DepEd Lainglaingan Elementary School

Call Directions Contact the school

DepEd Lainglaingan Elementary School Lainglaingan Elementary School is a small monograde school in the upper Calauag with 6 teaching personnel.

πŸ₯— Sama-samang Kalusugan, Sama-samang Kasiyahan! πŸ‰Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon, masayang nagsalo-sa...
17/07/2026

πŸ₯— Sama-samang Kalusugan, Sama-samang Kasiyahan! πŸ‰

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon, masayang nagsalo-salo sa isang boodle fight ang mga mag-aaral ng Lainglaingan Elementary School. Pinagsaluhan nila ang masustansyang tanghalian na binubuo ng iba't ibang gulay, seafoods, at sariwang prutasβ€”patunay na ang wastong nutrisyon ay mas masarap kapag pinagsasaluhan.

Nawa'y magsilbi itong inspirasyon sa bawat bata na piliin ang masustansyang pagkain tungo sa malusog na pangangatawan at mas maliwanag na kinabukasan.

Tulong sa Edukasyon: Kaagapay ng mga Kabataang Mag-aaral ng Calauag πŸ“šπŸŽ’Noong Hulyo 2, 2026, matagumpay na naisagawa ang p...
02/07/2026

Tulong sa Edukasyon: Kaagapay ng mga Kabataang Mag-aaral ng Calauag πŸ“šπŸŽ’

Noong Hulyo 2, 2026, matagumpay na naisagawa ang pamimigay ng school supplies sa ilalim ng Proyektong Tulong sa Edukasyon ng LGU Calauag sa pamumuno ni Mayor Rosalina O. Visorde, na kinatawanan ni Sir Emmanuel B. Landicho, PESO Manager.

Sa kabila ng malakas na ulan, ipinakita ng mga bisita ang kanilang malasakit at dedikasyon upang maihatid ang mga kagamitang pampaaralan sa ating mga mag-aaral. Tunay na walang pagsubok na makapipigil sa hangaring makapagbigay ng suporta sa edukasyon.

Taos-pusong nagpapasalamat ang buong pamayanan ng paaralanβ€”mga mag-aaral, g**o, at mga magulangβ€”sa biyayang ito. Malaking tulong ang mga school supplies na ito upang mas maging handa ang ating mga mag-aaral sa kanilang paglalakbay tungo sa kaalaman at tagumpay.

Muli po, maraming salamat po! ❀️

πŸ“’π‘¨π‘΅π‘΅π‘Άπ‘Όπ‘΅π‘ͺ𝑬𝑴𝑬𝑡𝑻 πŸ“’π”ππƒπ€π“π„πƒ π‹π€πˆππ†π‹π€πˆππ†π€π π„π‹π„πŒπ„ππ“π€π‘π˜ π’π‚π‡πŽπŽπ‹ π‚πˆπ“πˆπ™π„π'𝐒 𝐂𝐇𝐀𝐑𝐓𝐄𝐑 πŸπŸŽπŸπŸ” In compliance with Division Memorandum No. ...
04/06/2026

πŸ“’π‘¨π‘΅π‘΅π‘Άπ‘Όπ‘΅π‘ͺ𝑬𝑴𝑬𝑡𝑻 πŸ“’

𝐔𝐏𝐃𝐀𝐓𝐄𝐃 π‹π€πˆππ†π‹π€πˆππ†π€π π„π‹π„πŒπ„ππ“π€π‘π˜ π’π‚π‡πŽπŽπ‹ π‚πˆπ“πˆπ™π„π'𝐒 𝐂𝐇𝐀𝐑𝐓𝐄𝐑 πŸπŸŽπŸπŸ”

In compliance with Division Memorandum No. 0464, s. 2026, which serves as an addendum to Division Memorandum No. 0450, s. 2026 on the updating of Schools' Citizen's Charter, Lainglaingan Elementary School has successfully revised and updated its Citizen's Charter 2026

This updated Citizen's Charter underscores our commitment to delivering quality, efficient, transparent, and client-centered public service in accordance with the standards and principles of the Department of Education.

We encourage all stakeholdersβ€”including parents, learners, teachers, and community partnersβ€”to review and familiarize themselves with the updated Citizen's Charter to gain a better understanding of the school's services, procedures, and service commitments.

Let us work hand in hand in promoting efficient, transparent, and learner-centered services for the benefit of our school community.

'sCharter2026

𝐀𝐑𝐀𝐖 𝐍𝐆 ππ€π†π“π€π“π€ππŽπ’ πŸπŸŽπŸπŸ” πŸŽ“βœ¨πŸŽ‰Isang makasaysayan at matagumpay na Araw ng Pagtatapos ang idinaos noong ika-29 ng Marso 2026...
02/04/2026

𝐀𝐑𝐀𝐖 𝐍𝐆 ππ€π†π“π€π“π€ππŽπ’ πŸπŸŽπŸπŸ” πŸŽ“βœ¨πŸŽ‰

Isang makasaysayan at matagumpay na Araw ng Pagtatapos ang idinaos noong ika-29 ng Marso 2026 sa Lainglaingan Elementary School bilang pagkilala sa sipag, tiyaga, at tagumpay ng mga nagsipagtapos para sa taong panuruan 2025–2026.

Pinangunahan ng panauhing tagapagsalita na si Gng. Marianne J. Maglalang ang pagbibigay ng inspirasyon sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng kanyang makabuluhang mensahe tungkol sa kahalagahan ng pangarap, disiplina, at pagpupursigi sa pag-abot ng mithiin.

Isang yugto ang nagsara, ngunit panibagong paglalakbay ang naghihintay. Patuloy nawa ninyong dalhin ang mga aral na natutunan bilang gabay tungo sa mas maliwanag na kinabukasan.

Muli, taos-pusong pagbati sa ating mga nagsipagtapos!

π—¦π—˜π—₯π—˜π— π—’π—‘π—¬π—” π—‘π—š π—£π—”π—šπ—Ÿπ—œπ—Ÿπ—œπ—£π—”π—§-𝗔𝗑𝗧𝗔𝗦 πŸŽ“πŸŽ–οΈIsinagawa noong Marso 29, 2026 ang Seremonya ng Paglilipat-Antas ng Kindergarten ng Lai...
02/04/2026

π—¦π—˜π—₯π—˜π— π—’π—‘π—¬π—” π—‘π—š π—£π—”π—šπ—Ÿπ—œπ—Ÿπ—œπ—£π—”π—§-𝗔𝗑𝗧𝗔𝗦 πŸŽ“πŸŽ–οΈ

Isinagawa noong Marso 29, 2026 ang Seremonya ng Paglilipat-Antas ng Kindergarten ng Lainglaingan Elementary School na puno ng kagalakan at pagmamalaki. Sa araw na ito, matagumpay na ipinagdiwang ang pagtatapos ng unang yugto ng pagkatuto ng mga batang mag-aaral, bilang paghahanda sa susunod na antas ng kanilang edukasyon.

Nagbigay inspirasyon sa lahat ang panauhing tagapagsalita na si Gng. Crizza Rose F. Folloso sa pamamagitan ng kanyang makabuluhang mensahe na nagbigay-diin sa kahalagahan ng patuloy na pagsusumikap at suporta ng pamilya sa paghubog ng kinabukasan ng mga bata.

Bilang pagkilala sa mahalagang papel ng mga magulang, ginawaran din ng parangal ang mga magulang na walang sawang gumagabay at sumusuporta sa pag-aaral at pag-unlad ng kanilang mga anak.

Isang makabuluhang araw na nag-iwan ng inspirasyon at pag-asa para sa mas maliwanag na bukas ng bawat batang mag-aaral.


𝗔π—₯𝗔π—ͺ π—‘π—š π—£π—”π—šπ—žπ—œπ—Ÿπ—”π—Ÿπ—” πŸ₯‡πŸ† (Part 2)
02/04/2026

𝗔π—₯𝗔π—ͺ π—‘π—š π—£π—”π—šπ—žπ—œπ—Ÿπ—”π—Ÿπ—” πŸ₯‡πŸ† (Part 2)

𝗔π—₯𝗔π—ͺ π—‘π—š π—£π—”π—šπ—žπ—œπ—Ÿπ—”π—Ÿπ—” πŸ₯‡πŸ† (Part 1)Matagumpay na idinaos ng Lainglaingan Elementary School ang kanilang Araw ng Pagkilala noon...
01/04/2026

𝗔π—₯𝗔π—ͺ π—‘π—š π—£π—”π—šπ—žπ—œπ—Ÿπ—”π—Ÿπ—” πŸ₯‡πŸ† (Part 1)

Matagumpay na idinaos ng Lainglaingan Elementary School ang kanilang Araw ng Pagkilala noong ika-29 ng Marso 2026, bilang pagpaparangal sa natatanging pagsisikap, dedikasyon, at tagumpay ng mga mag-aaral sa iba’t ibang larangan ng akademikong kahusayan.

Hindi nagkait ng kanyang oras bilang panauhing tagapagsalita si Gng. Liberty N. Utalla, na nagbigay ng isang makabuluhan at nagbibigay-inspirasyong mensahe. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng sipag, disiplina, at patuloy na pagsusumikap bilang susi sa pagkamit ng mga pangarap.

Ang nasabing programa ay hindi lamang naging pagdiriwang ng tagumpay ng mga mag-aaral, kundi pati na rin ng walang sawang suporta ng mga g**o at magulang na naging katuwang sa kanilang paghubog.

Pinarangalan din ang mga magulang/tagapangalaga na laging nakasuporta sa mga gawain sa paaralan lalo't higit sa pag-aaral ng kanilang mga anak.

Muli, taos-pusong pagbati sa lahat ng mga nagsipagtapos at pinarangalan. Nawa’y magsilbi itong inspirasyon upang ipagpatuloy ang paglalakbay tungo sa mas mataas na antas ng tagumpay.

πŸ“£ ANNOUNCEMENT πŸ“£Division Numbered Memorandum DM 1282, S. 2026 ANNOUNCING THE SCHEDULE OF RECRUITMENT AND SELECTION OF AP...
05/01/2026

πŸ“£ ANNOUNCEMENT πŸ“£

Division Numbered Memorandum
DM 1282, S. 2026

ANNOUNCING THE SCHEDULE OF RECRUITMENT AND SELECTION OF APPLICANTS FOR KINDERGARTEN, ELEMENTARY, JUNIOR HIGH SCHOOL AND SENIOR HIGH SCHOOL TEACHING POSITIONS FOR SY 2025-2026

πŸ“£ Deadline of Submission of Application Documents on January 23, 2025 πŸ“£

RAFFLE PRIZES πŸŽπŸ’Maraming salamat po sa mga taong may ginintuang puso para sa mga magulang ng paaralan na sinaJonnel M. Q...
24/12/2025

RAFFLE PRIZES πŸŽπŸ’

Maraming salamat po sa mga taong may ginintuang puso para sa mga magulang ng paaralan na sina

Jonnel M. Quario
Ms. Amor A. Anda
Mr. & Mrs. Mario Inofre
Mr. & Mrs. Rosalio Gaza
Mr. & Mrs. Carlos Rabang
Mr. & Mrs. Resval Bacayan
Mr. & Mrs. Kevin Barcelona
Mr. & Mrs. July Urbano
Mr. & Mrs. Joselito Folloso
Mrs. Analiza Geneblazo
Ms. Florie Grace Contreras

Dra. Katherine P. Ruby

Kons. Razel Barrera

Vice Mayor Lea Dela Cruz
Kons. Kiko Loria
Kons. Melvin Labasan
Kons. Marina Umali
Kons. Marlon Noscal

Lalo't higit sa Teaching at Non-teaching Personnel ng Lainglaingan ES

Mrs. Leona Jean E. Blanca
Mr. Kient Vincent P. Espinosa
Mrs. Crizza Rose F. Folloso
Mrs. Fatima C. Inofre
Mr. Daniel M. Leonor
Ms. Cathleen F. Mendaro
Mrs. Flerry Joyce L. Quario
Ms. Shaina Vae M. Seguerra

Nawa po ay patuloy at mas pagpalain pa po kayo ng Poong Maykapal πŸ˜‡

SPTA Christmas Party | Search for Mrs. SPTA 2025 πŸ‘‘Matagumpay na idinaos ang SPTA Christmas Party 2025 sa pamamagitan ng ...
22/12/2025

SPTA Christmas Party | Search for Mrs. SPTA 2025 πŸ‘‘

Matagumpay na idinaos ang SPTA Christmas Party 2025 sa pamamagitan ng programang Search for Mrs. SPTA 2025 noong Disyembre 16, isang makabuluhang aktibidad na naglalayong ipakita ang matibay na pagkakaisa at aktibong pakikipagtulungan ng mga magulang at ng paaralan.

Ang gabi ay naging daan upang maipamalas ang suporta, talento, at dedikasyon ng mga magulang, katuwang ang mga g**o sa pagtataguyod ng isang masigla at nagkakaisang komunidad ng paaralan.

Higit sa lahat, ito ay isang gabi ng kasiyahan at pasasalamat para sa lahat ng aktibidad na sama-samang kinalahukan ng mga magulang at mga g**o sa buong taon. πŸŽ„βœ¨

Address

Calauag
4318

Telephone

+639959846285

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Lainglaingan Elementary School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to DepEd Lainglaingan Elementary School:

Shortcuts

Share

Category