19/09/2025
"Sama-sama nating itaguyod ang isang ligtas at malusog na kapaligiran para sa lahat. 💙✊ Ang pagdidikit ng mga signages na ito laban sa droga, paninigarilyo at va**ng ay isang simpleng hakbang ngunit may malaking epekto para sa ating paaralan at komunidad. Sa pamamagitan ng mga paalala at babalang ito, naipapakita natin ang ating malasakit sa isa’t isa—lalo na sa ating mga kaklase at kaibigan—upang mailayo sila sa bisyo at mapanatiling tama ang kanilang landas. Ang tunay na barkadahan ay iyong nagtutulungan, nagtutuwid, at nag-aakay patungo sa mas maliwanag na kinabukasan." 🌱📢