Deped Tayo Paciano RIZAL Elementary School - Calamba City

Deped Tayo Paciano RIZAL Elementary School - Calamba City

Share

A Public Elementary School Located at Rizal Village Paciano Rizal Calamba City

Photos from Deped Tayo Paciano RIZAL Elementary School - Calamba City's post 05/06/2026

🏫✨ IKA-5 NGUNIT HINDI HULI✨🏫

Matagumpay na naidaos ang huling araw ng Brigada Eskwela sa Paciano Rizal Elementary School sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga learning kits para sa mga mag-aaral ng Kindergarten at Grade 6.

Naghatid rin ng saya at tulong ang LGBTQIA Paciano at Konsehal Ivan Baradas sa kanilang pamamahagi ng mga Go Bag, habang sina Konsehala Marites Dinulos at James Dinulos naman ay nagbahagi ng libreng sopas para sa mga magulang bilang munting handog at pasasalamat sa kanilang pakikiisa sa mga gawain ng paaralan.

Kasabay nito, matagumpay na naisagawa ang Parents Orientation sa pangunguna ni Ma’am Vienna M. Bondoc bilang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng klase.

Taos-puso ang aming pasasalamat sa lahat ng mga magulang, stakeholders, LGBTQIA Paciano, Konsehal Ivan Baradas, Konsehala Marites Dinulos at James Dinulos sa inyong walang sawang pagsuporta at malasakit. Ang matagumpay na ika-5 araw ng Brigada Eskwela ay patunay na sa pagkakaisa at bayanihan, handang-handa na ang Paciano Rizal Elementary School para sa Taong Panuruan 2026–2027. πŸ’™πŸ“šπŸ€

Photos from Deped Tayo Paciano RIZAL Elementary School - Calamba City's post 04/06/2026

Ka-PRES, ika-4 na araw na!!!

Sa ika-apat na araw ng Brigada Eskwela, namigay ng learning kits para sa mga mag-aaral ng ika-5 baitang, na nilahukan ng mga mag-aaral at mga magulang.

Kasama muli ang mga magulang, UPHSD-Calamba, at Guardians sa patuloy na pagpi-pintura ng mga pader ng paaralan.

Bumisita rin si Sir Ariel D. Antonio, PDO II-DRRM, sa bawat silid-aralan upang siguraduhing handa na ang lahat para sa pagbubukas ng klase.

Sa kabilang banda, ang City Health Service Department ay nagsagawa ng Microbiological Test for Water, upang siguraduhing ligtas ang tubig sa buong paaralan.

Taos-puso ang pasasalamat ng buong PRES sa tuloy-tuloy na bayanihan para sa mga batang Paciano.




03/06/2026

🌸 Congratulations, Ma'am. Irene L. Casipe! 🌸

We proudly celebrate the well-deserved Reclassification from Teacher II to Teacher V under the Expanded Career Progression (ECP) of Ma'am Irene L. Casipe. This remarkable achievement reflects her dedication, perseverance, and unwavering commitment to excellence in teaching and service.

Her professional growth is an inspiration to her colleagues and learners alike. May this new chapter bring greater opportunities to lead, empower, and make a lasting impact in the field of education.

With heartfelt greetings and best wishes,
Paciano Rizal Elementary School Family

Photos from Deped Tayo Paciano RIZAL Elementary School - Calamba City's post 03/06/2026

Ika-3 araw na!!!

Patuloy na namamayani ang diwa ng bayanihan sa ikatlong araw ng Brigada Eskwela bilang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng klase para sa Taong Panuruan 2026–2027.

Sa pamamagitan ng sama-sama at tulong-tulong na pagkilos ng mga magulang, mag-aaral, stakeholders, at mga g**o, matagumpay na naisagawa ang paglilinis at pagsasaayos ng iba't ibang bahagi ng paaralan upang maging ligtas, malinis, at kaaya-ayang lugar ng pagkatuto para sa ating mga mag-aaral.

Tunay na ang pagkakaisa ng komunidad ay susi sa pagbuo ng isang paaralang handa sa mga hamon at oportunidad ng bagong taon ng pag-aaral.

Namahagi din ng learning kits para sa mga mag-aaral ng Baitang 1, 2 at 3, ng ating mahal na paaralan. Isang biyayang magbibigay inspirasyon at dagdag-kagamitan sa kanilang pag-aaral.

Kasabay nito, nagkaroon din ng libreng gupit na ipinagkaloob ni Konsehal Narciso Lozano, at Vice Mayor Toti Lazaro, upang matiyak na ang ating mga mag-aaral ay magiging maayos at handa sa kanilang unang araw ng pagpasok.

Ang buong Paciano Rizal Elementary School, kasama ang mga magulang, ay taos-pusong nagpasasalamat sa walang sawang pagtulong. Ang inyong kabutihang-loob, suporta, at malasakit ay nagsisilbing inspirasyon upang higit pang mapagtibay ang ating layunin na makapaghatid ng dekalidad at makabuluhang edukasyon para sa bawat batang Paciano Rizal ES.

Buhay na buhay ang diwa ng bayanihan sa Paciano Rizal Elementary SchoolπŸ’™πŸ“šπŸ€




02/06/2026

πŸ“’ PAANYAYA
PARENTS’ ORIENTATION
πŸ—“οΈ Hunyo 5, 2026
⏰ 8:00 N.U.
πŸ“ PRES Covered Court

Inaanyayahan ang lahat ng magulang na dumalo sa gaganaping Parents’ Orientation bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase para sa School Year 2026–2027.

