08/03/2020
OMEGLE
Dahil sa sobrang pagka-curious ko sa Omegle ay sinubukan ko itong gamitin.
''You both like Looking for jowa.'' Basa ko sa nakalagay sa screen ng aking telepono.
Stranger: Hi
Me: Hello
Stranger: Looking for jowa huh?
Me: Oo eh, btw lalaki ka ba?
Stranger: Oo, ikaw?
Me: Ayon sakto, babae ako.
Mukhang sinuswerte ako rito sa site na ito ha.
Stranger: P'wede ka bang ligawan?
Me: Ilang taon ka na ba?
Stranger: 18,ikaw?
Me: I'm 17 hehe.
Stranger: Ayon p'wedeng-p'wede talaga.
Me: Tagasaan ka nga pala?
Stranger: Taga-Qc lang hehe.
Me: Same.
Lumalim ang aming usapan. Hindi namin namalayan na mag-aalas-otso na pala ng gabi.
Me: Teka lang ha, maghuhugas lang ako ng plato.
Stranger: O sige, magsasaing na rin ako. Baka malagot pa ako kay Mama.
Me: Wow sipag ha. Ano 'yan practice para p'wede ng mag-asawa?
Stranger: Practice 'to para hindi ka na mahirapan kapag ikaw na ang asawa ko.
Me: Luh?!!
Stranger: Ayieee kinikilig s'ya. Oh s'ya saing muna ako ha? 'wag mo i-end, saglit lang ito. I love youuu
Me: Ok Sige, ako rin maghuhugas na muna ng pinggan.
Agad akong tumayo at nanalamin muna. Dahan-dahan kong inikot ang bukasan ng aking pintuan.
''Oh kuya, saan ang punta mo?'' tanong ko kay kuya matapos kong makita ito na palabas sa kan'yang kwarto.
''Magsasaing ako bunso, ikaw?''
''Maghuhugas ng pingga....''
Nagkatitigan kaming dalawa na tila ba alam ang tumatakbo sa isipan ng bawat isa. Agad akong tumakbo sa aking kwarto at chinat ang kausap ko kanina sa omegle.
Me: K-Kuya?!?
Stranger: Put*ng*na bunso!
Me: Kadiri ka kuya, p*tang*namo!
Pagkareply ko ay nilock ko agad ang pinto ko. Bahala si Mama na pagalitan kaming dalawa, basta hindi ko lang makita ang mukha ng kuya ko. POTANGINA NAKAKADIRI!