19/07/2024
"Magtulungan, Magkaisa laban sa Dengue"
Ang kaligtasan ng bawat isa ay responsibilidad ng lahat. Magtulungan tayong lahat upang sugpuin ang Dengue sa ating komunidad. Maglinis ng paligid, tanggalin ang mga pinamumugaran ng lamok, at agad magpakonsulta kung may nararamdamang sintomas ng sakit. Sa pagkakaisa at kooperasyon, makakamtan natin ang isang komunidad na malaya sa Dengue.