01/06/2026
๐ง๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐ป๐ฎ, ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐ฎ-๐๐ผ๐ผ๐ฐ๐ฆ๐๐ฎ๐ป๐! ๐๐ฎ๐ ๐ฎ ๐ป๐ฎ ๐ฏ๐๐ธ๐ฎ๐!
โHuwag palampasin ang pagkakataong makatulong sa ating paaralan. Tuloy-tuloy ang ating bayanihan para mas mapaganda at mapaghandaan ang pagbabalik ng ating mga mag-aaral.
โKita-kits bukas para sa mga nakatakdang gawain!
01/06/2026
๐๐จ๐จ๐ ๐ฌ๐๐ก๐จ๐จ๐ฅ๐ฌ, ๐ง๐๐ ๐ฌ๐๐ง๐ข๐-๐ฉ๐ฐ๐๐ซ๐ฌ๐ ๐ฌ๐ ๐ฉ๐๐ ๐ฅ๐ฎ๐ฅ๐ฎ๐ง๐ฌ๐๐ ๐ง๐ ๐๐ซ๐ข๐ ๐๐๐ ๐๐ฌ๐ค๐ฐ๐๐ฅ๐ ๐๐๐๐; ๐๐๐ฒ๐๐ง๐ข๐ก๐๐ง, ๐ซ๐๐ฆ๐๐๐ฆ ๐ฌ๐ ๐๐๐๐
โLOOC โ Pormal nang sinimulan ang Brigada Eskwela 2026 sa Barangay Looc sa pamamagitan ng isang makulay at masiglang motorcade na nilahukan ng tatlong pampublikong paaralan sa barangay ngayong araw, Hunyo 1.
โNagkaisa ang Looc Science High School (LSHS), Looc Integrated School, at Looc Elementary School upang ipakita ang suporta at dedikasyon sa nasabing programa. Ang motorcade ay pinangunahan ng mga g**o, mga opisyal ng barangay, School Parents-Teachers Association (SPTA), mga mag-aaral, at ibaโt ibang stakeholders na nagpahayag ng kanilang kahandaan para sa darating na pasukan.
โMatapos ang sama-samang pag-ikot sa komunidad, naghiwa-hiwalay ang mga paaralan upang idaos ang kani-kanilang kick-off program sa loob ng kani-kanilang campus.
โSa pagbabalik sa Looc Science High School, agad na sinimulan ang diwa ng bayanihan. Hindi nag-aksaya ng panahon ang mga g**o, sa tulong ng mga mag-aaral at school personnel, upang linisin at ayusin ang mga silid-aralan at pasilidad ng paaralan. Ang pagtutulungan ay naglalayong tiyakin na magiging ligtas, maayos, at handa ang kapaligiran para sa pagbabalik ng mga mag-aaral sa loob ng silid-aralan.
โLubos naman ang pasasalamat ng pamunuan ng paaralan sa mga mapagbigay na stakeholders na nagpaabot ng kanilang tulong at suporta. Ang mga bayanihang ito ay malaking ambag para sa pagsasaayos ng mga pasilidad ng LSHS.
โโ๐๐ฏ๐จ ๐ต๐ข๐จ๐ถ๐ฎ๐ฑ๐ข๐บ ๐ฏ๐จ ๐๐ณ๐ช๐จ๐ข๐ฅ๐ข ๐๐ด๐ฌ๐ธ๐ฆ๐ญ๐ข ๐ข๐บ ๐ฃ๐ถ๐ฏ๐จ๐ข ๐ฏ๐จ ๐ข๐ต๐ช๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐จ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ข๐ช๐ด๐ข. ๐๐ข๐ฐ๐ด-๐ฑ๐ถ๐ด๐ฐ ๐ฌ๐ข๐ฎ๐ช๐ฏ๐จ ๐ฏ๐ข๐จ๐ฑ๐ข๐ฑ๐ข๐ด๐ข๐ญ๐ข๐ฎ๐ข๐ต ๐ด๐ข ๐ญ๐ข๐ฉ๐ข๐ต ๐ฏ๐จ ๐ต๐ถ๐ฎ๐ถ๐จ๐ฐ๐ฏ ๐ข๐ต ๐ต๐ถ๐ต๐ถ๐จ๐ฐ๐ฏ ๐ฑ๐ข ๐ญ๐ข๐ฎ๐ข๐ฏ๐จ ๐ด๐ข ๐ข๐ต๐ช๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐ฏ๐ข๐ธ๐ข๐จ๐ข๐ฏ ๐ฑ๐ข๐ณ๐ข ๐ด๐ข ๐ฎ๐ข๐ด ๐ฎ๐ข๐ต๐ข๐ต๐ข๐จ ๐ฏ๐ข ๐ฑ๐ข๐ข๐ณ๐ข๐ญ๐ข๐ฏ,โ pahayag ng pamunuan ng Looc Science High School.
