17/11/2025
Ang Balayhangin Elementary School ay buong pusong nakikiisa at sumusuporta sa Drug Abuse Prevention and Control Week 2025 na may temang “Sa Bagong Pilipinas, Kalusugan ay Pinapahalagahan, Droga ay Inaayawan.”
Ipinagdiriwang ito mula November 16–22, 2025, bilang paalala sa kahalagahan ng isang malusog, ligtas, at drug-free na komunidad para sa ating mga mag-aaral.
Sama-sama nating itaguyod ang isang mas maliwanag at mas maayos na kinabukasan para sa bawat batang Pilipino.
"Piliin ang kalusugan, isabuhay ang malasakit, yakapin ang pag-asa, at sabay-sabay nating ayawan ang droga"