07/06/2026
📚🏫 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗦 𝗘𝗟𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧𝗔𝗥𝗬 𝗦𝗖𝗛𝗢𝗢𝗟: 𝗥𝗘𝗔𝗗𝗬 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗢𝗣𝗘𝗡𝗜𝗡𝗚 𝗢𝗙 𝗖𝗟𝗔𝗦𝗦𝗘𝗦! 🏫📚
Matapos ang matagumpay na pagsasagawa ng Brigada Eskwela 2026, buong pagmamalaking ipinapahayag ng Patas Elementary School na handa na ang ating paaralan para sa pagbubukas ng panibagong taong panuruan!
Malinis, maayos, at kaaya-aya na ang ating mga silid-aralan at kapaligiran ng paaralan upang masig**o ang isang ligtas at masayang pagkatuto para sa ating mga mag-aaral. Ang paghahandang ito ay bunga ng sama-samang pagsisikap, pagtutulungan, at suporta ng ating mga g**o, magulang, volunteers, at stakeholders.
Kami ay nasasabik na muling salubungin ang ating mga mag-aaral at sama-samang harapin ang panibagong yugto ng pagkatuto, paglinang ng kakayahan, at pag-abot ng mga pangarap.
Kita-kits, mga bata! Tara na at sama-samang mag-aral, matuto, at magtagumpay! ❤️✨
07/06/2026
✨BRIGADA ESKWELA 2026✨
June 1-5, 2026
Ang buong pamunuan at mga g**o ng Patas Elementary School, sa pangunguna ni Sir Jameston D. Maranan, ay taos-pusong nagpapasalamat sa lahat ng mga magulang, volunteers, stakeholders, at iba pang mga katuwang sa komunidad na nakiisa at tumulong sa matagumpay na pagsasagawa ng Brigada Eskwela 2026.
Maraming salamat din sa mga nagkaloob ng iba't ibang donasyon na malaking ambag sa paghahanda ng ating paaralan para sa pagbubukas ng klase.
Dahil sa inyong walang sawang suporta, pagtutulungan, at malasakit, mas napaganda, nalinis, at naging handa ang ating paaralan para sa ligtas at maayos na pagkatuto ng ating mga mag-aaral.
Ang inyong kabutihang-loob ay patunay na buhay na buhay pa rin ang diwa ng bayanihan sa ating komunidad. Nawa’y patuloy nating mapanatili ang pagkakaisa para sa ikauunlad ng edukasyon at kinabukasan ng ating mga kabataan.
Muli, maraming salamat po sa inyong lahat! 😇🥰
31/05/2026
📣𝑨𝑵𝑵𝑶𝑼𝑵𝑪𝑬𝑴𝑬𝑵𝑻: Enrollment 𝒇𝒐𝒓 𝑺𝒀 2026-2027📣
June 1-5, 2026
Maaari pong magtungo sa ating paaralan ang mga magulang o guardian mula ika-8 ng umaga hanggang ika-4 ng hapon upang magpalista:
📌Kindergarten: Mga batang limang (5) taong gulang sa o bago mag-Oktubre 31, 2026 (DepEd Order No. 47, s. 2016/DepEd Order No. 20, s. 2018)
📌Grade 1: Mga batang nakapagtapos ng Kindergarten sa S.Y. 2025-2026
📌Transferees: Mga batang mula Grade 2-Grade 6 na nagnanais lumipat.
MGA DOKUMENTONG KAILANGANG ISUMITE:
✨Kindergarten✨
📌Photocopy ng PSA Birth Certificate
📌No PSA Birth Certificate: Magpasa ng photocopy ng alinman sa sumusunod *NSO Birth Certificate/Local Live Birth/Barangay Certification/Late Registration Form
📌Accomplished Basic Enrollment Form
✨Grade 1✨
📌Batang Kindergarten completer.