โAng Brigada Eskwela 2026 ay magpapatuloy sa mga susunod na araw, kung saan inaasahan ang patuloy na pagdagsa ng mga volunteer para sa mga gawaing pang-imprastraktura at paghahanda ng mga kagamitang pampagtuturo.
โPara sa mga nagnanais pang tumulong o makipagbayanihan, maaaring magtungo sa opisina ng Looc Science High School.
31/05/2026
Handa na ba ang lahat? Bukas na ang simula ng ating Brigada Eskwela 2026! ๐ ๏ธ๐ซ
โExcited na kaming makita ang inyong suporta sa ating opening programme bukas. Sama-sama nating simulan ang paghahanda para sa mas ligtas at maayos na paaralan ng ating mga mag-aaral.
โKita-kits tayo! Isuot ang inyong pinakakomportableng pang-volunteer at dalhin ang pusong handang maglingkod. ๐ชโจ
30/05/2026
๐ง๐๐ฅ๐ ๐ก๐, ๐ฆ๐๐๐ข๐๐ฆ๐๐ฌ๐๐ข๐๐ฆ๐ฌ๐๐ก๐ฆ! ๐ ๐๐๐-๐๐ฅ๐๐๐๐๐ ๐ก๐!
Isang malakas na "๐ง๐๐ฅ๐!" para sa ating mahal na paaralan! Magsisimula na ang Brigada Eskwela 2026 ngayong darating na Hunyo 1 hanggang 5, 2026.
At dahil excited tayong magbayanihan, mas maaga ang gising para sa ating BE โ26 Kick-Off ngayong Hunyo 1 sa ganap na 5:30 AM! (Para sa Hunyo 2 hanggang 5, ang simula ay 7:00 AM).
Sa temang "๐ฝ๐๐ฎ๐๐ฃ๐๐๐๐ฃ ๐ฅ๐๐ง๐ ๐จ๐ ๐๐๐ฉ๐๐ฉ๐๐ ๐๐ฉ ๐๐๐๐ฉ๐๐จ ๐ฃ๐ ๐๐๐๐ง๐๐ก๐๐ฃ," sama-sama nating ihanda ang Looc Science High School para sa isang masigla at ligtas na taon ng pag-aaral! Sabi nga natin: Dangal. Dunong. Bayan. ๐๐
๐ฃ๐ฎ๐ฎ๐ป๐ผ ๐ธ๐ฎ ๐บ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐๐๐น๐ผ๐ป๐ด?
Maging ikaw ay magulang, mag-aaral, volunteer, o bahagi ng komunidad, bukas ang pinto ng Looc Sci-High para sa iyong tulong, oras, at talento. Maaari ring mag-abot ng mga kagamitang panlinis, pintura, o mga halaman!
Kaya ano pang hinihintay mo? I-set na ang mga alarm clock, dalhin ang paboritong walis, guwantes, at ang inyong nag-aalab na espiritu ng Bayanihan! See you there!
29/05/2026
๐๐๐ฝ๐ถ๐ฟ๐ถ๐๐ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ถ๐ต๐ฎ๐ป, ๐บ๐๐น๐ถ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ๐ด๐ป๐ถ๐ป๐ด๐ป๐ถ๐ป๐ด ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ต๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฎ ๐ป๐ด ๐๐ฒ๐ฎ๐ฟ๐ป๐ถ๐ป๐ด ๐๐ถ๐๐ ๐ป๐ด ๐๐ฆ๐๐ฆ!
LOOC โ Muling napatunayan ang lakas ng pagkakaisa sa komunidad ng edukasyon matapos magsama-sama ang mga g**o mula sa Junior High School (JHS) at Senior High School (SHS), kasama ang ilang mga kawani ng paaralan at ilang mga mag-aaral, sa isang produktibong bayanihan para sa pagpapakete (packing) ng mga learning kits.
Ang bawat learning kit na maingat na inihanda ay naglalaman ng mga mahahalagang kagamitang pampagkatuto na ipamamahagi sa bawat mag-aaral ng paaralan para sa kanilang akademikong pangangailangan.
Sa kabila ng hamon ng bultong gawain, naging mabilis at maayos ang proseso dahil sa pagtutulungan ng iba't ibang sektor ng paaralan. Ang inisyatibang ito ay nagpapakita ng hindi matatawarang dedikasyon ng mga g**o at staff, na lalo pang pinatingkad ng pagboluntaryo ng ilang mga mag-aaral na nag-alay ng kanilang oras at lakas.
Ayon sa pamunuan ng paaralan, ang ganitong uri ng kooperasyon ay patunay na ang tagumpay ng bawat mag-aaral sa Looc ay nakasalalay sa pagtutulungan ng buong komunidad.
