20/12/2025
Isang makabuluhang Gratitude Day ang ating ipinagdiwang kahapon bilang pagkilala sa buhay at dedikasyon ng ating minamahal na Directress, Sr. Grelyn G. Cruzat, FMA.
Sa pamamagitan ng isang Lakbay Pananampalataya, ating binalikan ang mga biyaya ng Panginoon at ang inspirasyong hatid ni Sr. Grelyn sa ating komunidad. Ang araw na ito ay hindi lamang pagdiriwang ng kaniyang kaarawan, kundi isang malaking "Salamat" sa kaniyang pusong Salesiano na walang sawang nag-aaruga sa mga kabataan.
Sr. Grelyn, ang iyong buhay ay isang buhay na patotoo ng pag-ibig ng Diyos. Maraming salamat sa iyong "OO" sa misyon!
Maligayang Kaarawan, Sr. Grelyn! Maraming salamat sa iyong puso na laging handang maglingkod at magmahal sa kabataan. Tunay kang biyaya sa aming lahat!
14/11/2025
Huling Sulyap sa Pasimula! π Sa ating pagtatapos ng pagbabalik-tanaw, tumitigil tayo sa mga larawang ito ng Unang Taon ng Misyon ng FMA sa Mindoro.
β30 taon na ang nakalipas, hindi pa man buo ang istruktura, subalit punung-puno na ng pananampalataya at pag-asa ang bawat hakbang. Ito ang pundasyon. Ito ang simula ng pag-ibig na nagbunga ng tatlong dekada ng paglilingkod.
βMindoro, handa na kami para sa ika-30! Magsasama-sama nating ipagdiwang ang bawat binhi na naitanim.
β
13/11/2025
Huling Dalawang Araw! Sa pagtatapos ng ating 29th Day ng pagbabaliktanaw, lalo tayong nasasabik! Mula noon hanggang ngayon, ang misyon at pagmamahal ng FMA ay patuloy na nag-iilaw sa Mindoro. Tatlong dekadang puno ng biyaya. Maghanda na para sa ika-30 Anibersaryo! π
12/11/2025
"Kaisa sa Misyon: Walang Iwanan sa 30 Taon!"
Sa ika-28 araw, binabalik-tanaw natin ang paglalakbay na hindi lamang para sa mga Madreng Salesyana, kundi para sa buong Pamilya ng FMA sa Mindoro!
Isang malaking pasasalamat sa lahat ng mga layko, boluntaryo, pamilya, at mga benefactors na naging sandigan at katuwang sa pagpapalaganap ng charism ni Don Bosco. Kayo ang aming extension, ang aming lakas! Walang FMA presence kung wala kayo.
Kayo ang unang nagtiwala, nag-aruga, at sumuporta sa misyon. Ang tagumpay ng 30 taon ay tagumpay nating lahat!
π Pagpupugay kay Sr. Tess! π
Lubos na pasasalamat at pagpupugay sa tapang at pagmamahal ni Sr. Eustacia Mendoza, FMA, ang ating unang bokasyon mula sa Victoria, Oriental Mindoro. Siya ang buhay na patunay ng bunga ng pagmimisyon, isang sulo na nagbigay liwanag at inspirasyon sa maraming kabataan at pamilya. Salamat, Sr. Tes, sa pagiging regalo sa Mindoro! Nawa'y maging inspirasyon ka pa ng marami pang 'Yes' sa pagtawag ng Panginoon.Pagpalain ka pa, Sr. Tes!π
11/11/2025
Ika-27 Araw ng Aming Paglalakbay: Ang bawat araw ng pagbabalik-tanaw ay nagpapaalala sa amin ng higit sa dalawang dekada at ilang araw na lang ay tatlong dekada na ng wagas na paglilingkod at pananampalataya sa Mindoro. Isang malaking pasasalamat sa mga biyayang aming natanggap habang patuloy kaming naghahanda para sa aming ika-30 Anibersaryo! π
10/11/2025
26 Days of Memories... at patuloy tayong gumagawa ng kasaysayan! π Habang nagbabalik-tanaw sa tatlong dekadang nakalipas, lalo tayong lumalakas para sa darating na 30th Anniversary. Tuloy-tuloy ang paglalakbay ng pananampalataya at paglilingkod ng FMA sa Mindoro!
09/11/2025
Ika-25 Araw ng Pagbabalik-tanaw: taong 2000- Pag-usbong ng Pag-asa sa Lupain ng Mindoro.
Sapagkat ang aming misyon ay nagsimula sa isang pangarap, lumago sa pananampalataya, at patuloy na umuusbong sa pagmamahal.
Ngayong Araw ng Pagbabalik-tanaw, inaalala natin ang bawat hamon at tagumpay sa loob ng 25 taon ng FMA presence sa Mindoro. Ito ang ating "journey of grace" patungo sa mas makabuluhang ika-30 anibersaryo. Nawa'y maging inspirasyon ang nakaraan upang lalo tayong maging ilaw sa kinabukasan!
Patuloy tayong maglakbay ng may Pag-asa!