07/09/2026
๐๐ซ๐๐ฐ ๐ง๐ ๐๐๐ฌ๐ข๐ฒ๐๐ก๐๐ง ๐๐ญ ๐๐๐ง๐ ๐ค๐๐ญ๐๐ง๐ ๐๐๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐๐ฒ: ๐๐๐ ๐๐ง๐๐ค ๐๐ ๐
๐๐๐๐๐ ๐๐๐ 2026
Ginanap noong Setyembre 4, 2026 ang isang masaya at hindi malilimutang Family Day sa Yaganak Elementary School. Nagtipon-tipon ang mga mag-aaral, magulang at g**o para sa isang araw na puno ng saya, pakikipagkaibigan, at paligsahan.
Nasiyahan ang lahat sa iba't ibang laro at istasyon na inihanda sa buong paaralan, kabilang ang Sack Race, Tug of War, Family Art, Tower of Strength, The Singing Bee, Volleyball para kay Tatay at Nanay, at Mother Goes to Market.
Ipinamalas ng bawat antas ang kanilang galing at sigla sa pangkalahatang paligsahan:
Champion: Blue Team (Grade 6) โ 22 points
1st Runner Up: Yellow Team (Grade 1) โ 21 points
2nd Runner Up: Green Team (Grade 3) โ 20 points
3rd Runner Up: Orange Team (Grade 2 Laurel), Red Team (Grade 4), at Violet Team (Kinder)
4th Place: Pink Team (Grade 5)
5th Place: Gray Team (Grade 2 Osmeรฑa)
Naging isa sa mga pinakatampok na bahagi ng programa ang Grand Star on 45 na nilahukan ng mga mahuhusay na magulang at tagapangalaga na may edad 45 pataas:
Grand Star on 45: Lilibeth L. Paraiso
Bituin ng Karunungan: Amelyn A. Papua
Bituin ng Tapang: Lailyn S. Pasta
Bituin ng Komedya: Rosalia S. Lotino
Bituin ng Pamilya: Marinel M. Juanaya
Bituin ng Sigla: Ginalyn Paraiso
Bituin ng Musika: Rose M. Cabrera
8th Placer: Emelyn Pimentel
Naging matagumpay ang Family Day 2026 dahil sa tulong at suporta ng ating mga sponsors na nagbahagi ng tulong pampinansyal at in-kind. Taos-pusong pasasalamat ang aming ipinaabot kina Maam Vicky & Sir Garry, Alijandro Batito, Edison Folloso, Raffy Overa, Stefanie Limbo, Abel Atajar, Reynalyn Pialo, Aizel Sevilla, Judith Ramilo, Sheila Andes, Jessa Tarrega, Christian & Erma Ogaรฑa, Em Villabroza,Maโam Neneth, at sa Sangguniang Barangay ng Yaganak. Ang inyong patuloy na suporta sa ating paaralan ay tunay na pinahahalagahan ng buong komunidad.
Sa pagtatapos ng araw na puno ng tawanan, masayang kompetisyon, at magagandang alaala, muling napatunayan ang matatag na pagkakaisa sa Yaganak Elementary School. Ang mga ganitong pagtitipon ay nagpapaalala sa atin na kapag ang mga pamilya, g**o, at tagasuporta ay nagkakaisa, mas nagiging maunlad at masaya ang ating komunidad. Maraming salamat sa lahat ng nakiisa, naglaro, sumuporta, at tumulong upang maging matagumpay ang Family Day 2026.