Taos-pusong pasasalamat ang ipinaabot ng administrasyon sa lahat ng nakiisa at nagpatakbo sa proyektong ito. Magiging gabay ang mga kit na ito upang mas mapadali at mapaganda ang karanasan sa pag-aaral ng bawat kabataan.
29/05/2026
๐ข๐ก๐ ๐๐ฆ๐๐ฆ ๐๐ข๐ ๐ ๐จ๐ก๐๐ง๐ฌ: ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ถ๐ต๐ฎ๐ป ๐ ๐ผ๐ฑ๐ฒ, ๐๐ฐ๐๐ถ๐๐ฎ๐๐ฒ๐ฑ!
Buong-pwersa ang ating Looc Science High School Communityโmula sa mga dedikadong g**o ng JHS at SHS hanggang sa ating mga maaasahang stakeholders sa barangayโsa naganap na planning session para sa Brigada Eskwela 2026!
Dahil ang pagpapanatili ng kaligtasan at kagandahan ng ating paaralan ay hindi lang trabaho ng iilan, kundi misyon ng buong komunidad. Magkasamang nagbrainstorm ang lahat upang masig**ong handang-handa ang ating pangalawang tahanan para sa darating na pasukan.
Manatiling nakatutok, mga SciLoocians, dahil ang tagumpay ng Brigada ay tagumpay ng ating buong komunidad! ๐๐
28/05/2026
๐๐๐๐๐๐๐ฃ๐๐ฃ๐ ๐ผ๐๐๐๐๐ข๐๐ ๐๐ญ๐๐๐ก๐ก๐๐ฃ๐๐ ๐ฉ๐๐ง๐ค๐ช๐๐ ๐๐๐ก๐๐ฅ๐๐ฃ๐ค ๐๐๐จ๐๐ค๐ข
Looc Science High School officially unveils its new class section names for the academic year, intentionally designed to merge rigorous scientific and entrepreneurial training with indigenous Filipino philosophies and ecological values.
Guided by our unifying visionโ"๐๐ถ๐ญ๐ข ๐ด๐ข ๐๐ช๐ฌ๐ข๐ด ๐ฏ๐ข ๐๐ข๐ณ๐ถ๐ฏ๐ถ๐ฏ๐จ๐ข๐ฏ, ๐๐ถ๐ฏ๐จ๐ฐ ๐ด๐ข ๐๐ถ๐ฏ๐ฐ๐ฏ๐จ, ๐๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐ญ, ๐ข๐ต ๐๐ข๐ถ๐ฏ๐ญ๐ข๐ณ๐ข๐ฏ"โthis nomenclature framework challenges learners to ground global innovation in cultural identity and civic responsibility.
๐๐ฐ ๐ต๐ฉ๐ฆ ๐๐ฐ๐ฐ๐ค ๐๐ค๐ช-๐๐ช๐จ๐ฉ ๐๐ฐ๐ฎ๐ฎ๐ถ๐ฏ๐ช๐ต๐บ:
Your section assignment is more than an administrative designation; it is a collective standard of character and intellectual pursuit. Rooted firmly in our identity as Filipinos, let these names inspire you to innovate with a conscience and lead with distinction.
https://drive.google.com/drive/folders/1Iakbav_XilBVQuVlqsQjGVWVv-DM7rDt?usp=sharing
26/05/2026
๐๐๐๐ ๐๐๐ฟ๐ผ๐๐! ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐: ๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐
โLUNGSOD NG CALAMBA โ Kasalukuyan nang sumasailalim sa isang masinsinang pagsasanay ang lahat ng g**o ng Grade 6, 9, at 10 sa lungsod para sa apat na araw na School-Based Training of Teachers (SBTT) na nagpapatuloy ngayong araw, Mayo 26, hanggang Mayo 29, mula 8:00 AM hanggang 5:00 PM.
โKasalukuyang ginaganap ang serye ng mga seminar sa Jose Rizal Memorial School (Central 1), kung saan aktibong inihahanda at binibigyan ng mga bagong kasanayan ang mga kaguruan para sa epektibong pagpapatupad ng binagong kurikulum.
โNakikibahagi rin sa naturang pagsasanay ang delegasyon ng mga g**o mula sa Looc Science High School mula sa iba't ibang asignatura, na kasalukuyang tumatanggap ng mga makabagong estratehiya upang iangat ang kalidad ng edukasyon sa lungsod.
โPatuloy na tinutukan ng DepEd Calamba ang aktibidad na ito na inaasahang maghahatid ng mas mataas na antas ng pagkatuto para sa mga mag-aaral.
โ
Pusong nagtuturo;
Isipang natututo;
Galing ng Calambenฬo
Dangal ng sambayanang Filipino