19/10/2025
Exam week na naman — puyat, kape, at reviewer na parang walang katapusan
At doon ko na-realize , hindi lang pala exam ang mahirap ipasa pati 'yung mga alala nating naiwan sa gita ng tampuhan at iyakan.
Nagulat din ako nang malaman na hindi lang pala ako ‘yung nanghinayang nung nag-away tayo noon — ‘yung sandaling napuno ng tampo at luha.
Ang sakit lang isipin na sa dami ng dapat kong kabisaduhin, ikaw pa rin ‘yung hindi ko makalimutan.
‘Wag ka sanang sumigaw, diko hahayaan pati ikaw ay mawala…
Kaya ngayon, habang hawak ko ang ballpen at correction tape, habang sinusubukang intindihin ang bawat tanong sa papel,
nagtatanong pa rin ako sa sarili: pwede pa ba tayo?
At sa gitna ng lahat review, puyat, at dasal— umaasa pa rin ako na tulad ng mga exam na pinaghahandaan,
baka tayo rin, pwede pang ipaglaban.
Kasi minsan, hindi lang kape ang nagpapagising sa akin — minsan, isang simpleng ‘goodluck’ lang mula sa’yo, buhay na ulit ako.
Laban lang, kahit pagod na. Kasi kahit ilang test pa ang pagdaanan, ikaw pa rin ‘yung sagot na hindi ko kailanman makakalimutan.