📌Original Kinder Report Card
📌Photocopy ng PSA Birth Certificate
📌No PSA Birth Certificate: Magpasa ng photocopy ng alinman sa sumusunod *NSO Birth Certificate/Local Live Birth/Barangay Certification/Late Registration Form
📌Accomplished Basic Enrollment Form
✨Transferees (Grade 2 to Grade 6)✨
📌Basic Education Form (Ito'y maaaring makuha sa paaralan kung saan magpapalista)
📌Original Report Card (SF9) na may pirma ng Adviser at Principal
📌Photocopy ng PSA Birth Certificate
📌Accomplished Basic Enrollment Form
Kung may katanungan at nais na linawin, maaaring bisitahin ang page ng paaralan o makipag-ugnayan sa mga sumusunod:
📌Kindergarten/SNED: Arcilia B. Napa
📌Grade 1: Kristina Cazandra V. Magadia
📌Grade 2: Kaye Ezrah T. Sobremonte
📌Grade 3: Kristel Angeli C. Cabuhal
📌Grade 4: Eden Joyce A. Bautista
📌Grade 5: Jenny Rose M. Baliton
📌Grade 6: Cherie Lyn J. Pangilinan
📌Transferees at Balik-aral: Johanna Pauline L. Ramos
📌ALS: Elaine Jenica L. Montoya
📣Mahalagang Paalala📣
📌Dalhin ang mga nasabing requirements.
📌Magdala ng sariling ballpen.
Thank you and God bless! ❤️
31/05/2026
📢 BRIGADA ESKWELA 2026 📢
🗓️ June 1–5, 2026
📖 Tema: "Bayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman"
Muli nating buhayin ang diwa ng bayanihan para sa ikagaganda at ikahahanda ng ating paaralan sa nalalapit na pagbubukas ng klase!
Inaanyayahan namin ang lahat ng mga magulang, alumni, stakeholders, at mga boluntaryo na makiisa at magbahagi ng kanilang oras at lakas sa ating Brigada Eskwela 2026. Sama-sama nating linisin, ayusin, at pagandahin ang ating paaralan upang maging ligtas, maayos, at kaaya-ayang lugar ng pagkatuto para sa ating mga mag-aaral.
Ang inyong pakikiisa ay malaking ambag sa tagumpay ng ating paaralan at sa kinabukasan ng ating mga kabataan.
💙 Tara na at makibahagi!
🤝 Magkaisa para sa kaayusan.
📚 Magtulungan para sa kaalaman.
01/04/2026
Happy Birthday, Teacher Joyce! 🥳🥰
Today, we celebrate not just your birthday, but the incredible impact you make in the lives of your learners each day. Your dedication, patience, and passion for teaching continue to inspire and shape young minds toward a brighter future.
May your special day be filled with joy, love, and appreciation that you truly deserve. May God bless you with good health, happiness, and many more years of guiding and inspiring others.
Happy birthday, Teacher Joyce and thank you for being an amazing educator! We love you! 😘🥰❤️
31/03/2026
Para sa ating mga Future Math Whizzes! 🐙✨
Nais mo bang maging mas mahusay sa Mathematics ang iyong anak ngayong bakasyon? Ihanda sila sa mas mataas na antas ng pagkatuto at kumpiyansa sa darating na school year sa pamamagitan ng aming Summer Math Class!
📚 Para sa mga Incoming Grades 1–6
🗓️ Lunes – Biyernes
⏰ 9:00 AM – 11:00 AM
📍 Patas Elementary School
💡 Masayang pagkatuto, makabuluhang pagsasanay, at LIBRENG klase sa Matematika!
Huwag magpahuli—magpa-register na ngayon at tulungan ang inyong anak na maging handa at mahusay sa Mathematics!
Para sa registration at iba pang detalye, makipag-ugnayan kay:
👤Jameston D. Maranan
📞0917-840-7496
23/03/2026
🎓 CONGRATULATIONS! 🎓
Patas Elementary School proudly congratulates our dedicated and inspiring teacher, Ma’am Cherie Lyn J. Pangilinan, on the successful completion of her Master’s Degree! This remarkable achievement is a testament to your hard work, perseverance, and unwavering commitment to professional growth.
Your passion for learning continues to inspire both your colleagues and your learners. May this milestone open more opportunities for you to lead, innovate, and make an even greater impact in the field of education.
Congratulations! We are truly proud of you! 🥰🥳❤
23/03/2026
🏆 Congratulations! 🏆
Patas Elementary School extends its warmest congratulations to David Josh H. Pangilinan for securing 1st Place in the Damath Contest (Grade 5 Category) at the 2026 Division Math Festival! 🏆🥳🎉
Your exceptional skills, quick thinking, and commitment to excellence have brought great pride and honor to our school. You are a true example of how perseverance and dedication lead to success.
Keep shining and inspiring others with your amazing talent in Mathematics. We are incredibly proud of you! 🥰❤