Santiago C. Garong Memorial School

Santiago C. Garong Memorial School

Share

Public Elementary School

Photos from Santiago C. Garong Memorial School's post 01/06/2026

TAOS-PUSONG PASASALAMAT SA MATAGUMPAY NA UNANG ARAW NG BRIGADA ESKWELA 2026!

Matagumpay na naisagawa ang Opening Program at unang araw ng Brigada Eskwela 2026 sa Santiago C. Garong Memorial School sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos at bayanihan ng iba't ibang katuwang ng paaralan.

Lubos naming pinasasalamatan ang mga opisyal at Barangay Police ng San Agustin 1 at San Agustin 2, sa pamumuno nina Punong Barangay Kgg. Ralph Jonnel D. Recto ng San Agustin 1 at Punong Barangay Kgg. Larry Genteroy ng San Agustin 2, sa kanilang patuloy na suporta at pakikiisa sa mga programa at adhikain ng paaralan.

Taos-puso rin kaming nagpapasalamat sa ating SPTA Officers sa pangunguna ni Gng. Jenevie N. Bacay, SGC Chairperson na si Gng. Merilyn R. Martinez, mga SELG Officers, mga magulang, volunteers, g**o, at mga mag-aaral na nagbahagi ng kanilang oras, lakas, at dedikasyon upang maging matagumpay ang pagsisimula ng Brigada Eskwela.

Ang inyong pakikiisa ay patunay na ang tagumpay ng paaralan ay bunga ng pagkakapit-bisig ng buong komunidad. Sa bawat tulong at ambag, mas lalo nating naihahanda ang isang ligtas, malinis, at kaaya-ayang kapaligiran para sa ating mga mag-aaral.

Maraming salamat sa inyong walang sawang suporta at malasakit sa edukasyon. Nawa’y magpatuloy ang diwa ng bayanihan at pagkakaisa sa mga susunod pang araw ng Brigada Eskwela 2026.

🀝 Sama-sama nating ihanda ang paaralan, sama-sama nating ihanda ang kinabukasan.



Photos from Santiago C. Garong Memorial School's post 30/05/2026

πŸ“’ Narinig Mo Na Ba ang Tawag ng Bayanihan?

Sa pangunguna ng ating punungg**o, Gng. Donalyn N. Herrera, EdD, masiglang naglibot ang mga g**o ng Santiago C. Garong Memorial School sa mga barangay ng San Agustin I at San Agustin II upang ipamahagi ang mga flyers at personal na imbitahan ang ating mga kabarangay na makiisa sa Brigada Eskwela 2026 na gaganapin sa Hunyo 1–5, 2026.

Kasabay ng pagtunog ng trumpa at mainit na pagtanggap ng komunidad, naiparating ang mensahe ng pagkakaisa at pagtutulungan para sa paghahanda ng ating paaralan sa nalalapit na pagbubukas ng klase.

Ang bawat tulong, gaano man kaliit, ay malaking ambag sa paglikha ng isang ligtas, maayos, at kaaya-ayang kapaligiran para sa ating mga mag-aaral.

🀝 Makiisa. Makibahagi. Magbayanihan.
Sama-sama nating ipakita na ang edukasyon ay responsibilidad ng buong komunidad.



Photos from Santiago C. Garong Memorial School's post 27/05/2026

🀝Bilang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng klase at sa pagsasagawa ng Brigada Eskwela 2026, nagsagawa ng pagbisita at pakikipanayam ang pamunuan ng Santiago C. Garong Memorial School sa mga kapitan ng ating dalawang feeder barangays.

Lubos na pasasalamat kina Hon. Ralph Jonnel D. Recto ng San Agustin I at Hon. Larry D. Genteroy ng San Agustin II sa mainit na pagtanggap at patuloy na suporta sa mga programa at adhikain ng paaralan. πŸ’™

Naging pagkakataon din ito upang pormal na ipakilala ang bagong punungg**o ng paaralan na si Gng. Donalyn N. Herrera, EdD at mapagtibay ang ugnayan ng paaralan at komunidad para sa ikatatagumpay ng darating na School Year 2026–2027.

Sama-sama nating ihanda ang paaralan para sa ligtas, maayos, at matagumpay na pagbabalik-eskwela! βœ¨πŸ“š




Photos from Santiago C. Garong Memorial School's post 27/05/2026

Sa simpleng paraan ng pagpapakalat ng impormasyon, inaanyayahan namin ang buong komunidad na makiisa sa bayanihan para sa mas maayos at handang paaralan para sa ating mga mag-aaral. πŸ’™πŸ«
Tara na at makiisa sa Brigada Eskwela! πŸ’ͺ✨



24/05/2026

πŸ“šβœ¨ BRIGADA PAGBASA 2026 βœ¨πŸ“š
"Dunong at Pag-asa, Hatid ng Brigada Pagbasa"

Ang Santiago C. Garong Memorial School ay nag-aanyaya sa lahat na makiisa sa Brigada Pagbasa na gaganapin sa Hunyo 1–5, 2026 bilang bahagi ng ating sama-samang adhikain na mapalawak ang kaalaman at mapaunlad ang kakayahan sa pagbasa ng ating mga mag-aaral.

