05/06/2026
🏫✨ IKA-5 NGUNIT HINDI HULI✨🏫
Matagumpay na naidaos ang huling araw ng Brigada Eskwela sa Paciano Rizal Elementary School sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga learning kits para sa mga mag-aaral ng Kindergarten at Grade 6.
Naghatid rin ng saya at tulong ang LGBTQIA Paciano at Konsehal Ivan Baradas sa kanilang pamamahagi ng mga Go Bag, habang sina Konsehala Marites Dinulos at James Dinulos naman ay nagbahagi ng libreng sopas para sa mga magulang bilang munting handog at pasasalamat sa kanilang pakikiisa sa mga gawain ng paaralan.
Kasabay nito, matagumpay na naisagawa ang Parents Orientation sa pangunguna ni Ma’am Vienna M. Bondoc bilang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng klase.
Taos-puso ang aming pasasalamat sa lahat ng mga magulang, stakeholders, LGBTQIA Paciano, Konsehal Ivan Baradas, Konsehala Marites Dinulos at James Dinulos sa inyong walang sawang pagsuporta at malasakit. Ang matagumpay na ika-5 araw ng Brigada Eskwela ay patunay na sa pagkakaisa at bayanihan, handang-handa na ang Paciano Rizal Elementary School para sa Taong Panuruan 2026–2027. 💙📚🤝