DepEd Tayo Kapayapaan Integrated School - Calamba City

DepEd Tayo Kapayapaan Integrated School - Calamba City

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from DepEd Tayo Kapayapaan Integrated School - Calamba City, Education, Kapayapaan Ville, Canlubang, Calamba City, Calamba.

Photos from DepEd Tayo Kapayapaan Integrated School - Calamba City's post 19/06/2026

Nagkaisa ang mga kawani ng barangay, mga g**o, at mga mag-aaral sa pag-aalay ng bulaklak bilang pagpupugay at paggunita sa ika-165 anibersaryo ng kapanganakan ni Dr. Jose P. Rizal. Sa simpleng seremonyang ito, binibigyang-pugay natin ang kanyang kabayanihan, karunungan, at walang kapantay na pagmamahal sa bayan na patuloy na nagsisilbing inspirasyon sa bawat Pilipino.

Photos from DepEd Tayo Kapayapaan Integrated School - Calamba City's post 15/06/2026

Taos-pusong pasasalamat sa ating LGU sa pagkakaloob ng mga school bags para sa ating mga mag-aaral. Isang malaking tulong na sadyang nagagamit sa araw-araw na pagpasok sa paaralan hindi lamang kagamitan kundi suporta sa kanilang pagkatuto at pangarap.

12/06/2026

Ngayong ika-12 ng Hunyo, ating ginugunita ang katapangan, pagkakaisa, at pagmamahal sa bayan ng mga Pilipinong nagbigay-daan sa ating kalayaan.

Nawa’y patuloy nating pahalagahan ang kalayaan sa pamamagitan ng pagiging responsableng mamamayan, mapagmahal sa kapwa, at tapat sa ating bansa.

Maligayang Araw ng Kalayaan mula sa Kapayapaan Integrated School!

Photos from DepEd Tayo Kapayapaan Integrated School - Calamba City's post 11/06/2026

Bagong mga lider, bagong sigla para sa ating paaralan!

Matagumpay na naisagawa ang Election at Oath-Taking Ceremony ng School Parents-Teachers Association (SPTA). Isang hakbang tungo sa mas matibay na ugnayan ng paaralan at mga magulang para sa kapakanan ng ating mga mag-aaral.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at nagpakita ng suporta. Sa pagkakaisa, pakikilahok, at malasakit, mas marami pa tayong magagawang magagandang programa para sa ating mga anak.

Sama-sama nating buuin ang mas maunlad, mas ligtas, at mas matagumpay na paaralan!

Photos from DepEd Tayo Kapayapaan Integrated School - Calamba City's post 11/06/2026

Unang Banal na Misa para sa mga Mag-aaral.

Bilang panimula ng panibagong taong panuruan, sama-samang nakiisa ang mga mag-aaral, g**o, at kawani sa pagdalo sa Unang Banal na Misa. Nawa'y maging gabay ang Panginoon sa ating paglalakbay tungo sa mas makabuluhang pagkatuto, mabuting asal, at tagumpay sa buong taon.

Sa pamamagitan ng panalangin at pananampalataya, ating simulan ang School Year 2026–2027 nang may pag-asa, pagkakaisa, at pasasalamat.

Photos from DepEd Tayo Kapayapaan Integrated School - Calamba City's post 11/06/2026

Earthquake Drill Isinagawa!

Bilang paghahanda sa anumang sakuna, matagumpay na isinagawa ng Kapayapaan Integrated School ang isang earthquake drill upang sanayin ang mga mag-aaral, g**o, at kawani sa tamang pagtugon sa oras ng lindol.

Sa pamamagitan ng pagsunod sa wastong proseso tulad ng "Duck, Cover, and Hold", napalalim ang kamalayan ng lahat sa kahalagahan ng kahandaan, disiplina, at kaligtasan. Ang gawaing ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng paaralan na matiyak ang isang ligtas at handang kapaligiran para sa bawat mag-aaral

Photos from DepEd Tayo Kapayapaan Integrated School - Calamba City's post 09/06/2026

Kaligtasan ng bawat mag-aaral ang ating pangunahing prayoridad.

Bilang bahagi ng pagpapatibay ng kahandaan sa anumang emerhensiya at iba pang insidente sa paaralan, nagsagawa ng oryentasyon at talakayan si SDRRM Coordinator Sir James Garcia tungkol sa mga safety protocols, emergency procedures, at mga wastong hakbang na dapat gawin sa panahon ng sakuna at hindi inaasahang pangyayari.

Sa pamamagitan ng kaalaman, kahandaan, at kooperasyon ng bawat isa, masisig**o natin ang isang ligtas, maayos, at matatag na kapaligiran sa pagkatuto para sa lahat.

Photos from DepEd Philippines's post 08/06/2026
Photos from DepEd Tayo Kapayapaan Integrated School - Calamba City's post 08/06/2026

Maligayang pagbabalik sa paaralan, mga mag-aaral!

Matagumpay na isinagawa ng mga mag-aaral ang unang flag ceremony bilang hudyat ng pagbubukas ng panibagong taong panuruan.

Matapos ang seremonya, tinalakay ang mahahalagang polisiya, alituntunin, at mga programang ipatutupad ng paaralan upang gabayan ang mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral at pag-uugali sa loob ng paaralan.

Isinagawa rin ang pagpapakilala sa mga g**o at kawani na magiging katuwang ng mga mag-aaral sa kanilang paglalakbay tungo sa kaalaman at tagumpay.

Nawa’y maging makabuluhan, ligtas, at puno ng pagkatuto ang taong panuruang ito para sa bawat isa. Sama-sama nating simulan ang SY 2026–2027 nang may disiplina, responsibilidad, at kahandaan sa mga bagong hamon at oportunidad.

07/06/2026

See you tomorrow, dear students!

Let’s welcome SY 2026–2027 with a growth mindset, positive attitude, and determination to learn, grow, and succeed together.

Want your school to be the top-listed School/college in Calamba?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Kapayapaan Ville, Canlubang, Calamba City
Calamba
4027