13/08/2026
PORMAL NA PAGLULUNSAD NG BUWAN NG WIKA 2026 โจ๐ต๐ญ
โWikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon.โ
Noong Agosto 11, 2026, ganap na ika-7:00 ng umaga, matagumpay na isinagawa ang Launching ng Buwan ng Wika 2026 sa pamamagitan ng isang makabuluhang Radio Broadcasting.
Sa pamamagitan ng himpapawid, naihatid ang mahahalagang impormasyon tungkol sa Buwan ng Wika, tema ng pagdiriwang, mga layunin, at mga gawaing nakalaan upang higit na mapalalim ang pagpapahalaga sa wikang Filipino at sa ating mayamang kultura
Mga Bumuo at Naghatid ng Radio Broadcasting:
Mga Anchor:
โข Lowell Galvez
โข Lorraine Nicol Aala
Tagapagbalita:
โข Desery Lanoy
Tagapanayam:
โข Marchel De Leon
Ang gawaing ito ay naisakatuparan sa pangunguna ni Sir Michael C. Leyesa, Tagapag-ugnay sa Filipino, katuwang sina Maโam Lean Jocel M. Luzon, Tagapayo ng SSLG/Samahang Makabayan, at Rojan B. De Juan, Pangulo ng Samahang Makabayan. Sila ay kapwa naglaan ng panahon, husay, at dedikasyon upang maging makabuluhan at matagumpay ang paglulunsad ng pagdiriwang.
Taos-puso rin ang pasasalamat kay Dr. Jonnedel A. Baquiran, Punongg**o I, sa kanyang walang-sawang suporta, paggabay, at pagtitiwala na naging mahalagang susi upang maging matagumpay ang gawaing ito.
Wika ang tulay. Teknolohiya ang kasangkapan. Kaalaman ang ating lakas.
Sama-sama nating ipagdiwang, pahalagahan, at pagyamanin ang ating wika! ๐ต๐ญโค๏ธ
Mabuhay ang Wikang Filipino!
Mabuhay ang Buwan ng Wikang Pambansa 2026!
(Tala: Ang nasabing gawain sa paglulunsad ng buwan ng wika ay hindi nakaapekto sa klase.)
โ๏ธ : Desery Lanoy (SSLG PRESIDENT)
๐จ : Mannica Logmao (VICE PRESIDENT)
๐ธ : Marcel Guillermo (PHOTOJOURNALIST)