21/02/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐ | ๐๐
๐๐๐๐ ๐๐๐๐
Matagumpay na isinagawa ang ๐ค๐๐ฆ๐๐๐ (Qualifying Final โ Supreme Elementary Learner Government) noong Pebrero 21, 2026. Ang nasabing gawain ay nilahukan ng ibaโt ibang kinatawan mula sa ibaโt ibang distrito, kabilang na rito si ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐
๐ผ๐ฟ๐ ๐ฝ. ๐๐๐๐
๐๐ฟ๐๐, ang SELG President ng Calauag West District.
Sa nasabing aktibidad, buong husay at tapang na ibinahagi ni Sunshine Jade B. Merjudio ang kaniyang kakayahan, kaalaman, at dedikasyon sa pamumuno. Ipinakita niya ang malinaw na pananaw, kumpiyansa sa sarili, at malasakit sa kapwa mag-aaralโmga katangiang nagpapatunay na kayang-kaya ng isang kabataan ang mamuno at magsilbing inspirasyon sa iba.
Bagamaโt hindi siya pinalad na magwagi sa nasabing eleksyon, hindi matatawaran ang kaniyang ipinakitang galing, determinasyon, at lakas ng loob. Ang kaniyang paglahok ay patunay ng kanyang tunay na diwa ng paglilingkod at kahandaan na humarap sa mas mataas na hamon.
Lubos naming binabati si SUNSHINE JADE B. MERJUDIO sa kaniyang kahanga-hangang pagganap. Ang kanyang dedikasyon at ipinakitang husay sa QFSELG ay isang tagumpay na maituturing, hindi lamang para sa kanya, kundi pati na rin sa Calauag West District at sa mga kabataang patuloy na nangangarap at nagsisilbi.