24/08/2026
๐๐๐๐๐ก๐๐๐๐ก ๐ฆ๐ ๐๐ฅ๐๐ฆ๐๐ฆ: ๐๐ข๐ก๐ฆ๐จ๐๐ง๐๐ฆ๐ฌ๐ข๐ก ๐ฃ๐๐ฅ๐ ๐ฆ๐ ๐ฆ๐๐ ๐จ๐๐ง๐๐ก๐๐ข๐จ๐ฆ ๐ฆ๐๐๐ข๐ข๐ ๐ฆ๐๐๐๐ง๐ฌ ๐๐ฅ๐๐๐ ๐๐ข๐ฅ ๐๐๐ง๐๐ฉ๐ ๐๐ง๐ง๐๐๐ ๐๐ก๐๐๐๐๐ก๐ง๐ฆ, ๐๐ฆ๐๐ก๐๐๐๐ช๐
LOOC ISโ Upang higit pang patatagin ang kahandaan at kaligtasan ng buong komunidad ng paaralan sa mga hindi inaasahang banta at emergency, matagumpay na isinagawa ang isang Consultative Meeting ngayong araw, Agosto 24, 2026, mula 9:00 AM hanggang 10:30 AM sa Principalโs Office.
Ang nasabing pagpupulong ay ginanap bilang paghahanda sa nalalapit na Simultaneous School Safety Drill for Active Attack Incidents. Dumalo sa konsultasyon ang iba't ibang opisyal at kinatawan ng paaralan at komunidad, kabilang ang School Administrator, Department Head, Barangay Security Personnel, Barangay Education Committee, General Parent-Teacher Association (GPTA) Officers, at ang mga Opisyal ng Faculty Club.
๐๐จ๐ข ๐๐ข๐ฏ๐จ๐ถ๐ฏ๐ข๐ฉ๐ช๐ฏ๐จ ๐๐ข๐ฑ๐ข๐จ๐ฌ๐ข๐ด๐ถ๐ฏ๐ฅ๐ถ๐ข๐ฏ ๐ข๐ต ๐๐ข๐ฌ๐ฃ๐ข๐ฏ๐จ๐ช๐ฏ:
๐๐๐๐ก๐๐ฃ๐๐ฌ ๐จ๐ ๐๐ช๐ฃ๐๐ ๐ช๐ก๐๐ฃ ๐๐ฉ ๐๐ง๐ค๐ฉ๐ค๐ ๐ค๐ก: Sinuri at tinukoy ang tiyak na gampanin ng bawat sektorโmula sa mga g**o, staff, safety marshals, hanggang sa barangay respondersโupang maiwasan ang kalituhan at matiyak ang maayos na koordinasyon sakaling magkaroon ng emergency katulad ng lockdown at evacuation.
๐๐๐๐ฅ๐๐ฅ๐๐ก๐๐ ๐๐จ ๐ฃ๐ ๐๐๐๐ช๐ง๐๐ฉ๐ฎ ๐๐๐๐๐ก๐๐ฉ๐๐๐จ: Kasunod ng isinagawang inspeksyon sa paligid ng paaralan, iminungkahi ang pagpapatayo ng karagdagang back gate para sa mas kontroladong access, paglalagay ng interior locks sa bawat silid-aralan, at pagkakabit ng school security alarm system para sa mabilis na pag-aabiso sa buong paaralan.
๐๐๐ก๐๐๐ฉ๐๐จ๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐๐๐-๐๐๐ง๐๐ก ๐๐ฉ ๐๐๐๐ฉ๐๐จ ๐ฃ๐ ๐ฟ๐ง๐๐ก๐ก: Sa ginanap na open forum, binigyang-diin ang kahalagahan ng pagpapanatili ng kahinahunan, pagsunod sa tamang pamamaraan, at pagtiyak na ang isasagawang drill ay magiging ligtas, kontrolado, at angkop sa edad ng mga mag-aaral.
Nagwakas ang konsultasyon sa isang sama-samang komitment mula sa mga namumuno at mga kasapi ng komunidad upang tiyakin ang matagumpay at ligtas na pagpapatupad ng nalalapit na safety drill.