03/10/2025
Behind every shining Topaz is a teacher who never stops believing in us. 💛 Happy Teachers’ Day, Ma’am Angelica!
Ma’am, hindi namin alam kung paano namin maisusulat ang bigat ng pasasalamat namin sa’yo. Sa bawat araw na pumapasok kami, dala-dala mo ang pagod, sakripisyo, at minsan pati sakit ng ulo—pero hindi mo kami iniwan. Kahit minsan pasaway, kahit minsan hindi kami nakikinig, lagi ka pa ring nariyan, handang umunawa.
Ma’am, ikaw ang tunay na dahilan kung bakit ang 12 Topaz ay patuloy na kumikislap. 💎 Hindi lang kaalaman ang itinuro mo sa amin, kundi pati kung paano bumangon kapag nadadapa, kung paano lumaban kahit mahirap, at kung paano maniwala sa sarili kahit madalas nagdududa kami.
Balbaleg ya salamat, Ma’am. Salamat dahil pinili mong magtiis at magturo sa amin. Salamat dahil hindi mo lang kami tinuruan kung paano sumagot sa exam, kundi kung paano sumagot sa hamon ng buhay.
Kung may medalya para sa pinakamalakas at pinakamatibay na puso, ikaw na iyon, Ma’am. Dahil kahit mahirap, kahit nakakapagod, patuloy mong pinipiling magmahal at magturo ng kabataan.
Ngayong Teachers’ Day, gusto naming iparamdam sa’yo na higit sa kahit anong award, ikaw ang pinakamahalagang kayamanan ng aming klase. 💛
Mahal ka namin nang higit pa sa kaya naming sabihin. Happy Teachers’ Day, Ma’am Angelica! 🌸
Mula sa iyong mga anak sa klase,
12 - Shine Bright, Topaz ✨
Penned by: Cindy Claire Capicio
Publication Materials: Ronia Elisha Gapuz