17/11/2024
mag ingat po ang lahat at ipag-dasal natin ang kaligtasan ng bawat isa! ππ«
| Base sa pinakahuling ulat ng DOST-PAGASA (November 16, 2024, 8PM) nakataas ang TCWS No. 3 sa hilagang-silangang bahagi ng Laguna (Santa Maria, Famy, Mabitac, Pangil, Pakil, Siniloan, Paete, Kalayaan, Lumban, Cavinti). Samantalang TCWS No. 2 naman sa natitirang bahagi ng lalawigan.
Pinapayuhan po ang lahat na sundin ang mga tagubilin mula sa inyong lokal na pamahalaan.
Maging alerto at lumikas kung kinakailangan lisanin ang inyong mga lugar. Unahin po natin ang kaligtasan ng bawat isa at huwag ipagsawalang bahala ang bantang dulot ng bagyo Pepito.
Manatili po tayong nakaantabay sa balita para lagay ng panahon.
Bukas po ang ating linya 24/7 para sa mga nangangailangan ng agarang tulong, rescue, o nais magreport ng mga bahang lugar o anumang insidente. Maaaring tumawag sa STAC Hotline - 0921 907 8886 o Laguna Command Center Hotline - Dial ( #524862) o mag-PM dito sa aking FB page.
Mag-ingat po tayo at magdasal para sa kaligtasan ng bawat isa.