✨ Layunin ng pagtitipon na:

Ibahagi ang mahahalagang impormasyon tungkol sa mga programa ng paaralan

Ipaliwanag ang mga patakaran at gabay para sa mga mag-aaral

Palakasin ang ugnayan ng paaralan at mga magulang para sa matagumpay na taon ng pag-aaral

πŸ’™πŸ’› Sama-sama nating ihanda ang ating mga anak para sa masigla, ligtas, at makabuluhang pagbubukas ng klase!

Photos from Deped Tayo Paciano RIZAL Elementary School - Calamba City's post 02/06/2026

DAY 2 | BRIGADA ESKWELA 2026

Patuloy ang pagpapakita ng diwa ng bayanihan sa ikalawang araw ng Brigada Eskwela sa Paciano Rizal Elementary School.

Sama-samang nagsagawa ng paglilinis ng kapaligiran at mga silid-aralan ang mga g**o, magulang, mag-aaral, at mga katuwang ng paaralan upang matiyak na magiging malinis, maayos, at ligtas ang ating paaralan para sa nalalapit na pagbubukas ng klase.

Ang bawat oras at pagsisikap na inilaan ay patunay ng pagmamalasakit ng komunidad sa edukasyon ng mga Batang Paciano.

Lubos na pasasalamat sa mga stakeholders at partners, lalo na sa Perpetual Kalikasan ng UPHSD Calamba, Sangguniang Brgy., at Mayor Ross Rizal sa patuloy na suporta sa paaralan.

Naghatid din ng kasiyahan at serbisyo ang libreng gupit at libreng lugaw na kanilang ipinagkaloob para sa mga mag-aaral at mga boluntaryo. Ang inyong kabutihang-loob at pakikiisa ay malaking inspirasyon sa aming adhikaing makapagbigay ng mas maayos at mas magandang kapaligiran sa pagkatuto.

Maraming salamat po sa inyong walang sawang suporta at pagmamahal sa Paciano Rizal Elementary School! πŸ’™πŸ«πŸ€

Photos from Deped Tayo Paciano RIZAL Elementary School - Calamba City's post 02/06/2026

BAGS OF JOY | Taos-pusong pasasalamat sa ating butihing Mayor Rosseller "Ross" Rizal at sa mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod sa kanilang patuloy na suporta sa edukasyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng learning kits sa mga mag-aaral ng Ika-apat na Baitang ng Paciano Rizal Elementary School ngayong Hunyo 2, 2026.

Bukod sa mga learning kits, pinagkalooban din ng bigas ang mag-aaral bilang tulong sa kanilang mga pamilya.

Ang mga handog na ito ay patunay ng malasakit at pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at ng sektor ng edukasyon upang matiyak na ang bawat mag-aaral ay may sapat na suporta sa kanilang pagkatuto at pang-araw-araw na pangangailangan.

Sa lahat ng nagsipaglahok, Schools Division Superintendent Merthel M. Evardome, mga magulang, Sangguniang Barangay ng Paciano Rizal, at mga g**o, taos pusong pasasalamat sa tuloy-tuloy na pagsuporta sa mga Batang Paciano.





Photos from Deped Tayo Paciano RIZAL Elementary School - Calamba City's post 02/06/2026

Pagtatapos ng ARAL Summer Program 2026

Ngayong araw, buong pagmamalaking binabati ng Paciano Rizal Elementary School ang mga mag-aaral na matagumpay na nagtapos sa ating ARAL (Academic Recovery and Accessible Learning) Summer Program.

Sa loob ng mga linggo ng masigasig na pag-aaral, ipinakita ng ating mga mag-aaral ang kanilang dedikasyon, sipag, at determinasyon upang higit pang mapaunlad ang kanilang kakayahan sa pagbasa, pagsulat, at pagbilang.

Ang kanilang tagumpay ay bunga rin ng walang sawang suporta ng kanilang mga magulang at ng taos-pusong paggabay ng ating mga ARAL Tutors.

Nawa'y magsilbing inspirasyon ang programang ito upang patuloy na mahalin ang pag-aaral at maging handa sa mga susunod pang hamon sa kanilang paglalakbay sa edukasyon.

Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng volunteer tutors, stakeholders, at parents para sa pagsuporta sa ARAL Summer Program.






Photos from Deped Tayo Paciano RIZAL Elementary School - Calamba City's post 01/06/2026

BRIGADA ESKWELA, UMARANGKADA NA SA PACIANO RIZAL ES!

Sama-sama nating ipakita ang diwa ng bayanihan sa paglilinis, pag-aayos, at paghahanda ng ating paaralan para sa ligtas at masiglang pagbubukas ng School Year 2026–2027 mula June 1-5, 2026.

πŸ’™πŸ’› Maraming salamat sa ating mga magulang, g**o, mag-aaral, at stakeholders na buong pusong nakibahagi sa ating kick-off ngayong araw.

✨ Sama-sama, tagumpay nating maisusulong ang Brigada Eskwela!

Photos from Deped Tayo Paciano RIZAL Elementary School - Calamba City's post 30/05/2026

πŸ“’πŸ“’LIST OF LEARNERS in GRADE 4 SY 2026-2027 πŸ“ŒπŸ“Œ
Here's the list of enrolled learners in Grade 4 by section. In case the name of your child is not on the list but already submitted the form and requirements (hard copy or via online), feel free to message on this page (PRIVATE MESSAGE). Reminder to complete the requirements for your children to officially enrolled in our school

Want your school to be the top-listed School/college in Calamba?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Rizal Village
Calamba
4027

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm