15/06/2026
๐๐ก๐ง๐-๐๐จ๐๐๐ฌ๐๐ก๐ ๐๐๐๐๐ข๐๐จ๐ ๐๐ก๐ ๐๐๐ฉ๐ข๐๐๐๐ฌ ๐๐๐ ๐ฃ๐๐๐๐ก | June 15, 2026
Bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng isang ligtas, mapayapa, at child-friendly na kapaligiran sa paaralan, nagsagawa ng iba't ibang information and advocacy activities ang mga personnel ng Calatagan Municipal Police Station (MPS) para sa mga mag-aaral ng Calatagan 2.0 National High School sa Brgy. Sambungan, Calatagan, Batangas.
Sa pangunguna ni PMSg Lodjie Coz, isinagawa ang Anti-Bullying Dialogue upang mapalawak ang kamalayan ng mga mag-aaral tungkol sa masamang epekto ng bullying, ang kahalagahan ng paggalang sa kapwa, at ang kanilang responsibilidad sa pagpapanatili ng isang ligtas at positibong kapaligiran sa paaralan.
Samantala, si Pat. Mary Ann Cabingan ay nagsagawa ng information dissemination ukol sa Red Flag Indicators of Child Labor upang higit na mapalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa kanilang mga karapatan at kapakanan.
Nagkaroon din ng pamamahagi ng leaflets sa pangunguna ni PCpl Tricia Quiรฑonez tungkol sa RA 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 at RA 11313 o Safe Spaces Act (Anti-Bawal Bastos Law) upang mapaigting ang kamalayan ng mga mag-aaral sa mga batas na nagtataguyod ng kanilang kaligtasan at proteksyon.
Lubos ang pasasalamat ng Calatagan 2.0 National High School sa Calatagan MPS sa kanilang patuloy na suporta at pakikipagtulungan sa paghubog ng mga mag-aaral na may disiplina, respeto, at malasakit sa kapwa.