Turbina NHS SPTA - School Parent-Teacher Association

Turbina NHS SPTA - School Parent-Teacher Association

Share

Official Page of Turbina NHS SPTA (School Parent Teacher-Association)
© 2025

05/05/2026

Magandang umaga, mga kapwa magulang!

Ang Turbina National High School ay naghahanap pa rin ng ARAL READING VOLUNTEERS! 💜

Kung may katanungan, pwede kayo mag-message dito sa page, makiusap sa mga SPTA officers, o pumunta mismo sa paaralan ng TNHS.

Maraming salamat!

ANNOUNCEMENT //
CALL FOR ARAL SUMMER PROGRAM VOLUNTEERS!

Turbina National High School is inviting passionate and dedicated individuals to be part of the ARAL SUMMER READING Program!

We are looking for VOLUNTEERS who are willing to share their time, knowledge, and skills in helping our learners improve their academic performance, especially in READING and WRITING.

Who can volunteer?
📍Parents
📍College students
📍Para-teachers
📍College graduates
📍Private organizations
📍Community members who are eager to help

Date of Program: May 6 to June 2, 2026

If you are interested, please message us or visit the school for registration and further details.

TARA, SAMA-SAMA TAYO PARA KINA BINO AT BINA!

Photos from Turbina NHS SPTA - School Parent-Teacher Association's post 01/04/2026

PAGKILALA SA SPTA BILANG KATUWANG NG TURBINA NATIONAL HIGH SCHOOL

Isinagawa ang Gawad Salimbay 2026 kahapon, Marso 31, 2026, isang seremonya ng TNHS na naglalayong kilalanin at pasalamatan ang mga indibidwal na patuloy na sumusuporta at nag-aambag sa pag-unlad ng paaralan. Sa nasabing gawain, binigyang-pugay ang mga SPTA Officers bilang mga katuwang ng paaralan.

Ang kanilang aktibong pakikilahok at malasakit sa kapakanan ng mga mag-aaral ay nagsisilbing inspirasyon sa iba pang mga magulang upang makiisa sa adhikain ng paaralan.

Photos from Turbina NHS SPTA - School Parent-Teacher Association's post 31/01/2026

✅SPTA OFFICERS, SAMA-SAMANG MULI SA THIRD QUARTER PARENTS' SUMMIT✅

Sa pagtatapos ng ikatatlong markahan, ang Turbina National High School ay nagsagawa ng Third Quarter Parents' Summit. Sa programang ito ay muling ipinakita ng mga SPTA officers ang kanilang pagmamahal sa mga mag-aaral at mga magulang ng TNHS.

Sila ay nagbahagi ng kanilang mga kaalaman, at karanasan tungo sa kaunlaran ng paaralan.

Pagkatapos ng isinagawang Summit at Card Giving, ang mga opisyales ay nagkaroon ng kaunting pagpupulong sa mga gagawing aktibidad ng paaralan.

Photos from Turbina NHS SPTA - School Parent-Teacher Association's post 31/01/2026

✅SPTA, NAKIISA SA EARLY REGISTRATION CAMPAIGN NG TNHS✅

Ngayong araw, Enero 31, 2026 (Sabado) ay nakiisa ang samahan ng mga magulang o ang SPTA ng Turbina National High School sa ginawang Early Registration Campaign ng paaralan. Ang mga opisyales ay nagbigay ng flyers at naghouse to house campaign sa buong barangay ng Turbina.

Tunay na ang SPTA officers ay nagpakita ng kanilang lubos na suporta sa paaralan.

30/01/2026

Halika na! Tayo ay pumunta bukas sa 3rd Quarter Parents' Summit at Card Giving sa Turbina National High School

HALIKA! Tayo ay magkita-kita sa ikatatlong PARENTS' SUMMIT at CARD GIVING nila Bino at Bina.

Inaanyayahan ang mga magulang o taga-pangalaga na pumunta bukas, Enero 31, 2026 (Sabado) sa Turbina National High School.