Sa temang β€œIsang Komunidad, Isang Brigada: Bawat Bata, Bumabasa!”, layunin nating pagyamanin ang pagmamahal sa pagbabasa sa pamamagitan ng mga makabuluhang gawain tulad ng:
πŸ“– Storytelling
πŸ“š Masayang gawaing pagbasa
πŸ’‘ Mga aktibidad sa pagpapalawak ng kaalaman at imahinasyon

Maaari rin kayong makibahagi sa pamamagitan ng:
πŸ“˜ Pagdo-donate ng reading materials tulad ng aklat, storybooks, komiks, at iba pang learning materials
πŸ™‹ Pagboboluntaryo sa mga gawaing may kaugnayan sa pagbabasa

Ang bawat aklat, oras, at tulong na inyong ibinibigay ay isang hakbang tungo sa paghubog ng mas maliwanag na kinabukasan ng ating mga mag-aaral. Sama-sama nating gawing posible ang isang komunidad kung saan bawat bata ay bumabasa! πŸ’™βœ¨

Photos from Santiago C. Garong Memorial School's post 24/05/2026

Mga magulang at mag-aaral, handa na ba kayo para sa panibagong taong panuruan? Ang Santiago C. Garong Memorial School ay malugod na nag-aanyaya sa lahat para sa Oplan Balik-Eskwela S.Y. 2026–2027!

πŸ—“ Enrollment Period:
Hunyo 1–5, 2026
Lunes hanggang Biyernes
Siguraduhing dalhin ang mga kinakailangang dokumento para sa maayos at mabilis na proseso ng pagpapatala.

Upang mas mapadali ang inyong mga katanungan at pangangailangan, handa rin ang ating Public Assistance Command Center (PACC) upang magbigay ng tulong, gabay, at agarang tugon sa mga concern ng mga magulang at mag-aaral.

Sama-sama nating simulan ang bagong taong panuruan nang handa at may sigla para sa mas makabuluhang paglalakbay sa pagkatuto! πŸ“šπŸ’™
Tara na! Magpa-enrol na at maging bahagi ng pamilya ng Santiago C. Garong Memorial School!

24/05/2026

πŸ“£ BRIGADA ESKWELA 2026 πŸ«πŸ’™
"Bayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman"

Ang Santiago C. Garong Memorial School ay buong pusong nag-aanyaya sa lahat ng mga magulang, barangay officials, partner stakeholders, volunteers, at mga miyembro ng komunidad na makiisa sa Brigada Eskwela 2026 mula Hunyo 1–5, 2026.

Sa pamamagitan ng pagtutulungan at diwa ng bayanihan, sama-sama nating ihanda ang ating paaralan upang maging mas malinis, ligtas, at handa para sa panibagong taon ng pagkatuto ng ating mga mag-aaral.

Maaari kayong magdala ng mga kagamitan sa paglilinis tulad ng:
🧹 Walis tambo / tingting
πŸͺ£ Timba at basahan
🧀 Cleaning materials
🎨 Painting materials
πŸ“š School supplies at iba pang maaaring ipagkaloob

Ang bawat oras, tulong, at kontribusyon ay malaking hakbang tungo sa mas maayos at matagumpay na pagbubukas ng klase.
Tara na at makiisa! Sama-sama para sa paaralan, sama-sama para sa kinabukasan! πŸ’ͺ✨



Photos from Santiago C. Garong Memorial School's post 08/05/2026

With joy and excitement, we warmly welcome Madam Donalyn N. Herrera as the new school principal of our beloved school! πŸ’™πŸ“š

Welcome po sa aming pamilya, Madam Dona! We are honored and grateful to have you with us. ✨

Photos from Santiago C. Garong Memorial School's post 08/05/2026

β€œEvery ending is a new beginning, and every new beginning carries hope and inspiration.”

Isang makabuluhang araw para sa ating paaralan sa ginanap na Turnover and Installation Ceremony para sa aming bagong punungg**o, Madam Donalyn N. Herrera. Malugod po namin kayong tinatanggap at inaasahan namin ang inyong pamumuno, gabay, at mga bagong adhikain para sa patuloy na pag-unlad ng ating school community. Welcome po sa aming school family! 🧑

Kasabay nito, taos-puso rin po kaming nagpapasalamat kay Sir Cesar F. Ramos sa kaniyang dedikasyon, suporta, at serbisyong buong puso niyang ibinigay sa paaralan. Maraming salamat po sa inyong mahusay na pamumuno at mga alaala na mananatili sa aming puso.

Sa inyong panibagong yugto sa Laguna Elementary School, dalhin mo po ang aming suporta, panalangin, at pagbati para sa mas marami pa ninyong tagumpay. God bless po sa inyong bagong assignment, Sir! ✨

Photos from Santiago C. Garong Memorial School's post 07/05/2026

β€œPeople may come and go, but the lessons and memories they leave behind stay forever.” ✨

Thank you so much po, Sir Cesar Ramos, sa lahat ng guidance, support, at good memories na iiwan ninyo sa aming school. πŸ’™

Marami po kaming natutunan hindi lang sa trabaho kundi pati sa pakikitungo sa iba dahil sa inyong pagiging mabait, understanding, at approachable.

Mamimiss po namin ang inyong presence, mga advice, at mga simpleng moments na naging bahagi ng araw-araw namin. Hindi man madali ang pamamaalam, masaya kami para sa bagong journey na tatahakin ninyo.

Wishing you happiness, success, and good health po always. Thank you for everything… ✨

Want your school to be the top-listed School/college in Calapan?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Tacligan, San Teodoro, Oriental Mindoro
Calapan