21/08/2021
Magandang araw DOMINIANS! Kaugnay ng pagdiriwang natin ng Buwan ng Wikang Pambansa na may temang “Filipino at mga Wikang Katutubo sa Dekolonisasyon ng Pag-iisip ng mga Pilipino” ay magkakaroon tayo ng mga sumusunod na PATIMPALAK!
🇵🇭Pagsulat ng Tula na may kinalaman sa Wikang Katutubo
🇵🇭Paggawa ng maikling VLOG na tumatalakay sa kahalagahan ng mga katutubong wika sa pagbubuo ng pambansang panitikan
🇵🇭Muling pagsasalaysay ng Kuwentong-bayan
Ang mga ito ay huhusgahan/iiskoran batay sa mga sumusunod na pamantayan:
✅PAGSULAT NG TULA
Daloy ng kaisipan 40%
Balarila/Katutubong Wika 30%
Orihinalidad 20%
Kabuuang Dating 10%
✅PAGGAWA NG VLOG
Nilalaman/Kaangkupan sa Paksa 40%
Organisasyon 30%
Orihinalidad 20%
Pagkamalikhain 10%
✅PAGSASALAYSAY NG KUWENTONG-BAYAN
Paglalahad ng paksa 40%
Nilalaman 30%
Daloy/Transisyon 20%
Konklusyon 10%
Ang nasabing timpalak ay Bukas para sa lahat ng Baitang. Maaaring ipasa ang inyong likha hanggang Ika-29 ng Agosto, 2021.
Para sa karagdagang impormasyon at detalye ay maaaring makipag ugnayan sa mga sumusunod na g**o sa asignaturang Filipino:
Imelda B. Anda
Erwin Arnado
Francia B. Barayoga
Mary Grace C. Pucio
Rose Ann O. Tardecilla
Kim Joel M. Sabaria
Remus Z. Villaverde
at sa Gurong Tagapag-ugnay sa Filipino, Analyn M. De Torres
Kaya ano pang hinihintay natin mga Dominians? Halina’t makilahok at itaguyod ang Wikang Filipino!