19/06/2026
๐๐จ๐ฌ๐ ๐๐ฅ๐๐ญ๐จ๐ง ๐๐๐ฆ๐จ๐ซ๐ข๐๐ฅ ๐๐๐ก๐จ๐จ๐ฅ, ๐๐๐ ๐๐ข๐ฐ๐๐ง๐ ๐๐ ๐๐ค๐-๐๐๐ ๐๐ง๐ข๐๐๐ซ๐ฌ๐๐ซ๐ฒ๐จ ๐๐ ๐๐๐ฉ๐๐ง๐ ๐๐ง๐๐ค๐๐ง ๐๐ข ๐๐๐ญ ๐๐จ๐ฌ๐ ๐. ๐๐ข๐ณ๐๐ฅ
Bilang paggunita sa ika-165 anibersaryo ng kapanganakan ni G*t Jose P. Rizal, nagsagawa ang Jose Platon Memorial School ng isang makabuluhang programa ngayong Hunyo 19, 2026 sa pangunguna ng school head na si Gng. Merlita M. Lastimosa.
Dinaluhan ang programa ng mga opisyal ng Sangguniang Barangay ng Saimsim at Camaligan, Sangguniang Kabataan ng Saimsim, Calamba Volunteers Association โ Saimsim Chapter, SPTA, SELG, YES-O, mga mag-aaral, at mga magulang. Ang palatuntunan ay pinangunahan ng mga tagapagdaloy na sina Kamahalan Deatras at Cyrine Bugia ng Ikaanim na Baitang.
Nagbigay ng pampasiglang bilang ang JPMS Drum and Lyre Corps, habang nagbahagi si Gng. Ailyn A. Abriol ng pagbabalik-tanaw sa buhay at mga ambag ni G*t Jose Rizal sa bansa. Isinagawa rin ang pag-aalay ng bulaklak na sinabayan ng paghandog ng awitin nina Bb. Gelyn R. Mendivel at Bb. Joanna Joy R. Cervantes bilang pagpupugay sa pambansang bayani.
Sa pamamagitan ng pagdiriwang na ito, muling pinagtibay ng JPMS ang kahalagahan ng pagmamahal sa bayan at pagsasabuhay ng mga adhikain ni G*t Jose P. Rizal para sa kabataang Pilipino.
School Head: Merlita M. Lastimosa
PSDS: Marites M. Zoleta
ASDS: Nadine C. Celindro
SDS: Merthel M. Evardome