08/08/2026
๐๐ ๐๐ฎ๐ฐ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ, ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐๐ ๐๐ข๐ซ๐ข๐ฐ๐๐ง๐ ๐ง๐๐ญ๐ข๐ง ๐๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฐ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐ข๐ค๐ ๐ง๐ ๐ฆ๐๐ฒ ๐ญ๐๐ฆ๐๐ง๐ โ๐๐ข๐ค๐๐ง๐ ๐
๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ ๐๐ญ ๐๐: ๐๐๐ฌ๐๐ง๐ ๐ค๐๐ฉ๐๐ง ๐ฌ๐ ๐๐๐ง๐๐ง๐๐ฅ๐ข๐ค๐ฌ๐ข๐ค ๐๐ญ ๐๐ฎ๐ฅ๐๐ฒ ๐ฌ๐ ๐๐๐ฆ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐ฆ๐ฉ๐จ๐ซ๐ฆ๐๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง.โ ๐ต๐ญ
Bilang mga kabataan ng yaong panahon, kung saan laganap ang pag-usbong ng Artificial Intelligence, tayo ay nagsasama-sama upang sumulong patungong modernisasyon. At sa pagsulong na ito, ipinapaalala ng ating tema na ang teknolohiya at ang wikang pambansa ay hindi magkahiwalay na mundo. Sa halip, sila ay magkatambal sa pagpapalawak ng ating kaalaman at pagpapanatili ng ating kultura!
Sa tulong ng makabagong teknolohiya, mas mabilis at mas malalim na nating natutuklasan at nasusuri ang iba't ibang impormasyon gamit ang sariling wika. Nagsisilbi rin itong tulay upang mas madaling maunawaan ng bawat Pilipino ang mga teknikal na konsepto, habang sinisiguro nating hindi mapag-iiwanan ang Wikang Filipino at ang ating pambansang identidad sa digital na daigdig.
Ngunit huwag nating kakalimutan na ang Artificial Intelligence ay gabay at kasangkapan lamang โ hindi ito ang pangunahing pinagmumulan ng ganap na katotohanan. Ang tamang pagsusuri, kritikal na pag-iisip, at pagpapatunay sa mga nakukuhang impormasyon ay nananatiling nakasalalay sa ating sariling kaisipan.
Nasa ating mga kamay ang responsibilidad na gamitin ang AI nang may katalinuhan, etika, at pagmamahal sa bayan. Sama-sama tayong sumulong para sa isang maunlad, modernisado, at matalinong lipunang Pilipino!
๐ & ๐ผ: John Erik Once