22/03/2024
G**o na ako ako na naging ESTUDYANTE din, yes ibang Henerasyon na ito, Henerasyon ito ng kabataang lunod sa KARAPATAN pero hindi alam languyin ang realidad ng RESPETO at RESPONSIBILIDAD!!
Henerasyon ito na pwede nilang gawin ang gusto nilang gawin, Henerasyon ito na bawal silang pagalitan, itong Henerasyon na dapat ipapasa mo sila kahit hindi marunong magbasa, Henerasyon ito na kahit paulit ulit ang maling ginagawa sa paaralan ay kailangan mo silang ipasa, Henerasyon ito na kaya nilang sagut sagutin ang mga g**o, Henerasyon ito na kakampi nila ang kanilang mga magulang laban sa disiplina.
Noong panahon namin mataas ang respeto namin sa aming mga G**O...
Wag nating i-normalize ang salitang "PANAHON nyo yun!"
Hindi kayang baguhin ng panahon ang kahulugan ng salitang RESPETO at RESPONSIBILIDAD, at ang pagtanaw ng utang na loob at pasasalamat.
Ang mga G**O ay TAO din na may LIMITASYON at KAHINAAN.
MABUHAY ang lahat ng mga TEACHER lalo na sa ngayong HENERASYON!! GOD BLESS YOU ALL🙏❤️✌️