฉ๐ ๐ฌ๐ ๐๐ข๐ฌ๐ฌ ๐๐ง๐ฏ๐ข๐ซ๐จ๐ง๐ฆ๐๐ง๐ญ๐๐ฅ ๐๐ฎ๐๐๐ง ๐๐๐๐; ๐๐ข๐ ๐ฅ๐๐ฒ ๐ง๐๐ฌ๐ฎ๐ง๐ ๐ค๐ข๐ญ ๐๐ง๐ ๐ค๐จ๐ซ๐จ๐ง๐
Matagumpay na nasungkit ni Miss Thirdy Tigley, mag-aaral mula sa ika-11 baitang, ang korona bilang Miss Environmental Queen 2024, na ginanap sa Oquendo National High School covered court kahapon, ika-27 ng Setyembre, taong kasalukuyan, na syang parte ng selebrasyon ng National Science Month 2024 na may temang "Towards a Shared Vision: Exploring the future for a Better Tomorrow."
Ang pagkakaroon ng Miss Environmental Queen ay maaring magsilbing isang boses para sa LGBTQIA+ community, na nagtataguyod ng kanilang karapatan, magbigay pagkakataon na makilala ang kanilang mga sarili, pagtanggap, maunawaan, at pagkakaisa ng iba't ibang sektor ng lipunan.
Ang programa ay sinimulan sa pag-awit ng Lupang Hinirang na sinundan naman ng isang panalangin, sumunod ang pambungad na mensahe ni Gng. Lady Ladrero, koordineytor ng Departamentong Agham.
Sa ikalawang bahagi pinakilala ni Gng. Amabelle Aralar ang mga hurado habang binigay naman ni Gng. Rosalina Palogar ang krayterya sa paghuhusga.
Sumunod naman nito ay nagpakitang gilas ang mga Hadang SIRAC-TAO Dancers sa kanilang ma-enerhiyang sayaw bilang introduksiyon sa pagpapakilala ng mga kalahok na nagmula sa ikapito (7) hanggang sa ikalabindalawang (12) baitang at kung saan ang nagsisilbing tagapagpadaloy ng programa ay si Gng. Edna Cabillan.
Ginanap naman ang rampahan ng kasuotan ng mga kandidata na nagpapakita ng malikahaing disenyo na mula sa mga niresiklong mga materyales, pagkatapos ay sinundan ng pagpapakita ng iba't ibang talento na nagbigay daan sa mga kalahok na maipakita ang kanilang kakayahan sa pagsayaw at pag-arte upang mapaunlad ang kanilang kumpiyansa.
Sa huli, pinarangalan bilang Miss Environmental Queen 2024 at Best in Environmental Costume si Miss Thirdy Tigley ng ika-11 baitang. Nakatanggap naman ng parangal bilang Best in Talent at bilang 2nd runner up ang mag-aaral na nagmula sa ika-10 baitang na si John Jhoper Titoy, at sya ring nakatanggap ng special award na Rham Glamour. Habang kinilala naman bilang Ms. Hamonini at 3rd runner up ang mag-aaral na si Billy Sagadal, mag-aaral ng ika-12 baitang; at ang mag-aaral ng ika-7 baitang na si Raven Kyle Tamota ang nakatanggap ng special award na Miss Avon.
Ulat ni Ethelle Ygrubay