Ang pagpapalista ng pangalan (registration) ay magsisimula ng 7:00 ng umaga, at ang programa ay magsisimula ng 8:00 ng umaga.

Ito ay isang pagkakataon upang magbahagi ng kaalaman, karanasan, at suporta sa mga mag-aaral.

Hinihikayat ang lahat na dumalo at makiisa sa programang ito!

Photos from DepEd Tayo Turbina NHS - Calamba City's post 26/01/2026

Halika at magpatala para sa darating na S.Y 2026-2027!

Ngayong darating na Enero 31,2026 hanggang Pebrero 27, 2026 (kada sabado) ay magkakaroon po ng EARLY REGISTRATION ang Turbina National High School!

Photos from Turbina NHS SPTA - School Parent-Teacher Association's post 21/12/2025

✅RAFFLE FOR A CAUSE, NAISAKATUPARAN NG SPTA AT SSLG✅

Matagumpay na isinagawa ng organisasyon ng SPTA ng Turbina National High School, sa pakikipagtulungan ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG) ng paaralan ang Raffle for a Cause noong Disyembre 18, 2025. Ang aktibidad ay ay bahagi ng kanilang patuloy na adhikain na maghatid ng tulong at suporta sa mga batang TNHS at ng buong komunidad.

Sa nasabing gawain, naipamahagi ang iba’t ibang mahahalagang tulong tulad ng mga kendi, grocery packages at isang kaban na bigas,. Ang aktibidad na ito ay patunay na nagpapakita ng kooperasyon, at sama-samang pagkilos ng mga magulang, mag-aaral, at pamunuan ng paaralan.

Muling ipinamalas ng SPTA at SSLG ang kanilang dedikasyon tungo sa kaunlaran ng Turbina National High School.

- - -
Lubos ang pasasalamat ng SPTA, SSLG, at ng buong pamunuan ng TNHS sa mga tumulong para sa ikatatagumpay ng gawaing ito.

Photos from Turbina NHS SPTA - School Parent-Teacher Association's post 29/11/2025

✅ SPTA 2nd Quarter Summit Report, matagumpay na naidaos ✅

Ang SPTA President na si Gng. Dunghao, kasama ang mga kasapi ng samahan ng SPTA ay ibinahagi ang mga datos tungkol sa mga nagdaang aktibidad sa buong second quarter tulad ng pagpapanood ng sine at pagsasaayos ng drainage kanal sa ibang parte ng paaralan.

Muli nilang ipinakita ang hindi matatawarang sipag, husay, at malasakit sa pagpapatupad ng mga programang tungo sa kaunlaran at kalidad ng serbisyo para sa Turbina National High School.

Photos from Turbina NHS SPTA - School Parent-Teacher Association's post 26/11/2025

✅PAGKILALA SA SPTA OFFICERS ng TURBINA NHS sa 2025 GAWAD CALAMBAyanihan ✅

Isang malaking pagpupugay sa SPTA ng Turbina National High School na kinilala ng DepEd Calamba ngayong araw, Nobyembre 26, 2025 bilang Outstanding Stakeholder.

Binigyang parangal sa 2025 Stakeholders' Forum and Recognition ang organisasyon ng SPTA dahil sa kanilang walang sawang suporta at tunay na malasakit sa paaralan at mga mag-aaral.

Sama-sama ang mga magulang, g**o, at pamayanan, tungo sa dekalidad na edukasyon!


Photos from Turbina NHS SPTA - School Parent-Teacher Association's post 22/11/2025

✅ EDUCATIONAL FILM VIEWING pinangunahan ng SPTA at mga g**o ng Turbina National High School.

Ngayong araw, Nobyembre 22,2025, ang mga Bino at Bina ay sama-samang nanood ng sine na pinamagatang “Boses”. Sa panonood, ang imahinasyon at pangarap ng bawat bata ay mas lalong lumawak at lumakas pa.

Muli, salamat sa pamunuan ng TNHS at iba pang mga magulang na kaisa ng proyektong ito ng SPTA.


Want your school to be the top-listed School/college in Calamba?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Calamba